QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, October 31, 2009

HABERDEY!!!!



November na pala bukas, grabe ang bilis talaga ng panahon. Ibig sabihin din nyan malapit na ang pasko, at higit sa lahat malapit na rin ang BERTDEY ko!



Oo tama ang iyong nabasa, hindi ako putok sa buho o isang nilalang na biglang nalang sumulpot dito sa ating planeta. Nagbebertdey din ako , kala nyo ba! Pero alam nyo mayroon akong sasabihin sa inyo. Ka-emohan mang matatawag pero alam nyo ba na kahit minsan ay hindi pa ako nakakaranas na magkaroon ng keyk sa aking bertdey. Pangarap kong umihip man lang ng kandila sa ibabaw ng aking bertdey keyk habang nakapikit at nagwiwish. Pero talagang wala eh, gusto ko sanang regaluhan ang sarili ko nito pero naisip ko..parang niloloko ko lang ang sarili ko. Mongoloid??


Umabot ako sa ganitong edad na hindi ko man lang nararanasan ang ganyan, at isang beses lang ako pinaghanda ng aking magulang sa aking berdey (palabok at tinapay lang ang handa ko, tinipid pa ang rekado at palaman ng tinapay ko). At ang hindi ko pa makakalimutan ay noong pinaalalahan ko ang aking tatay na magsisimba ako kinabukasan kasi bertdey ko, kaya gisingin nya ako ng maaga. Pero hayun hindi ako ginising at nagsimba sila. Pagdating sa bahay nagulat pa sila kung bakit maaga akong nagising! Sabi ko wala ba kayong naalala?Sabi nila…uhmmm wala bakit may ano ba? Akala ko ginugudtaym lang nila ako, pero yun pala totoong nakalimutan nila na bertdey ko at nakalimutan nilang gisingin ako ng maaga para magsimba. Hayun natampo talaga ako dahil para namang wala akong kwenta at silbi. Minsan lang sa isang taon ako bebertdey at misan lang din ako magsisimba, nakalimutan pa nila. Lahat ng kapatid ko ginigising nila pag bertdey nila, may bati pa yun samantalang ako wala lang.. Alam ko namang lab na lab nila ako pero yun nga lang lagi ko pa ring naalala ang pangyayaring iyon kapag sasapit na bertdey ko.


Kakaunti lang ang bumabati kapag bertdey ko dahil halos hindi ko na naman kasi pinapahalata na bertdey ko. Hindi ako nagsuuot ng pula, at lalong hindi ako ngumingiti bawat oras kapag bertdey ko. Parang ordinaryong araw lang, at tanging mga malalapit na tao lang sa buhay ko ang nakakaalam nito. Kaya sobrang tats na tats ako kapag binabati nila ako, kahit na minsan forwarded messages lang yun kasi ibang pangalan ang nakasulat imbes na pangalan ko. Pero okay lang!


Dati noong estudyante pa ako, ayaw kong pumasok kapag bertdey ko kasi ayaw kong maging “center of attention”nila. Ibig sabihin nun ayaw kong lagi nila akong kantyawan na kailangan lagi akong maging mabait sa kanila at kailangang ilibre ko sila. Ano sila sinuswerte,sino ako, si Santa Claus? Kaya mas maiging pang umabsent na lang at manood ng Sesame’s Street sa bahay. Dahil pagkatapos ng bertdey ko, wala lang nakalimutan na nila.


Sobrang natatats din ako kapag may nagreregalo sa akin. Minsan lang ako regaluhan at madalas pang brief saka panyo at regalo nila sa akin.Yung brief extra large pa ang size, eh wala naman akong luslos! Hindi ko alam kug bakit brief at panyo ang regalo nila siguro dahil nakikita nila parang bacon ang garter ng brief ko, o di kaya nakikita nilang tumutulo ang sipon kong green na green. O baka dahil mura lang yun at ito rin ang regalong hindi nangangailangan ng sobrang pag-iisip. Sabagay sino ba naman ako para regaluhan? Pero ano pa mang regalo yun tats na tas ako.
Nga pala November 10 ang bertdey ko, ngayon kung gusto nyo akong bigyan ng “picture greetings” maraming maraming salamat, paki padala nyo na lang dito: drake_kula@yahoo.com. Ayaw kong magmakaawa pero kung pinadalhan mo ako n picture greeting ibig sabihin nun labs mo ako,kaya labs na rin kita!Pakiss nga! Pero sabi ko nga ulit, sino ba naman ako para bigyan ng picture greeting?Asa pa!


