QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, September 14, 2009

FRIENDSTER/FACEBOOK POSE



Marami tayong mga pautot kapag kukuhanan na ng piktyur. Marami nga ang nagsasabi na ang larawan ang nagkukwento ng mga bagay bagay . Kaya pati mga piktyur ginagawan ng kwento at ginagawang ng kung ano ano pang trip na tanging taong nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy ang makakagawa.


PAALALA: Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Kung mayroon kang piktyur na nabanggit sa ibaba, okay lang yun kasi meron din ako nyan. Hahahaha! Kaya heto na iyon:



1. Japanese o Peace Sign



Halos lahat ng tao kapag kukuhanan ng piktyur ay tila may isang malaking pwersang nagpapataas ng kanilang kamay at kusang bubuka ang kanilang mga daliri na parang mga kamay ng alien at dyaran…… mag pi- peace sign. Minsan itatapat pa sa mata, sa pisngi o minsan sa ulo (sungay). Medyo hindi ko alam kung nag-originate talaga ito sa Japan o Korea, pero ngayon halos lahat nakikipeace sign na (pati rin ng lola ko eh, kumusta naman yun?). Dati nakyukyutan pa ako pero ngayon medyo nakakaumay na, hindi na sya kyut parang najojologsan na ako sa ganitong pose.


2. Kuha sa Salamin Pose

Ito naman ang mga posing na todo pakyut sa salamin saka kukunan ng camera. Kapag may nakakitang tao sa kanya tyak iisiping bangag yun o di kaya tumira na naman sya ng cough syrup. Ang style dyan ay todo magpapakyut hanap ng magandang angulo saka pipilitin ang ngiti o palalabasin ang dimples kahit mukhang tinusok lang ng ballpen ang dimple..


3. Kuha sa Sarili Pose

Medyo ang kaibahan lang nito sa kuha sa salamin pose ay obvious ……..walang salamin, basta kukuhanan nya ang kanyang mahal na mahal na mukha at wala syang pakialam kung saang angulo nya ito kukuhanin. Maaring kukuhanan ang sarili sa itaas na angulo (nasa itaas ang kamera) na animoy nanunungkit ng panti este ng bayabas. O di kaya itatapat ang camera sa ubod laking mukha nya sabay…click…. Daig pa ang photome booth dahil excited na excited pa nyang makita ang sarili nyang mukha.


4. Umiinom ako sa Starbucks Pose

Medyo pinoproseso pa ng 512MB kong utak kung ano naman ang kinalaman ng isang coffee shop sa buhay nya at doon ka pa nagpapakuha katabi ang kapeng nakasulat ang kanyang pangalan. Siguro gusto lang nyang ipangalandakan sa buong mundo na umiinom sya ng kapeng ubod ng mahal? Akala nya magmumukha syang sosyal at mayaman. Pero alam ko hindi naman gawain yun ng mga mayayaman at minsan kahit itapat pa ang gintong kape sa hitsurang dugyot eh ay hindi pa rin sya nagmumukhang sosyal, magmumukha lang syang kutsara sa tabi ng tasa ng Starbucks. Hahaha Joke lang!

5. Hubad Pose

Sila naman yung nagfefeeling boldstar! Minsan para lang ipakita ang kanilang nagagandahang katawan o di kaya para wala lang. Medyo hindi maganda ang naiisip ko sa mga gumagawa nito, basta para silang nag-aalok ng serbisyo ng you know.. LAMAN-LAMAN KAYO DYAN MURANG MURA LANG!!! (sa katawan na lang sila bumabawi kasi olats sila sa mukha,hahah! Kumbaga sa hipon itinatapon ang ulo!Joke ang uli! )


6. Kunwari Stolen Shot Pose

Sila naman yung magkukunwariang hindi sila kinukuhanan sa camera, o di kaya umiiwas na tingnan ang lente ng kamera kahit na todo ngiti sya at halatang nagpapakyut pa rin sya kahit stolen shot daw iyon. Paepek nila yun para hindi naman halatang atat na ata sila sa piktyur, minsan akala mong mga direktor sa pelikula kasi may dramatization o script pa para makatotohanan daw ang stolen shot pose.

