Nangingig ang aking laman noong makita ko ito, ito ang pagkakyut kyut na piktyur ko nung bata. DYARAN…..
Noong mga panahon na yan bungal ako dahil mahilig akong kumain noon ng TIRA-TIRA at MIKMIK.Maitim din at puro kuto pa ako, dahil gusto kong magbabad sa araw.
At medyo dahil sa pagmumukha na yan sari-saring mga panlalait ang inabot ko sa mga tao. Isa na dyan ang kumare ng nanay ko.
Kumare ng Nanay ko: Anak mo ba ito?Bat parang kakaiba sa mga kapatid nya?Ahhh mare kaya nyo pala itinigil ang pag-aanak ni pare kasi panget na ang susunod!hahahaha
Yan ang sabi ng kumare ng nanay kong mukhang mangkukulam, parang sinabi nyang dahil panget na “genes” ng nanay eh kailangan na nilang tumigil sa pag-aanak ( Noong mga panahon na yun gusto ko sanang salaksalin ng sandok ang ngala-ngala nya!).
Isa pa, ito naman ang sabi ng kaibigan ng kuya ko:
Kaibigan ni Kuya: Bro, kung ano ang ikina-gwapo mo eh sya namang ikinapanget ng kapatid mo! Whahahah
Iyan naman ang sinabi ng kaibigan ng kuya kong kamukha ni BABALU. (eh kung sunugin ko kaya ang baba nya at gawin kong barbeque!)
Heto pa kamo, hindi rin ako nakalusot sa nagbabagang dila ng mga kaklase ko
Kaklase ko: Alam mo sa inyong magkakapatid, ikaw ang PINAKALATAK (sa ingles impurity)
Kamusta naman yun? Wow !dumadagundong sa tenga! Sarap tampyasin ang mga dila at ipakain sa buwaya!
Basta marami pa yan, at ikukuwento ko sa inyo sa mga susunod na araw. Kaya tuloy lumaki akong mahiyain (daw), at dala na rin siguro ng mga panlalait na yan, kaya heto hukot ako!(dahil lagi akong nakayuko). Kulang sa kumpansya sa sarili, at pakiramdam ay laging pinagtatawanan ng mga tao. Basta ang laki ng naging epekto ng mga panlalait na yan sa aking makulay na”childhood”.Kaya ano ang aking panlaban………....tenen………… magyabang!!!
Okay buti na lang at medyo lumaki, tumangkad at ……………….bumait (sige pwede na rin yung gumwapo). Yun nga lang kahit na puri-purihin ako, hindi ko pa rin maramdaman! Dahil talaga malaki ang naging epekto nito sa aking buhay sa ngayon.
Kaya minsan kahit pinipilit na nila akong mag-artista, ayaw ko talaga!(hahahha!).Minsan naman halos kaladkarin na nila akong sumali sa Ginoong Bulacan,ayaw ko pa rin! (KAPALPEYS!!) Ayaw ko, kasi nga pakiramdam ko may sisigaw sa mga manonood ng “Bakit sumali yan, eh kay panget panget naman nyan!!”. Eh baka hindi ako makapagpigil eh hagisan ko ng dinamita ang bunganga nya!Hehhehe
Oo nga pala, alam nyo ba na ayon sa pag-aaral ng mga sikolohista (psychologist) na pinakamahalaga sa buhay ng tao ay ang kanyang “childhood stage” (edad 1-12). Dahil dito nanggagaling kung anong ugali meron tayo sa ating pagtanda. Malaki ang epekto ng ating pagkabata sa buhay natin ngayon. Kaya tingnan nyo yung mga inaabusong kabataan, lumalaki din tuloy silang nanakit din. Ang mga batang spoiled brat sila naman yung nagiging mga mainipin at magagalitin.
At natatandaan nyo pa ba ang Marshmallow Test?( ngayon kung hindi pa,pakisearch na lang!)Basta ganito yung resulta, ang mga batang sumunod sa instruction na wag kainin ang marshmallow agad ay sila yung mas naging matagumpay sa buhay noong lumaki na sila kaysa sa mga batang kinain agad yung marshmallow at hindi sumunod sa instruction. Ganun yun!
