QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, September 28, 2009

Inosente si Ondoy!!!!!!!








.
,

,
,
,
,
,

OO NGA PALA: Kung mapapansin nyo pareho lang itong entry na ito sa isa ko pang blog, nais ko kasing ipalaganap ang magandang mensaheng gusto kong ipahatid, baka sakaling may mapulot kayo dito kahit singkong duling man lang.

____________________________


Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.

Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide



Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO


Pang-lima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)


Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.


Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.


Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!


Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.


Praise God at safe ang pamilya ko!


Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.


At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!




Ayaw ko rin ang palayaw ng aking pamangkin ay "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (UNDIN pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito) ay........................DRAKE, grabe ganda ng nikneym


Sana okay kayong lahat!!!


P.S

Tungkol kay Jacque, hayaan nyo na sya at wag na lang patulan may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Pero kyut sya sa pix ah, mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know Drake you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si Angelina

Eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

18 comments:

A-Z-E-L said...

ALING NG ENUMERATION.. dalawa ang number 3!!! hahahaha!

buti na lang hindi ondoy ang pangalan ng pamangkin mo.. ung sa S-R&R naman eh UNDIN ano ka ba!!!

bakit kaya hindi mo naisipang palayawan ng KETS (from the international name KETSANA)? lolz!

and yes kasalanan ng tao bakit naniningil na si inang kalikasan.. pero bago tayo magturuan, magsisihan at magdadakdak.. tumulong muna sana tayo...

donate... donate.. donate...

pray.. pray... pray!

DRAKE said...

Sorry tao lang!tao lang!haahhhahah

2 points bagsak ako hahahahh!

Dahil una kang nagcomment may premyo ka sa akin. Magdodonate ako ng.............. prayers!

Ingat

DRAKE said...

okay na ate azel!naayos ko na!hahahha

Sensya na ha wala pang sweldo saka tinutulungan ko rin yung kaibigan kong nasalanta.

tungkol sa palayaw ng pamangkin ko ayaw ko ng KETS kasi parang tunog ng CATS in a shusyal manner!whahahha

Jepoy said...

WoW ang dami kong na tutunan. Tama tayo ang may pananagutan bg lahat! LoLz

Everlito (ever) Villacruz said...

Drake,

wow question and answer ito..
natawa ako kay manny villar este tayo...
wag na lang magsisihan, magtulungan na lang at magpasalamat pa rin.:)

DRAKE said...

@Jepoy

Tayong lahat ay may pananagutan kaya mas magandang tumulong na lang kesa magturuan

@Everlito

MABROUK!!MABROUK nadale mo bro ang aking point!! YEBA YEBA

pinang said...

Kakatuwa ka talaga spike!

ang bawat tao talaga ay may responsibilidad at may obligasyon sa paligid, kapag di niya ito pinansin.. magpapansin ng magpapansin yan... naku sana pansinin na para wag nang magpapansin at marami pang buhay ang angkinin... sana po ang mga nasalanta ay makaahon muli...

Kablogie said...

Kuya Drake..kailangan ba talaga na dala-dalawa ang Blog? lols.

DRAKE said...

@Sani Orange

Buti naman at nadalaw ka dito sa aking kwarto!hehhehehe

@Kablogie

Adik ako bakit ba?hahhahaha

Klet Makulet said...

wag nang DRAKE... gasgas na eh weheheh joke. Pwedeng K-NET hek hek.

Natatawa ako dun sa mga names ng mga politicians na sinisingit mo.

Tama ka, walang kasalanan si Ondoy at kung ano pa mang bagyong dumating. Nasa atin nga yun. Yun lang di rin naman maganda na hayaan si kalikasan na manalanta. Dapat umaksyon din tayo.

Hayz ang lungkot ng mga pangyayari. Sana maging okay na ulit ang lahat. Pakidagdag po sa prayers nyo ang prayers ko para mas malakas ang signal at makarating kay bro :)

glentot said...

Ondoy Baduy...

PABLONG PABLING said...

tama ka.

wala siyang kasalanan

tayo ang may kasalanan

may tanong ako

tatay ba talaga ni kuya kim si lito atienza

DRAKE said...

@KLet

Hayaan mo dadagdagan ko ang signal para matanggap agad ni Bro ang prayers natin at maraming salamat sa iyong pagbasa

@Glentot

Oo nga baduy na sya, epal pa!hahah

@Pablong Pabling

Hayaan mo Paps ireresearch ko yan! Kaso hindi sila magkamukha kasi mukhang chimpanzee si Kim!hahaha!Joke lang!

Klet Makulet said...

Ganun ba ang mukha ng chimp? wehhehehehe ang cute naman nun! :P

Francesca said...

kasalanan ni kuya kim ng pag asa, dapat hindi sila nag iimbita ng baduy na ondoy!

gusto ko yung joke name ng pamangkin mo:

K- NET

hik hik hik. Kyut!

DRAKE said...

@Klet

Oo kyut na kyut si Kuya Kim at pwede syang gawing keychain!

@Francesca

Oo jologs yang si ondoy, isama mo na rin si Pepeng magkapatid yan sa kajologsan

ingat

manik_reigun said...

inosente nga talaga si ondoy. at mahirap mang aminin, pero tayo nga talaga ang may kasalanan ng mga happenings na ito.

pero letse pa rin si ondoy dahil nagangrape bahay namen. hehe

The Scud said...

tama lahat ng sinulat mo. we should not start pointing fingers. lesson learned dapat. start cleaning up the canals and rivers. at dapat huwag magtapon ng basura kung saan-saan.