Tulad ng aking sinabi noon, binulok ko lang ang aking mga mata kakatulog! Medyo sumasakit ang ulo ko sa sobrang tulog at halos lumapad ang aking likod dahil mas matagal pa ang inalagi ko sa kama kaysa sa upuan. At syempre nanood ako ng sandmakmak na pelikula/ movies gamit ang Sony Projector ng kumpanya. Hahah kapal ko noh, kaya nagmistulang mini-sinehan ang aming sala at Heto yun:
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Narito ang listahan ng aking napanood na pelikula
1. District 9- Ang galing ng computer graphics. Mocumentary ang style ng movie na ito pero medyo nabitin ako sa huli. Siguro may part two pa! (Rating: 4 out 5 )
2. G.I Joe Rise of Cobra- Ang ganda ng action scenes kaso tulad ng District 9 bitin din at mukhang marami pang sequel ang movie na ito (Rating: 4 out 5)
3. Night at the Museum 2- medyo marami pang flaws pagdating sa computer graphics (Rating: 3 out 5)
4. Ice Age 2 – Pambata ito talaga pero maganda ang pagkakagawa ng animation. (Rating: 3 out 5)
5. X Men Origins: Wolvorine: - Naku ang baduy ng climax, nadismaya lang ako sa huli (Rating: 3 out 5)
6. Harry Potter (Order of the Phoenix at Half Blood Prince)- Bias ako, kasi Harry Potter Fan ako kaya ayaw kong magbigay ng rating
7. House Bunny – low budget movie, pero natatawa ako sa main character ng movie at okay na rin kasi marami namang seksing bebot dun. (Rating: 2 out 5)
8. Kimmy Dora – Medyo okay lang yung movie at hindi naman ako humagalpak kakatawa. Tamang ngiti at tawa lang. As usual may ingredient ng kakornihan at kabaduyan pero all in all okay naman yung movie (Rating: 3 out 5)
9. Cloverfield- Mocumentary din ang style ng movie. Maganda at panalo sa kwento yun nga lang nakakahilo ang kasi nga may pagka Blair Witch Project ang atake nila. (Rating: 4 out 5)
10. My Bloody Valentine – Waste of time (Rating: 1 out 5)
11. My Super Ex-Girlfriend- Light ang movie at nakakatawa rin kaso parang ubod ng bilis ng istorya at may pagkabaduy din ng konti (Rating: 3 out 5)
12. Final Destination 4- walang pinag-iba sa 1,2,3 ganun ganun din at walang bago. Nakakaumay (Rating: 2 out 5)
Yan ang mga pinanood ko habang ako’y nagbabakasyon. Medyo marami rami din yan, medyo nabundat din ako kakain ng pop corn at chitchirya. Mahilig ako sa movies lalo na ang porn este ang sci-fi movie.
Ngayon nag-aadjust pa ang katawan ko mula sa pagiging batugan eh kailangan kong i-shift uli sa work mode. Kaya medyo nare-reboot pa ang utak ko. May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa pagpunta ko sa isang British Compound, pero next time na yun! Nagparamdam lang ako sa inyo at nagpacute. Ganun lang!
.
Ingat at Salamat!
38 comments:
Marathon ka tsong ah. Magkano ba siningil mo per movie sa mga kasamahan mo? hehehe!
Anyways, nag-drop by lang ako para mangumusta at i-congratulate ka na rin dahil isa ka rin pala sa mga finalist ng PEBA. Galing mo este galing natin hehe!.
Anyways, di ko habol ang manalo. Actually, di ko na masyadong pinapansin ang blog awards pero yung mga na-gain kong friends doon ay mas na-appreciate ko.
Subukan mong panoorin yung last part ng Harry Potter. Fan din ako ng HP pero dismayado ako last part nila - 3D pa man din ang pinanood ko sa Pinas.
Naks ikaw ang unang nagcomment, at dahil ikaw ang unang nagcomment may regalo ka sa akin. May libre kang ticket sa aking mini-sinehan,hahaha
Teka Finalist ka pala sa Philippine Blog Award, congrats bro!
Goodluck din sa PEBA!
Ingat
dapat may rating ang half-blood prince! sarap sana mag-movie marathon ngayon pero walang kuryente. bad trip!
Wag mo na soli sa kompani mo ang projector..Maganda manuod talaga ng movie sa multi media projector tapos meron ka pang home theater..atos sinehan na ang datin talaga ahahaha
@Scud
Medyo Bias nga ako pagdating sa Harry Potter kasi tyak 5 out 5 yun kasi nga Harry Potter Fan ako, at medyo nalungkot ako ng sobrang ng
mamatay si Dumbledoor (tama ba spelling??)Heheh mamaya meron uli!Extension ng bakasyon
@Kablogie
Isosoli ko yun kasi hindi naman akin yun, bibili ako ng LCD TV ngayong sweldo, at duon ako manonood!whahhaha!
ingat sa inyong dalawa!!
