Hayyy!! Salamat at bakasyon kami ng isang lingo dahil sa pagtatapos ng Ramadan. Kung sa atin may long weekend dito sa Saudi meron kaming one-week vacation! Yehey! Medyo mahaba haba na rin yun. Pero yun nga lang medyo halos wala ka rin namang gagawin sa one-week vacation na yun dahil wala naman gaanong mapupuntahan dito. Kaya naisip ko masarap pa rin ang long weekend ng pinas kesa sa one week vacation sa Saudi. Bakit?Ganito kung sakaling nasa Pilipinas ako malamang ang mga gagawin ko sa Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes ay ang mga sumusunod.
1. Magpalamig sa mga Mall. Malamang sa SM, Trinoma, Glorietta, Robinson at kung ano ano pang mall, tyak nandun ako at umiinom ng kape habang nakatingin sa mga taong nagdadaan. Kasi ginagawan ko sila ng kwento sa aking isip. Autistic ako eh pakialam nyo ba!!
2. Pupunta ako sa mga chill-out places tulad ng Mogwai , Reggae Bar at kung ano ano pa sa palibot ng The Fort, Quezon Ave at Araneta, kasama ang mga barkada kong mahilig manlibre.
3. Pumunta sa National Bookstore at Powerbooks para tumingin tingin ng mga Magazine at libro. Kahit alam kong wala akong hilig magbasa ng libro pero maraming namang mga kolehiyalang tumatambay dun!hahahah!
4. Manood ng sine habang bitibit ko ang Value Meal No.1 ng Jollibee (hamburger at French fries) at manood ako sa Gateway, Imax, o sa Greenbelt. Papanoorin ako ang lahat ng movie sa araw na yun kahit mag-isa lang ako. (Sosyal na sosyal ang sinehan pero Jollibee ang snacks ko).
5. Magfofood trip ako, at kakain ako sa Dencio, Itallianis, Outback at sa karinderya ni Aling Miling (masarap kaya ang lugaw tokwat baboy nya, masarap na may sakit ka pa) sa palibot ng Ortigas Center at Paseo De Roxas.
6. Bisitahin ang mga barkada kong hindi nagbabayad ng utang!! Pupuntahan ko sila sa bahay para maglaro ng monopoly, uno, scrabble, mad , ungoy-ungoyan at pitik bulag. At bawat talo ay pipitikin sa bayag este sa tenga o di kaya lalagyan ng lipstick mula sa bunganga ni Menggay (kamukha sya Pokwang na may ilong na katulad ng kay Allan K).
7. Family bonding at pumunta sa Star City, Boom na Boom (meron pa ba nito), Ocean Park, Avilon Zoo. O di kaya magbarbeque sa labas ng bahay (pag may natira pwede ring ibenta)
Pero dito sa Saudi na kung saan ay wala naman akong gaanong gagawin sa one week vacation ko,kaya malamang ito ang aking pagkakaabalahan.
1. Pabubulukin ko ang mata sa tulog. Magpupuyat ako sa gabi para tanghali na akong magising, at makakatipid pa ako sa pagkain kasi isang beses lang ako kakain (hapunan lang!hehhe)
2. Dalhin ang sine sa loob ng aking kwarto. Hihiramin ko ang projector ng opisina at manonood ako habang ngumunguya ng pop corn at kung ano ano pang chitchirya.(Totyal na totyal ah)
3. Pumunta sa British Compound at maglaro ng tennis, badminton, bowling at swimming kahit di ako marunong sa alin man dyan sa nabanggit. Inimbitahan kasi ako ng Manager kong Briton eh! Medyo nakaka-OP (out of place) pero okay lang mababait naman sila at di sila nangangagat.
4. Pumunta sa Pinoy Market, at tumingin tingin ng bagong labas na cellphone, gadget, mp3 player, video cam. O di kaya bumili ng boy bawang, choki-choki, champola at Lala fish cracker sa tindahan doon.
5. Manood ng TV buong maghapon habang kinakabisa ko ang mga dialogue sa TV at memoryahin ang nunal ng mga artista doon. (Paulit ulit kasi ang palabas sa GMA Pinoy Tv at TFC)
6. Mag-internet at makipagkulitan dito. Magdownload ng kanta at pelikula sa Limewire habang nag-iiskype kausap ang kapatid kong laging isisiksik sa usapan kung ano ang shoe size nya kahit di ko naman tinatanong.
7. Pagurin ang sarili ko sa exercise at pagbubuhat ng kutsara este ng barbel. Para naman maging katawang pangmodelo, at mag-aaplay akong bilang modelo ng diatabs o Canesten. Ngayon kasi isang pack lang ang abs ko, medyo malaki sya at nakapagpa bacon ng brief.
Sa totoo lang wala yan sa dami o haba ng bakasyon mo kundi nasa kalidad ng oras na ginugugol mo dito. Kahit na sabihin nating mas mahaba ang bakasyon dito sa Saudi kesa sa Pinas, mas gugustuhin ko pa rin sa atin sa Pinas kasama ng kaibigan at pamilya ko kaysa magkaroon ng mahabang bakasyon sa Saudi na mag-isa. Kahit gaano pa ka-exciting o kaganda ang bakasyon mo, kung wala ang mga kaibigan o pamilya mo parang kulang pa rin. At sila ang nagbibigay saya sa buhay natin! Kaya sila lang ang magpapakumpleto nito

.