Konti lang kayong kaibigan ko dito sa blosphere, kaya hindi naman ako nageexpect na marami ang magbibigay ng picture greetings, pero sa mga babati eh hindi nyo lang alam kung gaano ako magiging masaya kahit dalawa lang kayo o tatlo. Hindi naman ako naiingit kay Jepoy, kasi marami naman talagang kaibigan ang nagsasalitang ponkan na yun (peace man) . Masaya na akong may bumabati sa akin, at sa mga hindi babati sa akin, next year magbebertdey kayo at sana maging last bertdey nyo yun este sana magkaroon pa kayo ng maraming marami pang bertdey!Babatiin ko kayo pramis!Hidni naman ako gumaganti.hehhee!


Emo ako ngayon dahil madadagdagan na naman ang edad ko! Salamat sa pagbasa.


Ingat

54 comments:

kox said...

cge2, igagawa kita. naiyak ako sa post mo eh! huhuhu :(( kawawa knman. dadamayan kita sa pagiging emo ngaun. hahaha.. :D taga san kb? padadalhan kita nge keyk! :) ilang taon n din? para naman alam ko kung ilang kandila ilalagay. hehehe :))

advance hapi bertdey! :) wag n malungkot, igagawa k nmen ng bertdey greetings! :))

DRAKE said...

Ay lab yah Kox!!Mwah mwahh mwaah

Salamat

Dito ako sa saudi eh, sayang! 27 nga pala ako batambata!hahah

Salamat talaga kox! I lab yah!

mr.nightcrawler said...

ako talagang sensitive ako tuwing bday ko. pag may taong importante sa akin na nakalimot, talagang tampo ako.

lapit na bday parekoy... cge.. padalhan kita ng pektyur, ok? pinagiisipan ko pa kung panu.. ayan ah, pinagiisipan ko pa para makabawi sa mga nangisnab ng bday mo. ayos :P

DRAKE said...

@Nightcrawler

Aasahan ko yan ha! Lab u pre pakiss nga!Hahahha

Salamat pre maiiyak na ako!

Ingat

YanaH said...

at dahil labs na kita.... (hahaha)















SORRY!
di kta papadalhan ng picture greeting...
counted na ba ung araw-araw na lang kita babatiin errrrrr i-ggreet na lang (pangit ng term eh) hanggang sa dumating ung talagang day ng bday mo... okay na ba yun? hehehehe
shy type na kase ako ngaun kaya hindi na ko nagrereveal ng mga fityurs ko.. much more gamitin as bday greeting hahaha..
parehas pala tayo na just another ordinary day passing by ang bday..
umabot ka na sa ilang taon ba?
kailngan ba talaga pula ang isusuot pag bertdi? ako akse bleck is the kulor of my day! hehehe


advance happy birthday drake!

DRAKE said...

@Yanah

Hay ang sweet!!! (*insert sigawan here*).
Akala ko di mo na ako labs, hehhe!labs na labs mo pala ako, hehhe

Di pa talaga pwede yanah, kahit yung kamay mo lang ang kukuhanan?

pero kung di talaga pwede, maraming maraming salamat sa iyo Yanah! May kiss ka sa akin!mwaaahhhh

YanaH said...

at dahil sa kiss
****uyyyyyy****
hahaha....













hmmm pag-iisipan ko ng mabutete ok? give me one year to think about it.. hahaha joke lang... tingnan ko kung uubra.. hehehe
ang kiss ko ha doncha forget! hahaha
babushki

DRAKE said...

@Yanah

Wag mo ng pag-isipan! sige na! Alam ko naman labs mo ako eh, eh ikaw din labs kita!