Kaya mahalaga talaga ang childhood stage dahil ito ang magsasabi kung anong klaseng tao tayo ngayon. Kaya tandaan natin mahalaga ang pagkabata, at sa anak o magiging anak natin, ingatan natin ang kanilang pagkabata at kamusmusan. Dahil ito ang pinakakritikal na estado ng buhay ng isang tao. NAKS MEGANUN!. Sabi ko sa inyo may mapupulot rin kayong aral sa blog ko!hahahah
P.S
Sa tuwing pinapakita ko yung piktyur ko na yan nung bata pa ako, walang naniniwala na AKO yun (akala kasi nila si Rene Requiestas yun nung bata, sumalangit nawa ang kaluluwa nya). Walang kabakas bakas na ganun daw ang hitsura ko noon dahil ngayon ang kamukha ko daw ay si Piolo Pascual (after the accident and head injury)hahahha! Ayaw nyong maniwala pwet este pwes paki click lang ITO
45 comments:
Hahaha! Gwapo mo! Hindi kita pinagtatawanan ah baka hagisan mo ako ng dinamita.
Wait ko yung magiging comment ni Yien!
Buti ka nga ganun lang ang hinarap mo noong bata ka pa, kasi ako battered eh - wala pa kasing Bantay-Bata noon hehe pero di parents ko ang nangba-batter sa akin hehe. Kaya heto ako, mukhang buttered harhar!
@Noel
At dahil ikaw ang unang nagcomment may premyp ka sa akin....dyaran.. buttered shrimp!Hahaha
Eh sino naman ang bumubugbog sa iyo?Uhmm siguro ikaw yung laging binubully noong bata!hahah
Salamat sa comment, wag mo na intayin ang comment ni yien, wala namang magandang sasabihin yun!hahhaa!
Hahahaha, at talaga namang inantay nila ang ipapa-sabog ko sa comment section mo! hahahah, sobrang na-touch ako pramis! hahahaha!
diko mapigilan ang tumawa.... hahahahahha!
masyado mo naman akong ina-under estimate drake. siyempre kahit papaano may maganda ganda naman akong sasabihin. Nahalatako kasi ang mga kamay na nakahawak sa mga balikat mo eh...
malakas ang kutob ko na, hindi ka lang mukhang latak noon (sabi mo yan hah) kundi autistic ka pa kasi yung mga katabi mo sa picture mukhang iniipit ka ng sadya dahil aatakihin ka na naman ng epilepsi nyahahahaha!
o yan na ang pinakamagandang masasabi ni yien ngayon hahaha, bukas na lang yung talagang banat!!!
HAHAHAHAHAHHAHA!
@Yanie
Tama ang hinala ko wala kang sasabihing maganda!hahah! Naku sobrang kyut ko kaya dyan, kaso ang pinagtatakhan ko lang sa imbes sa pisngi ako kurutin eh sa braso ako kinukurot ng mga tao. Ano akala nila sa akin, LETCHON?whahaha
Yanie, bat ngayon ka lang nagcomment sa entry ko! ayheytyu!Miss kita pwamis!Pwede pang papitik sa ilong!hahah
Buti nga sa siko ka lang kinukurot at hindi sa (you know... insert blushing cheeks here) hahaha!
Sorry drake, naunahan na kasi kitang mag-artista, dina ako naka tanggi sa mga offers kaya eto bizing busy na ako sa career ko ngayon!
pasalamat ka nga pinapansin pa kita eh, sa susunod na lang ang autograph okay? hihihihi!
oist, tuloy ka ba? sabihin mo at ibu-book ko na ang four seasons!
@Yanie,
Shet ikaw ba yung kasama ni Willie sa Wowowee?? (teka di ba si Pokwang yun?)
Nakupo, mukhang mapupurnada ang bakasyon ko, baka kasi lumipat ako ng kumpanyang malaki magpasweldo (pero konti gawa!)
