QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, October 3, 2009

Telebisyon!!!

At katulad ng aking sinabi dati, kapag nabili ko na ang TV ko ay ipapakita ko ito sa inyo. Sobrang atat na atat ako sa TV na yan, kaya hindi na rin ako makatiis at kating kati na akong magkaroon ng ganyang TV. Teka just to refresh your memory heto ang yung post ko tungkol dyan (maikli lang yun kaya basahin mo na, kung ayaw mo eh di wag! Di na kita bate): ICLICK MO NA SABI EH!!

Kaya heto na yung Samsung LCD TV -32 inches ( naks complete details talaga) na nabili ko lang kahapon. Mainit init pa parang pandesal lang:



Nagdadalawang isip ako kung Sony o Samsung ang bibihin ko dahil hindi naman nagkakalayo ng presyo. Pero napansin ko mas malinaw ang Samsung kaysa sa Sony kaya Samsung na lang! Dapat matagal na akong meron nyan yun nga lang ang dami ko pang kailangan bayaran kaya medyo nadelay ng konti, tapos nauna ko pang bilhin yung NETBOOK ko kasi nga sayang yung internet sa bahay kung hindi ko magagamit.


Oo nga pala may kwento yung NETBOOK na yan saka yung LCD. Nag-iisip kasi ako nun kung isang high end na laptop ba ang bibilhin ko o isang 42 inches LCD TV, medyo nagdadalawang isip ako nun. Pero napagdesisyunan ko na bilhin yung NETBOOK (mura lang kasi to eh) at yung 32 LCD naman ang gagawing kong monitor kaysa sa isang high end na computer o 43 inches LCD TV ( Yung dalawang yan ay kasing presyo nung high-end na laptop at ng 43 inches na TV)

Sa ngayon medyo excited na akong manood ng Dora the Explorer saka ng Ben 10 sa aking bagong TV. Siguro by next year bibili ako ng Lazy Boy Chair, para mas lalong masarap manood sa TV.



Oo nga pala, hindi ko naman pinagmamagaling o pinagyayabang iyan.. Medyo natutuwa lang ako kasi ito ang regalo ko sa aking sarili ngayong 2009. Alam nyo naman na lahat ng kinikita ko dito sa Saudi ay pinapadala ko sa aking pamilya.Kaya siguro hindi naman kalabisan kung sakaling rewardan ko ang sarili ko sa mga bagay na yan. Ngayon, kung nayayabangan ka sa akin eh…………………………………. inggit ka lang, Belat!!! Hahahhaha!! Joke lang!


Aba hindi biro ang magtrabaho sa ibang bansa, kaya ito na ang pampatanggal homesick namin dito. Meron sigurong magsasabi dyan na dapat ipantulong ko na lang yung perang yan sa mga nasalanta ni Ondoy. Pero nagawa ko na yun, nagbigay na ako ng tulong pinansyal sa mga nasalanta ng bagyo. At pati ang mga nanay at tatay ko ay mamimigay na rin ng damit para sa kanila. Nagawa na rin naming mamigay ng bigas sa kanila. Kaya siguro naman walang eepal dyan. At kung umeepal ka! aba huwag ako ang putaktahin mo, ang epalan mo ay yung mga pulitikong kay yayaman pero barya lang ang binigay kumpara sa kinukurakot nila.


Back uli tayo sa kwento ko at least hindi ko na uli hihiramin pa yung projector ng kumpanya (pero pwede rin pag special occasion). Medyo next year pa uli ako magreregalo sa aking sarili at kailangan ko muling magbanat ng buto para may pambili muli ako. Basta sa ngayon eh magpapakaduling muna ako sa aking TV.Hehhehe!

P.S

Dumating na pala si Bagyong Pepeng sa Pinas, sana hindi sya gaanong manalasa sa atin. Kung pwede lang bang imbitahan muna si Pepeng para magkape at mauto kong umiwas sya sa Pilipinas gagawin ko eh. Kahit sa Starbucks pa, maligtas lang ang Pilipinas sa hagupit nya. At sana Papa Jesus sawayin mo naman yang si Pepeng, kasi pasaway yan!