Heto na kiss mo! mwaaaaaahhhhh (5 seconds)

Ingat

Yanie's Ka-blags!!! said...

natutunan na kitang mahalin drake, kaya dahil jan, papadalhan kita ng cake na kulay yellow, yung hugis tae para masayahan ka lalo hahahah!!!!

isa kang emo ano? sige na, dahil lab na kita eh babasahin ko ang mga posts mo na luma...


at dahil super alabyu talaga kita, igi-greet kita sa november 10 dahil birthday mo hahahha

wala pa rin yung pledge ng pityur greeting? hahaha sige na feeling ko kasi kukulamin mo ako kapag di ako nagbigay eh, sa nov 11 ko papadala hahaha...

advance happy birthday drake!!! sa susunod na comment ko, eemo ako ng husto sayo! may kasamang sipon pa ! heheh!

DRAKE said...

@Yanie

Naku Emo talaga ako, medyo to the extreme nga eh!Kaya kong maging isang emo sa isang iglap at magpakwela sa loob ng isang segundo. Teka baliw ba tawag dun!hahah

Hayan yan nagpledge ka na sa comment mo!kaya iintayin ko yan!whahhaha

Subukan mong basahin yung Saying Sorry, medyo depressed ako nyan!whahahah

I am Xprosaic said...

Ay sayang kala ko putok sa bungo ka lang... ang gwapo kasi! parang taga ibang planeta lang... jijijijiji... naku naku baka gagawa ka rin nung gaya kay jepoy naku nakapass pa naman ako sa kanya nun at sinali pa ako sa berdei gritings niya... jijijijiji... pero sayo dahil espesyal ka.... pagiisipan ko.... jijijijijiji

DRAKE said...

@Xprosiac

Bukod sa hirap na hirap akong bangitin at isulat ang pangalan, sige na piktyur greetiongs na dyan, kahit hindi na ganung kadiri este kadeyring katulad ng kay jepoy.

Ikaw para kang espesyal halo halo sa akin kasi may ube ka on top! Ano pre piktyur gritings na dyan!

Cge na magkamukha naman tayo eh ( uyyy swerte mo!!!)

ingat pre

andrei jon said...

di nga? nakalimutan ang bertday mo? ako nakakalimot ng bertday ng mga tao sa bahay namin pero never nilang nakalimutan ang bertday ko.

sana maalala ko. lol. nov.10. ok.

The Scud said...

talagang lumiban ka pa sa klase. haha. di ko prinublema ang bertday. timing kasi na di pa pasukan (tama ba?) nung pinanganak ako.

Jepoy said...

Aba Aba Aba!!!!!! Kelangan mong i remind sila at kulitin para sa picture greeting kuya drake!!!! Oo ginawa ko un at alam mo yan :-D

Ayoko mag padala ng picture greeting..Charot!

Papadalhan kita, kelan ba ang deadline?

Kosa said...

hahaha.

usong uso na to ahhhh...
sige sa picture greetings eh sasali ako.. at dapat may premyo..lols kahit na eload lang:))

kelan ba ang deadline?

*******************************

advance happy bday parekoy!

pahabol;
ipaalala mo sa akin yung pramis ko na picture greetings ahhh.. makakalimutin kase ako eh.
bat di mo gayahin si Ponkan,hehehe magngulit ka rin every now and then.

DRAKE said...

@andrei john

Gawa mo rin ako ng picture greetings ha!iintayin ko yan!

Salamats pagbisita

DRAKE said...

@The Scud

Oo sinabi mo p, wala naman akong pera nu eh, tapos puro pa sila paplibre hehehe, tek adi ka ba magbibigay ng picture greetings!sige na!

DRAKE said...

@nagsasalitang ponkan aka Jepoy

Kahapon ko lang naisulat ito at kailangan mabasa muna nila bago ako simulang mangulit!

At ito na ang simula ng pangungulit ko tulad mo!

DRAKE said...

@Kosa

Hahhahaha!! Natats naman ako sa iyo ng sobra! Pakiss nga pre!

Kukulitin kita pre humanda ka!

Salamat talaga in advance

I am Xprosaic said...

Ahahahhahahha UU naku maihilera man lang ako sa kagwapuhan mo naku heaven na ako... jijijijiji... Teka busy busyhan pa ako eh pero tagal ap deadlyn diba?! jijijijiji... isip muna ako ng concept... naks! may ganun?! ahahahahhaha aabot yung picture greeting na yun... mga 11:59pm jijijiji

PS. anong klase ba yung ube na yun sa halo-halo... Ubeng lasang tae o taeng lasang ube... jijijijijiji

DRAKE said...