7. Wacky Wacky Pose

Ito naman ang mga posing para sa hindi photogenic o panget sa piktyur. Dahil kwela at may lisensya syang maging panget at katawa tawa, ito ang madalas isuggest para kahit pagtawanan ang pagmumukha nya sa piktyur okay lang kasi wacky naman eh (madalas ko rin itong i-suggest). Ganyan talaga para-paraan lang yan para naman pag may nakakita ng piktyur nya at may nagsabi “Ang panget mo naman sa piktyur” ang pwede mong idahilan .......“Sira, wacky pose kaya yan!!” (kahit na mukhang serious na serious ang mukha mo sa piktyur)

8. Magpakuha kasama ang magagarang sasakyan Pose.

Sila naman yung hindi mo alam kung kinukuhanan ba sya kasama ang kotse o kinukuhanan ang yung kotse na nasingit lang ang pagmumukha nya (tuloy pumapanget ang piktyur). Tyak alam naman siguro ng taong makakakita ng piktyur mo na hindi sa iyo yung kotse kasi umiilaw ilaw pa yung kotse (nag-aalarm kasi). Kaya mas mapagkakamalan ka pang carnapper at carwash boy/girl kesa may-ari nito. Hindi ka naman magmumukhang mayaman kung sakaling nakadikit sa katawan mo sa mamahaling kotse na ito mas mukhang pang madumi yung kotse kasi tinabihan mo.Hehehe

9. POGI Sign at kung ano ano pang sign

(Excluded na dito yung Japanese sign kasi nadiscuss ko na ito.) Hindi ko rin alam na bakit kung tututukan na ng lente ng kamera, eh hindi na mapakali ang iyong mga kamay at parang may sariling buhay ito na gusto ring magpakyut sa kamera meaning tila awtomatikong kikilos ang iyong mga kamay para gumawa ng mga kung ano ano pang sign tulad ng POGI sign, Rapper Sign, Kamay Alien sign at kung ano ano pa mga pautot ng kamay mo. Eh hindi naman ito nakakadagdag sa appeal at pagmumukha mo, ganun pa rin naman ang hitsura mo, umeeksena lang naman ang kamay mo, kaya bakit nga ba ganun?

10. Pictorial Pose

Sila naman yung mga taong ginawang malaking studio ang sala, kusina, banyo, park at kung ano ano pang lugar. Akala mong mga modelo ng antifungal cream na talagang todo posing. Eh nandyan hawak sa baba pose, kamay dikit sa mukha pose at kung ano ano pang pang cover ng tinapa este ng magazine pose. Medyo marami rin silang props tulad ng bulaklak, sombrero, panyo, at kung ano ano pa. Sabagay kahit man lang sa piktyur mag mukha silang artista at modelo.

Iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang pose na makikita natin sa Facebook, Friendster at kung ano ano pang social networking sites. Eh kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialamanan. Meron din naman akong mga piktyur na gumagawa ng mga nabanggit sa itaas kaya pati ako natatawa sa sarili ko.

Ang larawan o picture ay nagsaysay ng ibat ibang bagay maaring emosyon, pangyayari sa buhay mo o kasaysayan. At laging may alaala tayong nababalikan kapag nakikita natin ang mga larawan na ito. Kasabay ng bawat pindot at tipa ng kamera ay pagkuha rin ng mga alaalala o bahagi rin ng buhay natin.

Kaya sige pose lang ng pose at klik lang ng klik, ganyan talaga ang mga adik sa piktyur,hehhehe!

Ingat


P.S

Hindi na ako naglagay ng mga sample picture kasi baka kasuhan pa ako ng mga taong ito! Kung piktyur ko naman ang ilalagay ko baka ako naman ang kasuhan nila “POSTING OF UGLY FACES” hehhe, kaya okay ng maging safe.

26 comments:

YanaH said...

guiltyng-guilty ako (kasama na si jentot)(kilala mo ba si jentot? ahihih di yata! hahaha) sa 6 and 7...
perooo utang na loob naman sa number 5... hindi keri ng powers ko yun! hahahaha

DRAKE said...

ako guilty ako mula 1 hangang 10. Yung pang number 5 for personal viewing lang yun!hahahah! At dinelete ko din agad!

Saka isa pa hindi ko naman iyon pinopost sa fs or fb kasi nakakatawa talaga ang mga posing na yan!hehhe

Salamat Yanah! Ingat

kox said...

ano ba yan?! wahahaha.. kasali din ako jan, hahaha.. lalo na ung japanese pose. lols =))

♥superjaid♥ said...

wahaha im guilty beyond unreasonable doubt pero hindi dun sa number 5 at 8, di kaya ng kapangyarihan ko ung hubad pose at mahilig man ako sa kotse di ko pa naman nasubukang magpapose sa kotse ng may kotse, hahaha

DRAKE said...

@Kox

Dati meron akong pix nyan sa FS ko, hayun tinanggal ko na rin!hahahah

@Superjaid

Buti naman at hindi yung number 5!hehehe bata ka pa eh!

gillboard said...

parang ako yata yung pichur sa tabi ng kotse... papalitan ko na nga yung profile pic ko... ang sakit sakit nung tumama!!!

lolz

Kablogie said...

Wahaha...dahil jan sa topic mo madami ang tatamaan hahaha...(isa na ako dun! Grrrrrr!!!!)

DRAKE said...

