Iftar Party namin kahapon, ito ang katumbas ng Christmas Party ng mga Muslim. Ako ang nag-asikaso ng event na ito para sa empleyado ng aming kumpanya. At dahil ang kliyente namin ay mga Prinsipe at prinsesa kailangan lang na pangmayaman din ang pagdadausan ng aming Party para sa mga bisita at empleyado nito. Kaya nag-isip ako ng sosyaling hotel, at dito napagdesisyunan kong pakainin sila sa pangmayamang hotel sa buong kaharian ng Saudi Arabia at ito ay ang …………………. Faisaliah Hotel (5 star hotel)
Tingnan ang picture sa ibaba
Ang bawat plato para sa bawat tao ay nagkakahalaga ng tumataginting na…………Apat na libong piso (grabe pwede ng pakainin nito ang sampung pamilya), Eh ang empleyado at bisita ay umabot ng 190 katao kaya umabot ang bill namin sa tumataginting na……………….760,000 pesos para sa gabing yun. Kaya pwede naman itong magpakain ng halos limang libong pamilya.
Grabe talaga kung kukwentahin mo yun pinaglalamon namin, kasi tyak marami na talagang taong napakain ng presyong ito.Pero sulit naman sa mga pagkaing nakahanda (aba’y dapat lang). Kaya isipin nyo na lang kung ilang tao ang pwedeng mapakain ng mga pinaglalalamon ng mga kongresista sa New York. Eh yung sa amin pera ng kumpanya , yung sa kanila pera ng bayan. Teka bakit ba nasingit ang usaping ito, hehhe saka luma na ito eh (at maaring makalimutan na rin dahil tyak gagawa ng paraan ang gobyerno para mapagtakpan ito) Okay change topic.
Syempre kailangan ko rin bumili ng regalo para sa mga empleyadong nagkaamag na sa kumpanya. Kumbaga sa kumpanya na sila nagkaroon ng ugat. At napagdesisyunan ko na bilhan sila ng ……..dyaran...........................relo na SEIKO (ang maswerteng relo).Bakit maswerte kasi kakambal nya ang Seiko wallet,heto kakantahin ko pa..”seiko Seiko wallet ang wallet na maswerte balat nito ay ginuwayn internasyunal pa ang mga desayn, ang wallet na maswerte,Seiko Seiko wallet Seiko Seiko wallet”(this is a paid advertisement by Seiko).
Teka palayo na ako ng palayo ahh....okay back tayo sa relo. At dahil nga halos isang bultong karelohan ang pinagkukuha ko sa knila, naawa naman sa akin at niregaluhan naman nila ako ng SEIKO 5 Sports ng aming supplier.(Grabe akalain mong binigyan pa ako,akoy sobrang tats na tats !!)
Heto yung piktyur at maiingit ka.hahhaha Joke lang
Kaso Gold at mukhang pangmatanda. Gusto ko sanang ibigay na lang ito sa tatay ko kaso kareregalo ko lang sa kanya ng katulad na katulad nyan. Kaya ipagbebenta ko na lang, kung may gustong bumili pakikontak na lang ako, mura lang ang ibibigay ko (presyong suki) tapos may free pang kalendaryo ni Patani.
Kaso Gold at mukhang pangmatanda. Gusto ko sanang ibigay na lang ito sa tatay ko kaso kareregalo ko lang sa kanya ng katulad na katulad nyan. Kaya ipagbebenta ko na lang, kung may gustong bumili pakikontak na lang ako, mura lang ang ibibigay ko (presyong suki) tapos may free pang kalendaryo ni Patani.
Akala nyo tapos na ang supresa noh, hindi pa meron pa. Heto kamo habang nag-aawardan na ng mga matatanda sa kumpanya. Nagulat ako ng biglang nag-emote ang boss ko,at nagdialogue na “meron daw sa kumpanya ang nagbuhos ng kanyang panahon para maisakatuparang ang event na ito, kung hindi dahil sa kanya wala tayong party” sabi nyang ganun (English yun ha, eh tinatransleyt ko lang), At biglang nyang tinawag ang pangalan ko. Gulat talaga ako dahil inabutan nya ako ng regalo. At hulaan nyo kung anong regalo nya sa kin??????........niregaluhan ako ng (drum roll please)……dyaran isa uling relo pero this time isang mahahaling relo na may nakapalibot na puwit ng baso (syempre di pwedeng dyamente sobra na y un,hahhaa) ang tatak ng relo ay BOSS at nakalagay pa sa wooden box. Wow sosyal na sosyal, at mapapalitan ko na yung relo kong Jollibee.Yeheyyyyyyyyyyy.