@Xprosiac

Nice pinag-iisipan! MEGANUN! Iniisip ko lang baka isend mo sa akin yung katulad ng kay Jepoy pinalitan mo lang ng pangalan. Huwag ganun, hayaan mo sa bday mo bibigyan kita ng piktyur greetings piktyur ko with autograph pa!(uyyy swerte uli!!)hahhahah

Kablogie said...

Maligayang Batttiiiiihhhh!! ahahaha..biruin mo yun nagbe-bertday ka rin pala..Akala ko talga putok ka sa buho eh..kahit ganyan ka pala eh dumaan ka rin sa pala sa proceso ng pag ire heheheh..

Happy beerday ulet! Cheers!

Jepoy said...

Dahil tinawag mo kong Ponkan cancelled na ang picture greeting. Ihatechu! LOL

word verification JakuL

DRAKE said...

@Kablogie

Kapag ikaw di nagbigay ng picture greetings humanda ka!Si jepoy binigyan mo dapat ako din!

@Jepoy

cute kaya ang poknan, ayaw mo nun?hahahah

Jag said...

単徐美おめでとございます!Maligayang kaarawan sau parekoy!Bumabati mula sa bansang unang sumisikat ang araw. Japan! jijijiji...

Noel Ablon said...

Nakupo, mukhang sunod-sunod ang ka-emohan natin ah. Pati ako nahawwa sa ka-emohan mo haha!.

Teka fake yata yung 27 yrs old mo ah haha!

Sige, 7 days na lang. Ano bang handa? Di ako nangangako pero I will try to send a picture saying happy birthday. Customized pa yung gagawin ko.

Mukhang magandang post yun para sa yong blog, yung mga na-kolekta mong pictures hehe!.

DRAKE said...

@Jag

Maraming salamat sa bati!heheheh wala bang bonus wala bang picture greetings!!

ingat

DRAKE said...

Papa Noel

Maraming salamat at alam kong ubod ng ganda yan!ikaw pa!maramik din silang magbibigay ng picture greetings kaya masaya ito!whahhaa

salamat uli in advance

Jag said...

Ganun? Picture greetings?mmmmm Picture nino? Pwede picture ng aso ko ipapabati kita jijijijiji ok lng b un? Don't worry may breed yung aso ko...galing sa pinakamahal n breed ng aso...ASKAL ang tawag hahahahaha...with matching galis pa un jijijiji oha!...j

Noel Ablon said...

Nakalimutan kong mag-comment sa picture mo. Ang cute mo dyan sa picture. Sana ganyan ka rin ka photogenic at kaamo sa totoong-buhay. Atsaka ang laki ng cake mo.

Dhianz said...

dehinz koh nabasa ang entry moh pero alam koh itoh eh 'bout sa bday moh... happy birthday kuya drake!!!... not sure 'bout 'ur request kc bzbzhan ang lola moh... eniweiz... hmmm.... may chismax akoh... prang tight si drake at yanie... hmmnnzz... anong meron... wahahaha.. laterz.. Godbless! -di

Arvin U. de la Peña said...

ayos lang kahit madagdagan ang edad..ganun naman kasi iyon..

DRAKE said...

@Jag

Sige na parekoy! Okay na kung aso mo ang may hawak ng greetings!heheheh! Pwedeng pwede yan sa bday ko, asosena!Hehhehe

Ingat

DRAKE said...

@Noel

Oo ako nga yan! kuha yan last year! hahahah!

Iintayin ko yung pc gritings mo ha!hehehhe

DRAKE said...

@Dhianz

Kami ni Yanie eh magkakilala na kami noon pa pero sa net din!hehee!

Dhianz, sige na isingit mo naman ako kahit isang minuto lang!hehehe! Sige na! Hahha nagmakaawa!hahah!

Ingat lagi!

DRAKE said...

Arvin

At kapag nadadagdagan din ang edad, ume-emo ang isang tao! Kaya tingnan mo ang emo emo ko ! Picture gritings naman dyan oh!