Miss mo ako noh?
Hindi ako sa cheap na wowowee hah, sa kapuso ako noh, ume-extra ako dati sa bubble gang, gagawin na daw akong main-stay hahahaha!
dito ka na lang lumipat ng trabaho, marami nga lang kailangang asikasuhin gaya ng blogging, facebook. at kung medyo sinisipag catch up ka din sa YM. haay, kakapagod ang trabaho dito pramis.
Diko nga aaminin na namiss kita, ang kapal ng peys mo huh!
@Yanie
Hindi kaya iisa lang ang kumpanya mo sa kumpanya ko? Eh nagtataka nga ako kasi para ka lang nasa computer shop o internet cafe?
TSK TSK sayang ang pagpapasweldo, dumayo ba ng dubai para magfarmville!
Buti ako nakapaprodaktibong emplyedo. Ikaw na maging EMPLOYEE OF THE MONTH.
Head Office namin ang Kingdom Holdings, part ng Kingdom Centre. diba jan sa Riyadh yan? Balak nga daw ilipat ang opisina namin jan eh. Kaso pinag iisipan pa nila kasi balak daw i-block ng KSA government ang Facebok, pano yan eh di wala na kaming trabaho pag nagkataon diba?
Sige na, dina ako magpapakipot, tatanggapin ko na ang EMPLOYEE OF THE MONTH AWARD, basta ako ang gagaw ang certificate hah, at hindi ikaw. alam ko kasi kalidad ng mga gawa mo eh, hindi papasa sa akin, sorry!
hahahahah
Huwag mong sabihing sa Emirates tower ka nagtatrabaho? Esh Shada!Open pa ba dyan yanie, pasok mo nga ako, dahil alam kong kailangan nila ng gwapong receptionist!whahaha!
Grabe ka yaman mo!
Parang hindi ko inabutan iyong mashmallow test, wala kasing marshmallow sa probinsya hahaha.
Hmmm, nang tinitignan ko ang picture mo parang di naglalayo ang hitsura natin nung bata ako, kaya siguro gusto kong magpari hahahaha.
Mabuti na lang at may Belo na ngaun at Calayan, hehehehe.
@The Pope
Hahaha, magkamukha ba? Eh sabi nga nila pag panget ka raw ng bata gwapo ka raw pagtanda! Naks!
Medyo sikat yang marshmallow test na yan! Proven facts daw yan!
Akalain mong pareho pala tayong gustong magpari noon (please insert KIDLAT here)
hahaha.. ang kyut nga eh! grabe naman sila makapanlait. pero oks lang yan kuya, atlis may nag bagao. hahaha. :) hayaan ang mga taong umaalipusta sa kapwa. may karma. hahaha. echos!
teka ise-search ko ung marshmallow test.
tol ang puge mo pla..tol wag k na mgpakaanonymous..showing ur pic is proving na hindi na ikaw ung kemeng bata noon..gogogo show na hehehe
ang kulet ng post mo
Nice one!
àng pànget pà
kuleet mo dràke, yun àng àsset mo,kàkulitàn, hàhà!
i click the link, thinking, piolo look àlike mo siyà!
àng pànget pàlà ni piolo psàcuàl sà link, hàhàhàhàhà
ang alam ko, masarap ang marshmallow test kapag may kasamang hotdog yung masrmalow. hehe
pero tol, nagkakamali ka.
di ka puge.
di ka gwapu.
dahil kung kamukha mo si piolo,
isa kang dyosa!
ahahaY!