63 comments:

Anonymous said...

nice naman! ang ganda! :D

Yien Yanz said...

nasobrahan lang sa promotional ads ang Samsung kaya maganda at sikat PERO madaling masira yan pramis! hahahahhaa, ibang klaseng epal ang akin drake! hahahaha,

oppss, i can see da simangot in your face. dapat JVC ang kinuha mo, dika kasi nagtatanong!!! belattt! nyahahah! jowk lang... maganda ang samsung... after 11 months, kasi usually nasisira talaga yan pag malapit nang mag expire ang warranty hahahaha, layas na nga ako dito baka matiris pa ako hahahahah!

DRAKE said...

@Kox

Hehehe!Selemet!

@Yanie

Luko ka, yung totoo nga! Hala bigla tuloy akong natakot! Langya ka! hahahhaha

Teka ano brand ng LCD TV mo Yanie? Pag nasira yung TV ko ikaw ang may kasalanan pinakulam mo yun!hahahha

Yien Yanz said...

maganda naman drake..................... yung NETBOOK! hahaha!

inakusahan tuloy akong mangkukulam.. haha!

DRAKE said...

Naku Yanie pasway ka! Naku kung masira yun eh di bumili ng bago!Problema ba yun! Hahah Yabang ah!

Pag nasira yan ipagbibili ko na lang sa iyo! (Sira na pinagbili pa!haha)

Yanie ano tatak ng LCD TV mo?Singer ba?

Yien Yanz said...

Wala kaming TV no, kasi poor lang kami! Binuburaot lang kita kasi nga naiinggit ako sayo! ang slow slow mo talaga hahahahaha :D

DRAKE said...

Sinabi mo kaya dati na nanood ka nung eid holiday sa iyong LCD TV. Kaya alam ko meron ka na!Pero anyway highway hayaan mo bibigyan kita ng 5 tapos ipamigay mo sa mga kaibigan mo yung 4.hahahhaha

Buraot ka Yanie,Adik ka talaga muntik na akong maniwala!hahhaa

Yien Yanz said...

Basta nakaganti na ako sa mga pango-okray mo sa akin hahahah!!! Belat kinabahan!!! haha!!!

JVC nga,,, hay naku for the second time around slow slow! gusto mo lang i-google ang bad reviews sa brand ko kaya mo tinatanong eh... ahaha! kilala ko na ang kalikaw ng bituka at mga bulate mo!

PABLONG PABLING said...

yang mga ganyang tv daw ay may expiration may lifespan. may nabasa ako na nag comment na madali daw masira yang ganyan tv.

- ganyan din ang sabi ng tito at daddy ko nang nangarap akong mag ka ganyang tv. ayun. tingnan mo sa likod may nakalagay date of expiration.

ahahha.- loko lang po. pero try researching sa net mukhang totoo sinasabi ni daddy at tito.

DRAKE said...

@Yanie

Akala ko Singer o Sunny ang tatak ng TV mo!hahahha! Well meron palang LCD ang JVC. Nag-iisip isip ako kung Sony,Sharp o Panasonic pero sa huli dun ako sa Samasung kasi mas malinaw at maganda sya!

Naku Yanie sosyal ka pala eh. May kotse na, may ganyan pa! Ikaw na ang anak ng Dyos!hahaha

DRAKE said...

@Paps

Ang alam ko yung projector ang may lifespan kasi may number of hours lang yung projector. Itong LCD na ito medyo matagal tagal ang buhay! Pero ika nga kung sosobrahan mo ng gamit masisira lang. Kaya gagawin ko na lang pandispley yang tv na yan!hahaha

Pero astig ang LED TV, hahah ang nipis parang papel ang ang picture grabe sa linaw!Pero next time na lang yun!hhhahahaha

Yien Yanz said...

Drake, wag mong ipagkakalat yan... baka kidnapin ako, isang taon kong inipon ang 1 million dirhams sa bank account ko kaya please lang, ayokong mauwi lang ito sa pang-ransom sa akin.

Kaya por pabor hijo, wag mong ipagchi-chismis na may kotse ako, may LCD TV, may Nokia N97, na ipinagbibili ko, may tatlong laptop na tig isa namin, may pinapa-rent ako na 3BR-flat sa The Palm Jumeirah,... na pinsan ko si Paris H...