Heto yung pic
Sa buhay natin masarap maramdaman ang supresa. Yun tipong masarap pala na gumagawa ka ng isang bagay na wala kang iniintay na kapalit. Kasi kung makatanggap ka kahit maliit na bagay tyak papahalagahan mo ito ng sobra sobra.Tulad ko, ginawa ko lang ang trabaho ko, pero bigla akong nasupresa na bigla akong awardan at bigyan ng mahahaling bagay. Kahit siguro relo pa ng Jollibee ang ibigay sa akin, masaya pa rin ako kasi kinikilala ang ginawa kong kontribusyon. Alam nyo kaya tayo nakakaramdam ng disappointment ay dahil nageexpect tayo. Kaya mas magandang wag tayong magexpect at hayaang msupresa na lang tayo. Kasi kahit na maliit na bagay ay tyak ito'y pahahalagahan mo.
Last, isa pang supresa. Ang blog ko na ito ay opisyal nang nominado ng PBA o Philippine Blog Award. Grabe di ko akalain na ang kagaguhan ko ay kapupulutan din pala ng aral. (Akala ko nun lahat pwedeng maging nominado, yun pala sinasala talaga itong maiigi at hindi lahat nakakatanggap ng kopirmasyon na opisyal silang nominado)Swerte talaga ang buwan ko na ito.hehhe
26 comments:
huwaw naman Drake, Congratulations sa Relo at award mo... Wag kang umuwi ng Pilipinas na suot yan, kundi putol ang kamay mo kaya, ipadala mo na lang dito! heheeh! At tsak uyyy!, pa-berger naman jan!! hihihihi!
congrats sa nomination! inggit ako sa relo mo. haha. tagal na ako di nabibigyan nyan. :D
@Yanie,
Oo ipapadala ko dyan ang relo kong jollibee!hahaha! Nga pala anong oras na dyan? Ayon kasi sa napakaganda at pangmayaman kong relo ay 4:15 na ng hapon dito ..(hahhaha yabang, joke lang)
@Scud
Salamat pre, sana makalusot!hehhehe
bigaten ka na ngayon kuya drake, ang gaganda ng mga relo mo, huwawawawaw talaga!Ü hehe tsaka ang ganda nung hotel na pinagdausan nyo ng party, ang sarap sarap siguro talaga nung mga pagkain..kagutom!sayang walang picture, nakakahiya namang picturan di ba?hehe anyway highway, congratz sa pagkakanominate mo sa PBA, bigaten ka na talaga kuya, libre ka naman dyan!Ü hehehe
huwaw namern!
pde bang akin nalang yung isang relo? lolz! iba ka! iba talaga ang pinoy! :)
wala na bang handaan? kase nabigyan ka ng relo e. dapat may pa-berger ka. hahaha!!
dito rin sa dubai may pinakamahal na hotel...ito ay ang burj al arab...
at congrats sa nomination! :) sana manalo ka :) goodluck :)
Congrats naman, ang dami mong award at nomination.
Life is really Beautiful, keep on counting your blessings.
God bless.
hahaha! buti nakakapag-type ka pa? kasi feeling ko sobrang bigat ng relo mo, tingin ko na lang sa picture eh...
may iftar dinner din kami ngayon sa isang 5 star hotel din pero sabi ko sa organizer, perahin na lang hahahah! petiks di daw pwede kaya nag nag take awayy na lang ako hahahahah! jowk!
this is 'ur month kuyah! =) *tagay*... katuwa naman... nominado kah dyan sa PBA na yan... and pinakanakakatuwa dyan eh ang sosing sosing relo moh... mukha ka nang yamin kuyah.... hangkyut... bagay sau... naks...
teka... itoh ang pinakagusto koh sa sinabi moh sa entry moh na pinakanapulutan koh nang aral... " Alam nyo kaya tayo nakakaramdam ng disappointment ay dahil nageexpect tayo." ---> that is so true!.. bigla akong natamaan nang bonggang bongga... and shoot! di kc akoh nakailag... graveh... so much expectation sometimes... sigh!.. so 'unz.. yan... pinaemo moh akoh.. haha...
nde... dapat happy! *SMILE!* congratzzzz... alagaan moh nang bonggang bonggang yang sosyal mong relo... ganda nga nung relo... hangkyut... parang prinsipe ka na ren... naks!... ang henyo si Prinsipe Drake! naks.. ganda nang title moh ah... ahehe...
laterz. Godbless! -di
naks naman ang suwerte mo, pinag pala ka,,,hehehe,buti yung boss mo, galante, e yung boss ko kahit shawarma wala...
Hoy Drake, wag na wag kang uuwi ng pinas kikidnapin kita para makuha ko yan relo mo hahahaha...