Naks sosyal. Matagal ko na din gustong gawin yan ang magkaroon ng maliin na sinehan sa bahay kaso wala naman akong wall na panonooran o telang puti na gagamitin. Anyway, sarap naman ng buhay mo. :P
@Klet
Naks naman ang problema lang ay telang puti!hehehe!
Sarap ng feeling kasi nga para kang nasa sinehan minus the surot!hehhehe
ingat
wow naman! movie marathon! buti pa nga kayo jan ang haba ng bakasyon...ako apat na araw lang kasama pa ang friday jan. hahaha!
henewey, naghahanap din ako ng copy ng district 9, kimmy dora at final destination 4. pde bang penge ako ng copy? hehehe...
sana makahanap ako ng copy nyan...gusto ko kaya yang ice age 2. natuwa ako...hehehe...
ingatz! :)
Sa limewire available lahat yan! Subukan mo dun. Yung kimmydora sa Rapidshare pwede mong makuha!
Ang KJ nman ng company nyo! Oo nga pala advance HEYPI BURTHDEY!!
Ingat
Ako bumili ako last year ng 32 inches na LCD TV at talaga namang solve kami, kahit TV ay parang sine ang pinapanood namin.
Sarap panoorin ang mga complete series ng Supernatural, Heroes, Criminal Minds, etc...
Kinuha ko ng hulugan, oks din tapos na bayad ko kaya talagan akin na akin na yung TV namin este amin pala.
Siyanga pala salamat sa ticket hehe!
Miss ko na mag-movie marathon.
Kainggit!
@Noel
Bibili ako ng LCD this month!whahahaha! Regalo ko sa sarili ko!hehehhe
@timberboy
lalo na kung sasamahan pa ng sandamakmak na pagkain at chitchirya!hehehe
Ay ang saya naman! Ang daming movies at naka projector pa. Susyal!
Sarap naman pala ng panunuod mo ng movies, laki ng screen from the projector.
Hindi ko pa napapanuod yung GI Joe, wala me makuhang malinaw na copy. Nagustuhan ko ang District 9, maganda ang pagkakagawa, tama ka, bitin ang ending.
Thanks for sharing the movie review.
cge ubusin mo yung bulb ng projector, sarap manuod pag big screen....tanong ko lang, may tax ba pag bumili 32 inches na LCD pag pinabagahe sa pinas? kung meron mag kano?
ayun eh.. ginamit ang projector ng company... hahahaha!
gusto ko rin ung district 9.. kaso wala pa akong copy :(
@Jepoy
Maiingit ka!hahahha !joke lang! Medyo hanggang ngayon may extension pa rin ng aking movie marathon!
@ The Pope
Yung nakuha ko malinaw, although kuhang sine pero talagang maganda yung video pati yung audio.Salamat sa pagdalaw at congrats po uli.
@bosyo
Alam ko wala namang tax, pero para sa courier (sea at air freight) iba ang rate nila for electronic. Medyo mahal ng konti.Kung tuusin daw mas mapapamahal ka kung sa abroad ka bibili, mas maiging sa pinas ka na lang daw bumili kasi mas makakamura ka daw.
@Azel,
Malinaw yung nakuha ko from Limewire. Medyo bagong bago pa yung projector ng kumpanya kabibili lang last month at kami ang unang basal!hahaha
grabe pards, kala ko ako lang ang maraming napanuod na movie sa kwarto ko..ngayon alam ko na kung bakit drakes room talaga..langya talagang taon kwarto eh..ha ha ha..
nagandahan ako sa district 9...
@Everlito
You bet kalabet automatik ang puwet! Medyo marami talagang nangyayari sa kwarto ko!hahaha!Da best
District 9, astig ang pagkakagawa grabe parang tunay na tunay! Yun nga lang bitin talaga sa huli. Pre I suggest "Cloverfield"ganda yun!!
ingat
uy, parang nainggit naman ako dun sa projector!!! gusto ko bumili niyan... magkano kaya yun? hmmm...
cloverfield-hmmm teka ngat madownlod nayan at nang mabigyan ng ratings.
salamas!
p.s.
mukhang panay ang jack--(toot toot)jackenpoy natin sa kwarto kaya panay ang tambay mo dyan..ha ha ha.:)
@Gillboard
Yung bago ng Sony (which yung gamit ng kumpanya na kapal kong hiniram) mataas ang "lumens" nyan o kumbaga sa camera yung pixel, ay nagkakahalaga ng kulang kulang 40,000 pesos, dyan sa pinas mga siguro kulang kulang 50K. High End kasi yun eh bago kung mababa ang pixel mas mura
@Everlito
Oo madalas akong mag jack------stone.hahhaha! Medyo ang kwarto ko ang aking sanktuaryo at pahingahan. May ref ako dun saka alagang......elepante!hahaha
Medyo nakakahilo lang yung Cloverfield na yan, pero astig!
May isa pang movie na lalabas na ang magdi-direct daw ay yung director din ng District 9 at kasama si Steven Spielberg. At ang gumawa naman ng script ay yung gumawa din ng sa GI Joe. Ang title daw yata ng movie ay DRAKE haha!
@bosyo, ang alam ko ay merong tax pag lumagpas ng 21 inches ang TV. Pwede mong ichop-chop para lumiit hehe!