Hahahahaha, nakabog ka kasi mas mayabang ako sayo no? hahahah!

DRAKE said...

@Yanie

Bwisit, mukhang ikaw lang ang Anak ng Dyos ah!

wala ka sa lolo ko!hahahah

Humanda ka sa akin Yanie, pag nagkita tayo kikidnapin kita (teka di ka na kid ah!)

Kung pinsan mo si Paris Hilton ako mga tyuhin ko ang Abu Sayaff saka katropa ang sige sige sputnik gang! Humanda ka UBOS ANG YAMAN MO SA AMIN!hahah

Yien Yanz said...

Magpapa-plastic surgery na ako ngayon para di niyo ako makilala, ikaw at nang mga katropa mong terorista hahahahahha

mag chat box ka na kasi at nang dimo ginagawang [FW thread] tong comment box mo hahhaha, nakaka buwisit pa man din yun word verification everytime na magco-comment eh...

okay lang kahit hindi na ako kid, basta may pambayad ng ranson hanuba!

DRAKE said...

@Yanie

Sige na maglalagay na ako ng Shoutmix bayun?Siguro advertisement mo yun!May bayad yun noh!

At tungkol sa plastic surgery mo, dahil dyan masisira ang reputasyon ng Belo at Calayan dahil sa iyo.hahahha!

Yien Yanz said...

Oo, pang-sosyal at mayaman lang yung shoutbox... siguraduhin mo ma-carry mo haha

At sino naman nagsabi sayo na kina Belo at Calayan ako magpapa-plastic surgery, like duhh! so cheap! sa brazil ako magpapa-retoke noh!

DRAKE said...

Yanie dun natin dalhin yan sa Shoutbox ko!hahaha! Palibhasa may bayad yun kaya todo promote ka!

Noel Ablon said...

Wag kang maniniwala sa kanila. Tested na para sa akin ang Samsung brand. Kahit sa pinas ay Samsung din ako.

About the LCD TV, like I said before sa comment ko na magto-2 years na ang LCD TV ko pera wala pa akong nakikitang problema at harinawang walang mangyari.

Ang may reaction ako sa NetBook mo. Sana bumili ka na lang kahit na hindi high-end na laptop. Kasi ang diffenrence nila ay mga 500SR lang. Dapat kasi ay bibili rin ako pero nung makita kong yung tig-1900 na LG na laptop with 2.16Ghz at 1GB memory, upto 256MB video with webcam (tested very clear), wireless, with card reader, DVD Writer, 160GB Harddisk - o yan ang detalyado. Di na ako nag 2 minds - binili ko na agad. Pero ayoko namang magsour-graping ka, kaya just ignore what i said. PERO sayang hahaha!

Yien Yanz said...

HAHAAHHAHAHA, nabwisit satin yung shoutbox hahahahah... kaya ituloy natin dito ang usapan!

DRAKE said...

Naku yanie magsusuggest ka lang panget pa!Hahahaha!di ba pwedeng ilipat ang YM dito??

Wow Sosyal grand residence?Mayordoma ka ba dyan yanie!Hahhaha

Yien Yanz said...

Head NATUR ako dun loko!

malay ko bang hanggang 60 messages lang pala yang shoutbox na yan? sabi na nga ba yung trial lang ang ininstall mo sa site mo eh hahaha!

DRAKE said...

Naku hindi naman ako maglalagay ng may bayad, ano ako timang! Ipambibili ko na lang yun ng subscription ng porn sites!hahah!joke lang!

Hoy Yanie, pupunta na ako dyan at itotour mo ako sa Dubai ha! Dapat magenjoy ako!kung hindi magsasayw ka ng naka clown costume

Yien Yanz said...

Hoy Drake, Wag kang mag alala itu-tour kita at sasayawan nang naka-clown costume... ang lagay eh....
ganun ganun na lang?

wag kang masyado umaasa sa libre, di pwede yan dito sa Dubai hahahaahahhahahah!

DRAKE said...