@Kox
Kyut ba?Ano pwede bang gawing keychain? Naku mild pa nga yan eh meron pang mas matitindi dyan!hehehe
@Rico
Shy type ako, teka describe ko na lang sa iyo ako ngayon. ang hitsura ko ngayon ay katulad pa rin ng nas apiktyur, lumalaki lang!hehhee
@Glentot
tipid mo namang magcomment
@Ate France
Ano kamukha kamukha ko ba si Piolo dun?yan ang akong latest piktyur!hahaha
@Manik
Hahhaa, ganun ba yun! Shoke! Isa pala syang marina!hehehe
Ahahahhahaha... uy idol ko pa naman si rene requiestas... jijijijijiji... naku childhood... di bale na lang... jijijijiji... ang importante yung mahalaga... jijijijiji... ang alam ko sinunog ko na lahat ng childhood pictures ko... ahahahhahahahhaha
oh, i just remember my childhood as well. love and care from mom..
dapat yung picture, yung noon tapos yung ngayon. before and after! o e di nasa iyo ang huling halakhak! kundi man, mayaman ka naman na e. may pang-belo. :) kahit isama mo pa yung kumare ng nanay mo, kaibigan ng kuya mo, at kaklase mo :D
haha... pa-humble si parekoy... pero i know what u mean. may mga tao kasi na akla mo kung sinong perpekto kung maka-panlait pero mas higit naman ang baho sa katawan. nyahaha.
Wahahaha..kaya daw tinigil na ang pag gawa ng bata eh panget na yun sumunod na lumabas ahahaha..tumbling ako sa tawa dito ah!
bunso ka ba? ganun daw pag bunso yun yung pinakakakaiba sa mga magkakapatid... hehehe
sigurado naman ako, lumaki kang matino.. tsaka mayaman!!!
haha.. natawa naman akoh sa huling sinabi moh 'bout kahawig moh na si Papa Piolo... teka Papa P?... hmm... dehinz koh nga tipayzing yon eh... 'la lang.. i juz hear dat phrase so much kapag nababanggit si Piolo...
eniweiz.. i think those people who make fun of others are those people who don't feel good 'bout themselves... and sometimes who also got issues within themselves...
hmmm... kuyah marsmallow test... teka.. did i sppel marsmallow right... takte.. eniweiz.. marshmallow palah... kulang nang H... datz why it didn't look right... eniweiz... soemthing' i have a thing lang kc for spelling.. wehe... now i'm lost w/ wat i'm gonna say.. was that the test nah they asked the kids if they didn't eat the mallows in front of them and waited for like few minutes that they would get more mallows... but if they eat that then daz all they gonna get?... and those who waited became more successful in d' future that those who don't... eniweiz... ano bah point koh?.. dunno nah.. haha...
hmmm... trulalu... sometimes it makes a diff. how we were raised... our environment and people who nurtured us and stuff... and how you were treated when u were a kid correlated how you gonna be when you grow up.. especially with self esteem and stuff... kaya it would definitely gonna make a difference if we treat d' kids well... and if raise them with lots of love... and teach them 'bout d' meaning of real beauty.. true beauty lies within... dmeng sinabi noh?.. ahaha...
magkasinghaba na bah ang komentz koh at post moh?.. lolz... eniweiz i hope that kinda make sense.. pag nde oh well...u know meeh sometimes i juz type... laterz kuyah...
eniweiz i think you're a beautiful person... inside and outside... *hugz*... and yeah may motto devah.. was it "beauty lies in the eyes of the beholder" *hugz* kuyah... Godbless! -di
na-miss koh si ate Yanie... ate yanz!!!! sige kaw dalawin koh after nitoh... *hugz* ate Yanz... =)
@Xprosiac
San nanggaling ang pangalan mo kakaiba? Hheehe bakit di mo subukang ipost din ang baby pictures mo?Try lang
@tim
very nostalgic ba?Salamat
@moonspark
meron namang before and after dun eh!na click mo ba?whahaha! Hayaan mo sasampalin ko sila ng pera ko! Hahaha! Di ako mayaman...mayabang lang!