Ingat

Dhianz said...

nagbasa na akoh... naman.. emoemohan daw syah oh... takte ang layo moh kc... bibigyan sana kitah nang cake... tsk!... devaleh pag nagkita tayo bilhan kitah nagn cake goldilocks pah gusto moh... naks... tapos lagyan naten nang maraming maraming candles na halos mapuno nang candles at cake para makapag-make up para don sa mga years mong nde kah nakaihip nagn cake... wehe... again... have a happy birthday... sana maging masaya ang bday moh sa taong itoh...

May u have more birthdayz to come and more blessings from Him...

Godbless! -di

DRAKE said...

@Dhianz

Salamt talaga sa pic gritings, ang mga bati nyo ay sapat na sa akin!NAKS MEGANUN! lalo ka na dahil alam kong sobrang busing busy mo pero nagawa mo pa ring magbigay nito. Kaya nga sobrang tenk u. Tyak pagpapalain ka ni Bro kasi mabait ka sa mga taong hindi mabait!hehehhe

Ingat ka lagi! salamat ule

Dhianz said...

yeah... btw... san palah date nyo ni ate yanie?...ahehehe... HAPPY BIRTHDAY sa inyong dalawa... wehe =)

oh yeah again walang enemen... kaw fah!.. malakas kah samen.. Godbless! -di

♥superjaid♥ said...

advance happy birthday kuya drake..sige igagawa din kita ng picture greeting at san this time eh di na mawala ang usb ko..hahaha

JoShMaRie said...

haberdey drake! :)

pmm012 said...

napadaan, at makikibati na rin.. haberdi!

DRAKE said...

@superjaid

aantayin ko yan ha!sana makahabol, syempre kailangang di mawala ang gritings mo!ikaw pa!hehhehe

Salamt in advance

DRAKE said...

@joshmarie

ngayon ka lang uli nadalaw sa kwarto ko!hehhehe namiss kita

ingat

DRAKE said...

@pmm102

maraming salamat po sa pagbati!hehhehe hayaan nyo po dadalaw din po ako sa blog nyo

ingat

Dhianz said...

deadma last komentz koh... hmmm.... lolz... laterz.. =)

Dhianz said...

i'm takin' a break from school work... nabasa koh 'ung love letter moh para sa sarili moh nung 26th bday moh... lab it... ang galing... parang sarap gawin sa sarili koh... pero takte.. magiging maemo 'un.. lolz... and now 'ur 27... yey... happy 27th bday... Godbless! -di

Dhianz said...

hmm.. nakibasa akoh nang reply komentz moh kay ate yanz... binasa koh ren yugn saying sorry moh... hmmm... 'bout ex moh?... ganda nang pagkasulat moh don... at ang sweet nugn dalawang commenter don ahh... ehem... haha... lolz.. baka madapa kayoh... pag nadapa kayo means pinatid koh kayoh... lolz... oh yeah... nagkoment den akoh don sa isang ni-link moh saken... 'ung 'bout regrets... reply ka ren daw.. haha.. 'la lang... takte... nagugutomz akoh... sige... nanggulo lang d2... laterz... Godbless! -di

Dhianz said...

abahhh... 50 komentz nah daw ohh... naks naman... peace out =)

word verification: parec

parekoy! lolz =)

DRAKE said...

@Dhianz

Maraming maraming salamat sa pagbabasa mo sa mga aking mga isinulat.Heheh sige reply din ako dun!Hhhee

Kaya nga pala hindi tayo nagpapang-abot ay dahil nga we are in different parts of the world.hehehhe pero secret kung nasan ka!(di ko sasabihin na nasa buwan ka)hehhee

Basta thank you fo your time at picture greetings!hehhe

Nga pla wag nyo kaming intragahin ni Yanie, pareho lang kami ng labnaw ng utak kaya kami nagkakasundo ng husto heheh

Ingat lagi dyan!hehehhe

wait said...

Nakikigulo lang : D

Random said...

aba may copyright ba 'to? dadaganan ka ni jepoy nyan lagot ka. tutoong nalimutan ng pamilya mo bday mO?!!! tsk tsk that's bad. hamo, sige, babaha ng picture greeting dito... - moreducation.weebly.com

Alkapon said...

wala pa ba bago maliban sa birthday mo??