Teka magulat sila bakit ganito tayo magsagutan! Sa mga hindi na nakakilala sa amin ni Yanie.

Si Yanie po ay ang nakakatanda kong kapatid!Ate ko po sya, matanda po sya sa akin ng 7 tao.

Nasa dubai po si Yanie kasi naglayas po yan sa bahay, dahil nagseselos kasi paborito po ako ng nanay namin! Eh wala po akong magagawa dun kung talagang mahihilig ang mga magulang namin sa kyut kaya paborito nila ako!

hahahha!okay ba ate yanie??

Yien Yanz said...

Uy with all seriousness, I'd be more than happy to welcome you here in Dubai... Sabihan mo lang kung kelan ka dating, prepare ako ng itinerary mo!

ipapaskil ko sa styrofoam na partition ng magiging kwarto mo... sa balcony haha!

Yien Yanz said...

hahahahaha, taena, bigla akong sumeryoso dun ah! hahahah

ahhm, mga kababayan ko, aktuwali, nagumpisa po ang hidwaaan namin ng nakababatang kapatid ko na yan na si drake nang ipagsabi ko sa mga magulang namin na SUPOT siya! hindi po naniwala sa akin ang mga magulang namin kaya ako'y naglayas... dahil nga sa sobrang paborito nila yang kutong lupang yan... Oh ano, tuli ka na ba???

Hahahahhahahahahhahahahha LOL!

DRAKE said...

Ate ano ka ba, hindi ba sinilip mo pa yun kaya nangamatis! Medyo akala ko ngayon ngangamatis pa rin yun pala malaki lang talaga!hahahha!

Ano ba yan nagiging bastos na tuloy ako! Si Ate Yanie kasi eh

iya_khin said...

ganda naman! fruit of your labor ika nga!

DRAKE said...

@Noel

Si parekoy natabunan ang comment mo ng kakulitan ni Yanie

Tungkol sa LG naku nakita ko na yun. Celeron lang kaya yun! Kaya ayaw ko nun! Mahal din yung Netbook almost 1,600 din. Yung LG panget ang spec. yan netbook (dell kasi eh) maganda yun nga lang walang CD ROM pero pwedena rin 160din ang HDD at 1 GB na ang RAM nya!

So far tuwang tuwa naman ako sa netbook na yun

Yien Yanz said...

Magbago ka na Drake! Hanggang ngayon delirious ka pa rin jan sa kamatis mo este...

napaka special child mo talaga, paano ka ba tumino at napunta jan sa KSA? sandali, matino ka na nga ba talaga?

Kablogie said...

Hanakng...Ang Banggiissss! Ang yammmaannnnn!!!! Ang Lufffeeetttt!

At isa pa...PAANIIISSSSS!!! lols..

Pakanton ka naman jan dahil may LCD TV ka na...(Pa door to door mo sa amin ahahahah!!!!)

DRAKE said...

@Iya

Salamat sa pagdalaw sa kwarto ko naadd na kita sa blogroll ko!

DRAKE said...

@Ate Yanie,

Ate Yanie ano ka ba, ako kaya yung sumundo sa iyo sa Mental Hospital. Kinakain mo pa nga yung langaw na lumilipad lipad eh!

Wala akong sakit ate yanie! Hala mukhang umuulit ka na ah! Teka tatawagan ko si Nanay sasabihin ko sinsumupong ka na naman!hahahahhahah!

DRAKE said...

@KABLOGIE

Pre iniimbitahan tayo ni Yanie sa Dubai, ano punta ba tayo?Oo nga pala wag kang magulo...alam mo bang bilyonarya yan si Yanie!! Ano kidnapin na natin o, pag ayaw magbigay itutumba natin sya!

Yien Yanz said...

matapos mong ipangalandakan sa buong universe na kapatid mo akong sinto sinto tapos ngayon naman, nakiki-kuntsaba ka sa kapwa mo hoodlum para kidnapin ako dahil sa pagiging bilyonaraya kong tunay???

panindigan ang kwento hanuba!

tsk! madami kang nakaing kamoteng kahoy ngayon drake... baltik ka talaga! LOL!

DRAKE said...

