QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, August 26, 2009

STAGES NG BUHAY!

Dumarating sa isang stage ang mga lalaki na kung saan sobrang EL nya (alam nyo nayun) yung tipong miski aso o baboy papatulan nya. Ako, dumating sa akin ang stage na ito noong college na ako.Pero hindi ko naman inisip patulan ang aso o baboy pero meron akong koleksyon ng mga pelikula. Ito ang klase ng pelikula na puro aksyon pero wala namang away, pelikulang maganda kahit walang istorya, pelikulang walang dialogue kundi puro ungol lang at pelikulang nakakaubos ng lakas at kapangyarihan.

Ako suki ako ng mga tinderang nagbebenta ng mga pelikula na yan at todo tawad pa ako sa tindera para bumaba ng kahit limang piso ang mga pelikulang malalaswa na yun (sayang yun pangsamalamig na rin). Halos nauubos na rin ang baon ko makabili lang ng mga iyon (fishball na nga lang ang tanghalian ko eh). At halos lahat ng bansa at nasyon meron ako sa aking koleksyon (pati mga eskimo, tiga-antartica at tiga-buwan meron ako, name it I got it). Kaya umiisip ako ng paraan para makarami ng bili sa mga pelikula na yan, at dito nakaiisip ako ng istayl kung paano makakagoyo.

Dahil komo halos lahat ng pelikulang meron ako ay paulit ulit ko nang napanood. Halos kabisado ko na rin ang gagawin nila at nagsawa na rin sa iba kong kolesyon . Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ko sya mapapalitan. At heto ang istayl dyan:

Step by step panloloko sa mga tindera.

Karaniwan sa mga pelikula na yan ay iba ang loob sa cover nila. Hindi na rin ito binibigyan ng importansya ng mga tindera basta sa kanila for as long na malaswa iyon okay na. Kaya kahit iba ang title sa loob at labas, okay lang .

Heto na paki tandaang mabuti lalo na yung maeel dyan

1. Dalhin ang mga napagsawaang pelikula at magdala rin ng bag para doon ito itago

2. Pumunta na sa target na tindera at mamili ng gusto mong malalaswang pelikula

3. Magpapansin sa tindera, para matandaan ang mukha mo dahil yang mukha mo na yan ang gagamitin mo sa pangogoyo

4. Bilhin na ang pelikula at magbayad

5. Magtago sa isang gilid at doon palitan ang loob ng supot ng mga pelikulang napagsawaan mo ng panoorin. Kunin mo ang bago at itago sa bag.(Gawin ito sa loob ng 2 minuto)

6. Bumalik sa tindera at sabihing papalitan mo ang binili mo kanina dahil napanood mo na ito kunwari at mukhang meron ka na nito. (At dahil kilala ka naman na ng tindera bunga ng pagpapakyut mo sa kanya at 2 minuto pa lang ang nakakalipas tyak papayag si Manong o Ate)

7. Ihalo ang unang binili at mamili ng bago. Presto dalawang bagong pelikula na ang meron ka.

8. Gawin ito sa iba pang tindera. Tandaan gawin ito sa iba pang tindera at huwag sa iisang tindera lang.

*Para sa detelyadong procedures paki-email lang ako!!

Ganyan ang istayl ko, medyo ako lang ang nakaisip nyan at walang ibang taong nagturo sa akin ng kagaguhan nay an. Kaya naman sinasalin ko na ito sa iba pang sobrang maeel para kapulutan ng aral.

Medyo natigil lang ako sa pangongolekta noong nahuli na ako ng nanay. Binuksan nya kasi yung cabinet ko at magtitiklop sana sya ng aking mga damit. Pero halos himatayin sya at nagulat sa dami ng pelikula meron ako sa aking cabinet. Gusto ko sanang ikatwiran yung sinabi ni Pablong Pabling na “Okay lang yan nay!, eh kesa mag drugs ako!!”.