Oks ang projector pero kung papipiliin ako sa lifespan ay lamang na lamang ang LCD. Ang projector ay mga 2-3 years ay pangit na at laspag na pictures.
Yung LCD TV namin pala ay magto-two years na pero walang pinagbago sa quality.
Ganda ng GI Joe, sana napanood ko sa Pinas ng 3D. Pero atleast naabutan ko sa sinehan. Waiting for part 2.
@Noel
Gumaganun ka pre!Hahaha! Medyo mataas ang talent fee ko kaya baka hindi ako pumayag na ipagamit ang precious name ko ( may precious!heheheh)
Sori ka Noel may LCD TV na ako this month!Whahahhaha Nangiingit ka ha! Tingnan natin!(*please insert tawa ng demonyo here*
Ingat pre
Naku Dre... Pareho tayo ng ginawa the whole break, nanood at nagpataba ng puwet haha... eto naman ang listahan ng mga pinanood. diko na ire-rate ha...
1. The Day the Earth Stood Still
2. Ghost Town
3. The ghost of my past girlfriends
4. Fools Gold
5. Serbis (hahahaha)
6. first 8 episodes ng smallville.. pwede na bang 8 numbers ito?
7. The Hangover - I LAVVV THIS MOVIE!!!
8. Inumpisahan ko din yung Cloverfield pero nasuka ako dahil sobrang bundat na ang mata ko sa mga nauna kong pinanood, at tama ka, nakakhilo, paki kwento nga..
9. Hancock
10. I-robot
nakipanood din ako sa mga cartoon movies ng mga junakis ko
11. Ice Age 3
12. Lilo and Stitch 2 - spanish version
13. Bolt
pero di ako sa projector nanood bro, dun sa 32inches na LCD hehehe... :P
yup yup chochop chop in ko nalang, ayon kay Kuya Kim ng Matang Lawin ang Bulb ng Projector is uma abot lang ng 1000 to 2000 hours,,at ang bulb price daw ng bulb sa pinas nasa 20,000 pesoses, pero pag nag kapera nbibili pa din ako ng 5, yung 4 ipapamigay ko sa mga mahihirap,,hahahaha
@Yanie
Kaya pala hindi ka dyan nagpaparamdam buti pa ang multo nagpaparamdam, ikaw hindi!hehehe
ayaw mo magrate ako magrarate ako ng mga napanood mo:
1. The Day the Earth Stood Still- di ko pa napanood yan
2. Ghost Town-mas maganda pa ang ghost ship
3. The ghost of my past girlfriends-title p lang mukhang baduy n!
4. Fools Gold-seksi ni kate dyan gwabeeee
5. Serbis-hands down grabe galing malalim at may social relevance
6. first 8 episodes ng smallville.. pwede na bang 8 numbers ito?-ganda nyan
7. The Hangover - dinanownload ko pa yan
8. Inumpisahan ko din yung Cloverfield panget sa umpisa pero maganda talaga yan pwamis.
9. Hancock-hehehe medyo may pagkabaduy ng konti
10. I-robot-ganda ng concept nila dyan
nakipanood din ako sa mga cartoon movies ng mga junakis ko
11. Ice Age 3- pambatang pambata yan
12. Lilo and Stitch 2 - spanish version-tyaga mo neng
13. Bolt-matutuwa ang mga bata dyan
hahaha pwede ng gawing entry ito ah!whahahah
@ bosyo
Sa akin na lang yung apat na ipamimigay mo! mahirap ako at 3 sa kapatid ko ay mahirap din kaya amin na lang yung apat na LCD!hahahahha
imbes na bibili ako ng malaking flat screen tv eh bibili na lang ako ng prjector. nadadala pa
@Pablo
Why nut coconut! Medyo mahal at malakas sa kuryente ang projector Paps
drake.. nakaprivate ung video na uploaded sa youtube.. hindi namin ma-access. tsk..tsk...
pashare na lang sa pebawards kung gusto mo talagang i-private...
or tanggalin mo ang restriction for few minutes hanggang madownload ko.
pag tapos na private mo na lit.
let me know... email ka lang sa PEBA.
tnx!
Hindi ako naniniwala na 'yan lang ang pinanuod mo gamit ang projector ng kumpanya! Hahahaha!
PORN! PORN! PORN!
@Azel,
Okay na ate, pakicheck na lang!
@Gasoline Dude
Gawain mo ipinapasa mo sa akin!Hahah! Pero sinubukan ko lang yun isang beses.
Nalulula ako sa napanood ko, lahat pwede mong makita kahit mga dumi at libag sa katawan mapapansin mo!hahaha!
pards, ganda ng video ad mo sa PEBA...:)
Salamat pre, medyo muntik na nga akaong mapagalitan ni Boss kasi bat daw ba ako busy eh wala naman syang pinapagawa sa akin!whahahhaa
Inatyin ko ang gawa mo!ikaw pa di hamak na mas artistic ka kesa sa akin!ingat bro
Puro Hollywood? Eh bakit yang nasa picture parang Regal Films?
Post a Comment