Ate Yanie

Si Kablogie lang ang mukhang hoodlum. ako mukha talaga akong anghel. Ikaw naman mukhang kalaban ng anghel!Hahahha!

Ano serious na nga! Magpapabook na ako ha! Nandyan ang tyahin ko sa Sharjah at halos lahat ng tao sa baranggay namin nag dubai na kaya marami akong kakilala dyan!

Yien Yanz said...

pinanindigan mo talaga ang pagiging ate ko damuho! dahil parang nakasalalay pa sa akin ang desisyon ng pagpapa book mo hahaha...

DRAKE... Susunduin kita sa airport pramis! wag lang madaling araw please? hahaha! at itu-tour kita sa lahat ng pinakamasarap na......... shawarma dito at ipapakita ko sayo ang pinakamataas na........... bundok kung saan tumatambay ang mga pana at pata tuwing day off nila at hindi lang yan, ipapakilala pa kita kay jacque................ blacque jacque! hahaha..

siya siya seryoso na, pa book ka na! weekend ka pumunta para maipasyal kita! gamit ng 2X3 na sasakayan ko. ikaw humawak ng latigo okay? hahaha!

c u soon!

DRAKE said...

At dahil dyan! May kiss ka sa kin!
Hayaan mo isasama ko si Journeyman at si Joren (bat may name dropping,wala ka ring hilig sa J noh!)hahahah!!

Natats talaga ako sobra dahil alam kong hindi mo lang ako ipapasyal dyan sa dubai, papakainin mo pa ako sa mga sosyal na resto dyan (ikaw na ang maging mayaman at MAGANDA!!!) Hahaha binola na!

Salamat ate, hayaan mo sasabihin ko kay nanay, good girl ka na at hindi ka kumakain ng langaw!

Yien Yanz said...

pramis mo isama mo sila ha! hahaha, pinanindigan ang name dropping, loko ka talaga! san nanggaling yun? baka sabihin nila may namamagitan kina JM at joren hahahah!

DRAKE said...

Hahahah! Isusumbong kita!

Sige na wala na akong dadalhin kundi ang aking sarili lamang!

Basta tandaan mo wala akong gaanong dadalhin kasi dyan MO na ako ibibili ng mga gamit ko!hahahah PAKAPALAN NA ITO!JOke lang baka biglang kang umayaw dyan eh!

Yien Yanz said...

Drake, ikaw pa lang mukhang isang barangay na sa katakot takot na demands eh... kaya tama ka na pwede?

Iisang hirit ka pa eh, ipapatapon na lang kita sa Le Meridien niyan imbes na sa Shangri-la... kaya umayos ka!

DRAKE said...

Sosyal!!

Akalain mong umabot ng 41 comments ko at kalahati dun sa iyo nanggaling hahahah!

Hayaan mo kung sakaling dumalaw ka sa saudi, papatirahin kita sa........TENT sa gitna ng disyerto! Para makabawi naman ako sa iyo!hahahah

Yien Yanz said...
This comment has been removed by the author.
pamatayhomesick said...

natural pards na minsan bigyan naman natin ang sarili.walang masama dyan...ayos makakanuod kana ng malaki laki na fav. natin.. ang pelikulang inaabangan..ang inganga mo mahal! ha ha ha.:)

DRAKE said...

Oo tama ka Maganda nga yung "Inganga mo Mahal", pero may sequel pa yan ito ay ang "Adik, kainin mo ang pechay ko" tapos susundan pa ng " Puno na ang salop kaya magsaing ka na!" hahaha

Superjaid said...

ang ganda naman ng bago mong tv kuya darake..paburger ka naman dyan..^__^

The Pope said...

Wow, ganda naman, I love that Samsung LCD TV, congrats, also may bago pang Notebook, wowww.

Count your blessings.

Kablogie said...

Drake and Yanie..i smell romance! ahahahaha..

Ganyan din yun kapitbahay namin...nagbabangayan sa una bandang huli....here comes the bride 3 mos inside wahahaha

DRAKE said...

@Pope

Yup always count your blessings and always be a channel of blessings to others too. Yan ang panuntunan ko rin po

@Kablogie

Pwet este pwes hindi mo kami kapitbahay ni Yanie! At isa pa ATE KO PO SYA!hindi mo ba nabasa sa mga comment! Esh Shada!!