Gusto kong iwanan ang quotes mula kay Pareng Henry David Thoreau
"The finest workers in stone are not copper or steel tools, but the gentle touches of air and water working at their leisure with a liberal allowance of time."
Salamat at EID MUBARAK o HAPPY WEEKEND sa lahat!!!
P.S
Commercial muna dyan!hehehhe!!
19 comments:
eid mubarak!
buti pa kayo 1 week vacation... kami 2 days lang :( hay!!!
@Azel
Ate Azel ikaw ang unang nagcomment dahil dyan may premyo ka sa akin! Bibigyan kita ng KISS!hahahha (naku baka wala ng magcomment nyan!hehhee)
Aq may 3day vacay din,ang saya!Ü anyway, di talaga masaya kapag magisa ka lang..
sala malaikum drake, buti kayo 1 week, kami 3 days lang,masama pa luob ng boss ko nun, dahil parang ang tagal na ng 3 days sa kanya...parang bitin,,,cguro gagawin ko dahil maraming sale dito, lulustayin ko nalang ung pera ko dito...heehehe
isa lang masasabi ko, enjoyin mo na lang yung free time mo, kahit wala ka masyadong magagawa.
@superjaid
tama ka masarap tlaga pag kasama mo ang kaibigan at pamilya mo kesa mag-isa
@bosyo
grabe naman yang boss mo! Tama ka kupitan mo na lang tapos balatuan mo ako
@gillboard
Yepyep kailangang ieenjoy ang bakasyon aba kahit paano ay masarap matulog maghapon!hheheh
nasa dubai ka pala.
salamat sa ramadan at pati kaming mga estudyante dine sa pinas ay naambunan ng holiday
@pablong pabling
Hahahah di ka nagbabasa Pablo!hahah!nahalata ko pre, nasa saudi ako boy!hahahha
Akala mo maiingit mo ako kami din noh 1 week din vaciones at mag swimming pa kami! hmp!
@kablogie
hahaha, eh meron ka bang sinehan sa loob ng kwarto! Ako meron!beeeeee!!
hahahah! Ikaw swimming lang ako punta sa party!belat
Whahahahah
Una sa lahat dumuko ang ilong ko sa phrase mo, hindi ko iyon kinaya.
Pangalawa, nasan na ang picture greeting mo sa pluma ni Jepoy?
Pangatlo, Wag ka na mag senti nakaka lungkot e. Tikol tikol nalang dyan pag walang magawa lolz
@Jepoy
Una, emo ako kaya ako ganyan!hahaha
ikalawa, wag kang atat intayin mo munang mag-enjoy ako sa aking bakasyon
ikatlo,wag mo akong itulad sa iyo, mahilig sa tikol!whahhaha joke lang
Gusto ko din ng 1-week vacation!
Hindi ba uso diyan ang lumabas ng bansa kapag gustong magbakasyon? Pwede ka naman atang pumunta ng Bahrain o Qatar para maiba naman.
@Gasoline Dude
Pwede ka namang pumunta sa ibang bansa kaso wala akong pera!hahahha! Saka isa pa malapit na rin ang bakasyon ko kaya dun na lang din ako babawi. (45 days din yun with pay pa!hehehhe)
Ingat pre at kamusta ang Thailand?
For your info, oo meron pang Star City actually bago kami umalis ay nagbukas ulit ang Star City.
Malapit na rin ang pagtatapos ng ating bakasyon. Nakapag-swimming kami nitong bakasyon sa South Obhor with our bros and sis sa church.
Katatapos lang pala ng aming bakasyon at ngayon na-extend pa. Nice to be back, sana sumahod na tayo pagbalik ng office hehe!. Kayo ba nakuha niyo sahod niyo before vacation?
Uy! About Thailand. Mura daw diyan at may chance ka pa mai-libre family mo. Isa sa next plan ko yan since mura nga ay baka mai-libre ko yung bro and sis ko and mom ko. Mas marami kasi mas masaya. At mura din daw ang hotel. Parang pesos lang din yata ang pera doon.
Ingat ka at enjoy sa bakasyon mo. :)
nahuli ata ako dito.,
talaga 1week ang bakasyon nyo...sarap naman..
pards ang ganda nung unang picture,happy weekend!
@Noel
Sad to say hindi naibigay ang sweldo namin pero okay lang yun kasi kung naibigay yun tyak ubos na ngayon yun. Mukhang enjoy na enjoy ka sa bakasyon mo ah!at buti naman at nasulit ang bakasyon mo. Singapore ako next year then Malaysia. Siguro thailand next time na lang.heheheh
@Grace
Welcome sa aking kwarto
@Everlito
Oo nga bro late ka na kasi matatapos na yung bakasyon namin at ngayon mo lang nabasa!hehehe!pero congrats nga pala sa achievement mo, iba ka man!!
Post a Comment