Kaya isang buwang sermon ang inabot ko sa aking mga magulang at sari-saring pangaral ang inabot ko sa kanila.At isang araw nagulat na lang ako dahil dinala nila ako sa isang prayer meeting at sinimulang ipray over ng mga kachurchmate ng mga nanay. Halos mabingi ako sa lakas ng mga bunganga nila sabay sabi "Lumayas ka Satanas sa katawan ng batang ito! Lumayas ka!!" habang sinabuyan ako ng holy water , sori laway pala nila yun. Akala ata nila sinasapian ako ng masamang ispiritu o ng demonyo pero totoo ang eh ako lang talaga yun. Hindi si Satanas yun, Ako lang po yun Nay!

Ngayon , tapos na ako sa stage na yan (naks depensib). Napagdaan ko na yan at graduate na ako sa ganyang mga bagay. Wala na yung koleksyon ko kasi pinagsusunog na ng nanay ko (sayang dapat binenta ko na lang, kumita pa ako). At marahil eh hindi na ako ganung ka-el tulad ng dati (minsan na lang,hehhee!Eh kesa naman magdrugs ako)

Maraming mga stages ang buhay natin, pati rin naman ang kabiguan,kalungkutan at kadramahan bahagi ng stages sa buhay natin. Darating din ang araw na matatapos din ang lahat, at masasabi natin sa ating mga sarili na napagdadaanan na natin ito. Lilipas din ang lahat at mapupunta tayo sa ibang stage pa ng buhay natin. Kaya huwag nating isipin na habang buhay na lang tayong manatili sa isang stage na yun. Dahil maiiba din ito. Kaya subukan na lang bigyang motibasyon ang sarili na ang lahat ay hindi permante dahil matatapos din ang lahat.

Kapag naalala ko ang mga kagaguhan ko noong nagbibinata ako, nakatatawa na lang.Akala nga ng magulang ko makapag-aasawa ako ng maaga. Pero buti na lang nakapagpigil pa ako! Hahahaha. Meron na akong bagong kinokolekta ngayon……………. ano yun ??? ….nangongolekta ako ngayon ng….......... basura (ika nga may pera sa basura), okay na yun eh kesa naman magdrugs o magrugby ako!

Ingat at salamat

20 comments:

Kablogie said...

Dati mahilig din ako bumili nyan vitamins sa mata at isipan (hahaha) pero minsan napapansin ko paulit ulit na lang yun laman ng CD pero magkaiba lang ng Label at Title..inshort, nagogoyo nga ako tapos minsan sa sobrang barat na presyuhan ang ibibigay sa akin ng tindera eh sira yun CD na halos masira ang player ko..(nagoyo na nama nako part2. Kaya ang ginawa ko nag download na lang ako sa internet ang dami at puro latest pa! hehehehe..

Jepoy said...

Hindi ako na nonood ng mga ganyan ganyan! Yuck! So bastos! :-D

bosyo said...

Cguro madalas tayong nag kikita sa Raon.,,,hahaha

Dhianz said...

abah.. seryoso tayo ngaun kuya Drake ahh... ahehe... hmmnnzzz... dehinz atah makahirit ahh... well ahh.. siguro sobrah kalocoh moh tlgah nung bata kah... so isa kang parang smart na pasaway na bata noon... baka pag nakilala kitah non eh maging crush kitah.. naks naman... nde kc 'ung isang crush koh ren non eh smart at sobrang pasaway.. tsk.. ahehe.. 'la lang.. laterz kuyah.. Godbless! -di

♥superjaid♥ said...

hehehe tulad ni sis di, di rin ako makahirit, i have the right to remain silent..hahaha Ü

pero infairnez, madiskarte ka kuya, kazo di ka ba nahuli kahit minsan?Ü

DRAKE said...

@kablogie

hahahah! Libre pa ano pre, download na nga lang!

@Jepoy

Hahaha okay na yun kesa naman mahuling gumagamit ng oitment para sa You know,hahahha

@bosyo

Hahaha palagay ko nga pre!grabe dun parang nagbebenta lang ng kendi


@Dhianz

Crush mo ako? Nice nagblush naman ako dun! Hahah joke lang!