@Gillboard

Kung kotse mo naman yun okay lang! Ngayon kung hindi sa iyo yung kotse bakit ka magpapakuha?hahahaha

@Kablogie

Alam mo parang yung dating profile pic mo sa blogger ID mo ay tumatama sa No.5!hahaha

Jepoy said...

Ako, Ako... Guilty sa Point Number 3 :-D

Pero, mas ma-appreciate ko ang entry mo kung bawat point nilalagay mo ang sample picture mo.

Chill!

Kablogie said...

Drake..papakulam kita dahil guilty ako sa no. 5! Grrrrr!!!!

ch!e said...

wala bang sample pic ung number 5? . . .

pang-educational purposes lang naman :D

DRAKE said...

@Jepoy

Oo nga pre pansin ko nga guilty ka dun!hahhaha! Wag ng sample pic hahaa!

@Kablogie

Oo nga guilty guilty ka dun at dahil dun sisitensyahan kita ng panghabambuhay na pagkakakulong hahahha!!

@Chie

Wag na brod nakakadiri kung ilalagay ko pa!hahahah!

Dhianz said...

hahaha... natawa na naman akoh sau... nde koh na kokomentan isa isa yang mga sinabi moh kc 'lam moh naman meeh... humahaba lang minsan ang komentz... basta akoh... basta cute ang dating koh sa picture... kahit anong pose, sign, background pa yan... i don't care!.. aheheh... basta cute akoh.. daz all i care... d' end.. lolz..laterz kuyah.. Godbless! -di

mr.nightcrawler said...

andito na ako pareng drake. naku po, guilty ata ako sa tatlo. hehe.di na siguro kailangang i-specify. haha. ang di ko ata kaya yung number 5. wahaha.

DRAKE said...

@Dhianz

Hahah aokay lang kung mahaba ang comment mo, gustong gusto ko ngang basahin yun eh (***Please insert blush here*****)

San ka ba guilty dyan?

@ Nightcrawler

add kita bro sa bloglist ko para masaya!!
hahhaha

The Scud said...

none of the above ako. teka. where would sitting on a crumbling staircase count?

glentot said...

Nyahaha natuwa ako buti na lang wala akong ginagawa jan except kung kunan sarili ko at desenteng angle naman...

atbp said...

Ang kuha sa sarili lalo na ang kuha sa hubad na katawan pose ay nagpapatunay lang sa kasabihang "love your own" kahit na naghuhumiyaw na ang mga cellulite masabi lang na may nude pic sila pwede na. :P Yan kaya ang mabenta sa kano. wahehhehe joke :P

Everlito (ever) Villacruz said...

anak ng tipaklong lahat ata ng nabanggit eh kasama ako...ito ang post ng reality photo..tumpak lahat ng nabanggit.

may picture din kasi akong hubad at atin atin lang yun...ha ha ha.:)

A-Z-E-L said...

hahahaha!

lahat ng pose ata nagawa ko na! hehehehe!

pero di na update ang FS ko.. wala naman akong FB... outdated na yata ako :(( huhuhuhu!

DRAKE said...

@Scud

Yung picture-taking sa staircase ay nabibilang sa PICTORIAL POSE! Naks with matching hawak sa ulo sabay yuko pose!

@Glentot

Hahaha, buti naman at maayos naman ang pagkakakuha mo sa sarili mo. Teka baka naman may labas dila pose ka pa (nabibilang sya sa Wacky Pose)

@atbp

Nagmumukha nga tuloy porn site yun!hahaha! Murang mura ang sariwang laman!

@Everlito

Hahahha, oo nga kabilang ka dyan sa ganyan!joke lang! Lalo na yung EMO POSE ( kabilang sa Kunwari Stolen Shot pose)

@Azel

Hahahah pati yung number 5?

rico de buco said...

guilty din ako hehehe pero aus lang at least masaya ako hehehe

Yanie's Ka-blags!!! said...

Sana isinama mo na rin ang top 10 captions sa mga photos na to Drake! hehehe...

Mula ngayon titigilan ko na ang magpicture ng mga katulad ng sinabi mo... Masakit sa damdamin eh

ahaha!

blogsngpinoy said...

okies! ur blogs are now been posted! u can also vote for your favorite blogs! the top 5 highest rated will be highlighted in the Hall of Fame ;)

DRAKE said...

@rico de buco

Karamihan din naman sa atin guilty sa mga iyan eh!hehehe

@Yanie

Ang tagal mong nawala ah!San ka ba nagsusuot!Namiss kita pwamiss!heheheh!! Hayaan mo sa next topic ko yan!

@blogsngpinoy

Salamat po!!

Ollie said...

ouch guilty ako sa #5 hehehe. so pag ganun hipon? hahaha sama!

actually may nakalimutan ka pang ibang category..

meron din na body lang ang pinakikita at alang mukha.. yon ang delikado.

meronn din na picture ng cartoon or kotse or anime... yeah. watever. hehehe nice blog... tagalog kasi hehehe