Pero inggit ako hehehe..pahiram minsan (di ko na sosoli yan!) tignan ko lang kung bagay sa braso ko! ^_^
@Jaid
Maraming salamat sa pagbati mo! Medyo mahal talaga ang pagkain dun, grabe akala mo puro ginto ang ulam dun! Medyo kakatuwa lang si bossing talaga kasi talagang pinuri ako sa harap ng mga tao
@Jee
Tama ka iba ang pinoy angat sa lahat, lalo sa kumpanya namin, hangang hanga sika sa pinoy. Alam ko yung urj al arab ito ang pinakamataas na building pati yung emirates tower ang kaisa isang seven star hotel. Salamat sa pagbati
@The Pope
Tama po kayo ang daming kailangan ipagpasalamat sa Dyos!Salamt po sa pagbisita
@Yanie
Medyo mabigat nga sa braso ang pangmayaman kong relo pero okay lang!Kesa naman isuot ko uli yung Jollibee kong relo
@bosyo
Medyo galante yun ayaw ko ng sabihin ang iba pang bigay ng boss ko, kasi spobrang dami na talaga!hehehe
@Kablogie
Pre ang lahat ngn bagay ay binabagayan, tulad ng relong ito, mukhang sa akin lang bagay!hhhehehe joke lang pre!bilhin mo na lang yung seiko pre
ibang level pala ang kaswertehan mo ngaun ah...
tanong lang... bakit puro relo? hihihihi
di kaya magtampo si jollibee dahil pinapalitan mo na sya?
hehehehe
napadaan lang poh..
babushki
sakin mo na lang ibigay ang relo mo... tagal nako di nagkakaroon ng bagong relo.. hehehe
congrats pala sa yong mga natamo na pagpapala. masarap talaga na marecognize ang ating mga pinaghirapan.
tol, pa-follow sa blog mo... di madalas na nakakatsamba ako ng pinoy sa blogspot... mejo bago lng kc ako... tnx. Godbless!
W-O-W ASTIG!! ANG COOL!! hahaha.. gusto ko din pumunta sa 5star hotel na yan.. hahaha bibilhin ko sana yung relo kaso may kalendaryo pa ni patani kaya wag n lang! hahaha.. echos! ang cool mu talaga kuya drake :]
when it rains it pours daw. Share mo n lang yung Boss na relo sa akin, hekhekhek
@Yanah
Oo nga puro relo!hays! Ganun pa rin naman ako lagi pa ring late. Add kita sa bloglist ko!
@Chie
Pre salamat sa pagbisita add din kita pre!
@Kox
Sige na bilhin mo na yung relo kahit palitan ko yung poster gagawin ko na lang poster ni Pokwang habang naka two piece! Shades lang at tsinelas!
@Francesca
Tama ka when it rains may bagyo!heheh! Naku kayang kaya mo naman ate francesca na bumili na mamahaling relo eh.
ba't wala akong reply? =(
Ampf. Naalala ko bigla ang Tatay ko ang hilig akong bigyan ng gold na Seiko eh hayskul pa lang naman ako nun hindi ko syempre pwede suutin masyadong mainit sa mata ng mga magnanakaw.
congrats sa madaming swerte...
and goodluck sa PBA!!!
anog oras na nga po ulet? naks!
umaapaw sa galak ang araw natin ngaon pards.. pakanton ka naman..ha ha ha.
ganda ng boss- bagay sa kalidad mo pards.. shusyalen!
This comment is for DHIANZ only!!
Hahahha, sensya na di ko namalayan na di pala na post ang comment ko specially for you.Sorry Uli, bawi ako sa iyo!
Maraming salamat sa lahat ng sinabi mo, alam mo may ilalagay akong comment sa iyo para somehow makatulong sa pagiging malungkutin mo these days.
Maraming salamat sa comment mo sobrang nakakataba ng puso!hehehhe
Pwedeng pakiss hehehhe!!
Pakibasa yung comment ko sa iyo!
@Gillboard
MAraming salamat sa bati mo, hayaan mo ipapadala ko dyan yung relo ko pang isa, yung sinasabit sa dingding (wall clock pala!hahah)
@ Gasoline Dude
Kaya nga ayaw ko rin ng Gold pangmatanda hahah!! Sosyal mo naman nung bata ako nga goma lang eh!hehhehe
@Azel
Sana manalo ako sa PBA saka sa PEBA heheh! Go go go SAGO!!
@Everlito
Hahhaa, MEGANUN pre! Kahit man lang sa relo mag mukha akong mayaman!
ayoko ng seiko ang cheap kaya nun hahahah
congrats sa nomination! :)
grabe, tawa ako nang tawa dun sa seiko wallet na part. naaalala mo pa yung kanta! tsaka agree ako dun sa sinabi mo. mas maganda talaga na walang expectations. no expectations, no disappointments. yun nga lang, madaling sabhin, mahirap gawin.
Ibang level na :-D Gusto ko rin kumain dyan sa hotel na yan ;-D
Post a Comment