Klet Makulet said...

Ang ganda naman!!!!!!!

Ang ganda nung patungan....weheheheh joke lang....

Hanep may LCD TV na may Netbook pa. Kainggit naman. Hmp!

Pahiram minsan ha? hehehe

DRAKE said...

@Klet

Sige ba pahihiram ko sa iyo.......yung patungan!hahahha!

Ingat

Noel Ablon said...

Hindi siya celeron pre. Intel Dual Core 2.16 Ghz mas mababa lang sa Intel Core Duo pero mas mataas kesa sa Celeron ng di hamak.

2GB pala ang memory nito ngayon ko lang namalayan hehe. Check ko kasi nung sinabi mong Celeron lang.

Ang nagpababa sa kanya ay OS free siya. Pwede siya sa Windows XP, Vista and Windows 7. Kaya heto din ang binili ko kasi ayoko gamitin ang Vista, daming games ko ayaw gumana sa Vista.

Mabilis din yung Warcraft hehe! kaya masaya na rin talaga ako.

DRAKE said...

Okay rin pala yan bro no!Sayang nga, pero okay lang masaya naman ako sa NETBOOK ko same functions din naman eh. 160 ang HDD at maganda yung WIFI nya. May palaptop naman kasi ang company kaso di naman ako magsave ng mga movies ko!hehehe

Basta next year kong bibilhin.....ang LAZYBOY CHAIR!hehhehe

glentot said...

ganda jan watch ng bold

Jepoy said...

Ayos na Ayos ang porn dyan Sir tapos may lazy boy ka! Alam na.. :-D

The Scud said...

inggit ako! nakita ko din yan when i went window shopping last week. astig!

btw, dell ba netbook mo? di ko alam may ganun na pala sila. inantay mo sana ang apple 'netbook'. :D

Trainer Y said...

natatawa ako..
ata ka na pala mapanuod si dory the fishy este dora the explorer! hahaha
kongratsulemeyshuns sa reward na binigay mo sa sarili mo.. yeah... after all your hardwork.. you deserve to reward yourself..

hehehehe

rodangeles said...

enjoy the fruits of your labor, kaya ka nga nagta-trabaho eh! GANDA ng tv mo ah!

DRAKE said...

@Glentot

OO pre lahat kita mo kahit yung nunal at pekas ng mga bida.

@Jepoy

Talagang may sir?Bakit titser mo ba ako?Joke lang! Bat iisa ang takbo ng utak nyo ni glentot??

DRAKE said...

@Scud

Yup Dell yun, matagal na meron silang NETBOOK, halos lahat ng brand meron na rin silang labas! 1.7 GHZ ang speed nya bro. Intel Atom

@Yanah

Tagal mong di nagparamdam ah! Teka nasalanta ba kayo ng bagyo?Di ba tiga Cavite ka?Di naman kayo apektado di ba?

@Rodangeles

salamat po sa pagbisita sa aking munting kwarto!Ingat

..........................FP said...

Parang anliit naman ng table. Haha table ang napansin. Secure ba ung lalagyan kakanerbyos baka mabuwal yung mahal na telebisyon. Anyway, Dora? Favorite yan ng pamangkin ko. Self-reward? Ok lang yan. Tao ka lang naman, di ka naman NGO na suportado ng isang organisasyon. - moreducation.weebly.com

Francesca said...

always look after one's self, kya bili mo ung gusto mo, after all it is ur money, not some one else's.

ENJOY THE FRUITS OF YOUR LABOR ika nga.

Feel ko rin bili nyĂ n, pero until now isip isip pa muna, kasi working pa naman ung old tv namin, 32 inches din, hindi nga lng lcd.

ENJOY, nood mo na tv patrol, santino, lovers in paris at wowowee, nyan.
Stock mo dami sitsirya, lol

DRAKE said...

@FP

Tumpak na tumpak po ang sinabi nyo!heheheh! Hayaan nyo safe naman po yung TV heheh!

@Ate France

Heto po at sobrang ineenjoy ko na talaga!hehhe