@Superjaid

eh bagay nga sa iyo yung sinabi ko dun eh uulitin ko:

Maraming mga stages ang buhay natin, pati rin naman ang kabiguan,kalungkutan at kadramahan bahagi ng stages sa buhay natin. Darating din ang araw na matatapos din ang lahat, at masasabi natin sa ating mga sarili na napagdadaanan na natin ito. Lilipas din ang lahat at mapupunta tayo sa ibang stage pa ng buhay natin.

batang'henyo said...

ayos 'tong mga stayl mo parekoy ahh..

isshare ko 'to sa mga kaibigan kong SM, hehheeh!

add kita sa blogroll ko ha.. tenks

A-Z-E-L said...

sa Quiapo o sa Recto?

pero kahit ano pa ang nakaraan ng tao, ang mahalaga ay ang aral na natutunan.

sana nga meron drake...

Everlito (ever) Villacruz said...

di bale na nang ma-el pards basta wag lang manyakis diba..natural sa stage nung bata explore tlaga yun, kanya kanyang trip. mahalaga di na naulit at nagbago na di ba...

di ako mahilig sa ganyan ganyan eh...






p.s.
baka naman meron kapang natira email mo nalang sakin ang kopya..he he he.(wag ka maingay ha)

DRAKE said...

@Batang Henyo

Salamat at nakapulutan mo ng aral!hahaa! Add na kita parekoy

@Azel

May natutunan naman ako....hindi nga lang mabuti

@Everlito
Pre gusto mo yung malaswang cinderella?meron ako nun, kakaiba!hahahha Joke lan!

Yanie's Ka-blags!!! said...

Drake, anong latest mo ngaun? hehe (*insert tumataas na kilay here*) hehehe!

PABLONG PABLING said...

hahaha. tae ka. naks napakagandang idea. tama ka parekoy diyan wala nga silang pakialam kung ano ang title at laman nung cd na yaon.

gandan ng sinabi mong pelikulang maganda ngunit walang istorya, maaksyon ngunit walang away. naks.

bilib talaga ako sa iyo parekoy

abe mulong caracas said...

nandyan pa ba ang koleksyon mo?

ok kayang mag garage sale ng ganun? hehehe

DRAKE said...

@yanie

Medyo di na ako gaanong nangongolekta nyan eh!hhhehehe!Plastic!

@Pablo Pabling

Salamat kun nakapulutan ng aral!

@Aba Mulong

Ipafedex ka nyan pre, okay lang ba?

kox said...

kawawa namn yung tinderang magogoyo! hahaha.. grabeng post to! lols =))

Everlito (ever) Villacruz said...

sige pards mahilig ako sa cartoons,

gaya ng dragonbold z!

Random said...

sundin nyo si jepoy bastos daw LOL. ano kaya ang next stage ng porn? http://moreducation.weebly.com

DRAKE said...

@Kox

Eh diskarte lang yun!Eh tubong lugaw naman sya

@Everlito

Dragonbold?LOL. Meron ako si Barney inaano si Dora, gusto mo yun?

@Random
Papuwet lang yang si Jepoy!eh sya nga itong laging nahuhuli!hahaha

Hari ng sablay said...

ayos yung intro mo pre akala ko kasi dumaan kana dun sa stage na miski aso o baboy papatulan,hehe

parang ikaw ang pinsan ko nangongolekta din ng ganyan pati mga gumaganap alam na alam niya mga pangalan,astig din yung tip mo,haha may natutunan ako sayo,

ako din dati fhm nangongolekta ako, kino-coveran ko pa ng plastic kaso ayun nagsawa din ako pinamigay ko sa kaklasi ko,madami dami din yun,

The Gasoline Dude said...

HONGSOMO MO! Ginogoyo mo sina Manong at Manang Dibidi! LOL

May collection din ako ng porn. Sa Baclaran ako bumibili nun. Ngayon hindi ko na matandaan kung saan ko nailagay.

Basura? 'Di ko gets...