@Nightcrawler
Sinabi mo pa, madalas kung sino pa yung nanglalait sila pa yung mukhang inodoro (teka parang nanlait din ako ah!)hahaha
@Kablogie
Medyo yun nga kaya natagalan bago ako nasundan!Nag-isip pa!hahah
@Gillboard
Hindi ako bunso, apat pa ang sumunod sa akin! Pero matagal akong naging bunso kumpara sa iba kong kapatid! apat na tao bago nasundan!hehehe
@Dhianz
Puyat ka no?hahhaa! Tama yung marshmallow test na sinabi mo, ganun nga yun! Kaya sabi ko nga kung ano ang nangyarai sa iyo ng bata at dal dala mo yan paglaki. Karamihan sa mga nangongolekta ng laruan ay deprive sa laruan o di kaya masyado nilang naenjoy ang pagkabata. Tuloy hanggang paglaki dala dala nila ito
Salamat sa pagkokomento lagi sa blog ko! na miss kita!Pwamiss!heheheh
hahaha
ako parekoy eh pinagtatawanan kita..lololos
ok lang yan... wala naman sa face yan eh.. nasa appeal!
buti nalang hindi tayo naging magkapit bahay nuong mga bata pa tayo... baka isa ako sa mga lumait sayo..jokeness
**************
napadaan lang po!
Ahahahahhaha... naku pangalan ko isearch mo lang sa google nandun nakaexplain sa wiki... jijijijiji...
Baby pic? sinunog ko na eh at sa tuwing hinihingian ako ng baby pic yung sa pamangkin ko ang pinapasa ko... jijijijiji
@Kosa
Naadd nakita sa aking blogroll parekoy! At bubulabugin din kita!humanda ka!heheh
@Xprosaic
Nakalagay sa wiki, ang xprosaic daw ay isang monster from the himalayas with two heads and six arms. Grabe nakakatakot naman pala yun.
Teka nahiya sa baby pictures eh, kung kailan tumanda saka hindi nahiya!hahah joke lang!
Ganyan talaga kasi nung bata pa manipis pa ang balat... sensitive daw kasi ngayon... maepal na... sobrang kapal na! jijijiji
kyut-kyut mo naman! di kita pinagtatawanan ha....(pigil..pigil)
tanong ko lang?
sumasali ka ba dati na tumatalon sa may pier na walang salawal?!
Ok Here's my two cents about this very interesting Entry...
Tama ka sa sinabi mo na between 1-12 ay development years ng bata, ngayon ko lang na realize habang binabasa ko ang comment mo.
Nung bata kasi ako mga about 4 years old may nang mulestya sakin around 7 years old sya nun.. Kiss nya lips tapos pinapahawak ny ung keps keps nya. Hindi ko pa naiintindihan yun noon.
So anu ang kuneksyon nun?
Wala lang... ahahhaha
Pwedeng mag request? I lagay mo ang picture mo sa blog mo Mr. Bulacan Angas! :-D
ano ba toh!! masaya pala bumisita dito akala ko sa fb lang palitan ng kakulitan niyo ni ate yanie! dito rin pala!!!!! ahahahahaha
spikey kamukha mo nga si piolo ahahahah.........
si ate yanie o ang kulit.. hehehe kahit naman sa personal!!! ahahahahahah
at lumaki ka pang mahiyain nyan? haha.. sa palagay ko di ka naman panget katulad ng akala mo, sinasali ka sa Ginoong Bulacan eh haha.
...at talagang nag-click din ako sa link! tsk tsk :)
@Xprosiac
Sobra ka naman di naman makapal ang mukha mo ah!di totoo yun, kasi tumapang lang ang apog mo!hahaha! Joke lang!
@Iya-kihn
Natawa ako dun ah!Lolz,kung di mo naitatanong eh kasali ako sa cast ng MURO AMI, ako yung batang itinulak ni Cezar sa dagat!hahah
@Jepoy
ang pepekto nyang karansan mo na yan nung bata ay.......magiging RAPIST ka ngayon!hahhaha
@Sani Orange
Salamat at nadalaw ka dito, dalas-dalasan mo ang dalaw ha, para di kita mamiss
@Chie
Tgal mong nawala ah! At sinong nagsabi sa iyo na panget ako ngayon!hindi totoo yun dahil ang totoo ay........mas pumapanget pa ako.hahahha
hahahahahahaha
kamukha mo nga si piolo....
nung maging zombie na sya
hahahahaha
Post a Comment