QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, October 11, 2009

PEYR BA SI PAPA JESAS???



Hays minsan naiisip mo peyr ba talaga si Papa Jesas? Bakit sila mayaman na, magaganda ang pagmumukha, matatalino, magaling pang sumayaw at kumanta samantalang ako KYUT lang (nice parang poodle lang ah). Bakit sila habulin ng chicks? ako humahabol na nga ng panget na chick, aba nagdadalawang isip pa (choosy??) gusto ko sanang isigaw sa kanya “Hoy! Naniniwala na akong walang nilikha ang Dyos na Panget………IKAW lang….IKAW LANG!!”.


Nakakafrustrate rin talaga, lalo na’t napapadaan ka sa La Salle at Ateneo, bigla ka na lang bang manlilit. Eh ako tuhog tuhog lang ng kwek-kwek sa tabi ng eskwelahan nila, samantalang sila kwek kwek nila nasa cup.Sosyal! Tapos makikita mo talagang kay gaganda ng mga kotse nila tapos kay gaganda din ng mga chicks nila. Yung tipong para kang nasa palasyo ng FHM Tapos mga magulang nila sikat kundi mga artista, pulitiko, ambassador at........................ drug lord. Tapos sila din mga sikat, mga matatalino at magaling pang mag-eenglish samantalang ako hanggang “YOU KNOW” lang ang alam ko. Kaya pag dumadaan nga sila sa harap ko, pakiramdam ko para akong tissue paper (na may tae tae pa) na dinadaanan lang nila at inaapakan.

Kaya minsan para mawala ang panliliit sa sarili ko, iniiisip ko na lang “Naku mabaho din ang tae nyan!” o di kaya “May baktol yan, hadhad, maitim ang singit nyan, kulangot nya blue, amoy bulok na gatas ang utot nya, may almuranas yan, tatay nya adik , kilay nya may kuto, walang butas ang pwet nya, esophagus nya may buni, may bulate sya sa tyan at kung ano ano pa.”
Ganun ,nag-iisip na lang ako ng negatibong katangian nya para kahit papaano eh hindi naman ako maawa sa aking sarili. Siguro ito ang tinatawag na “defense mechanism”.(What the heck ano yun??? nosebleed ako!! Tissue please……..tissue hoy!)

Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang aking “ beybi peys” (yung mala bondying ang pagmumukha) at medyo special din ako (in a mongoloid kind of way) Ganun! Iyon lang ang aking magandang katangian. Hindi ako marunong sumayaw, kumanta at umakting, kaya hindi talaga ako pwedeng sumali sa Starstruck sa Startrek lang ako pwede. Samantalang yung iba talagang mga talentado at artistahin pa ang mga dating. Ang sarap pagsasabuyan ng asido at pagpipilyain ang kanilang mga paa. Para makabawi man lang ako sa kanila. Akala nila sila lang ang anak ng Dyos. Ako din kaya!

Okay fine, INSECURE ako! Bold and capitalized, Weno ngayon! tapos na ba ang kwento?Hindi pa basahin mo kaya, don’t judge me coz you are not a judge and I’m not a book! Wala tayo sa library, okay! Kaya basahin mo pa, sige basa.

Kaya talagang hina-hotseat ko si Papa Jesas at tinatanong ko sya , kung peyr ba sya?O baka naman nakalimutan lang nya na anak nya ako, at hindi ng kalaban nya.( Malay mo din namisplace lang ako ni Lord).

Kaya nung minsan talagang hindi ko makuha ang sagot habang nakatingin sa malayo at nangungulangot, pumunta na lang ako sa Baclaran at nagsimba. Duon ko sya tinanong, pakiramdam ko kasi ako si Santino at bigla lilitaw sa Bro sa aking harapan, kaso si KUYA pala ng PBB ang lumitaw (impostor sya). Pero hindi nangyari yun kasi hindi nga lumitaw si Bro. Kaya lumabas na lang ako ng simbahan, at paglabas ko bigla akong natauhan sa aking nakita. Nakita ko ang mga batang nanlilimos, ang mga taong walang mga paa’t kamay, mga matatandang hirap na hirap sa buhay, , mga kababayan nating walang maayos na damit, at mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay. Naisip ko noon…………..Yuck! how gross!! Joke lang! Naisip ko noon napakapalad ko pa pala at marami akong dapat ipagpasalamat sa Panginoon.

Kung minsan kasi lagi tayong nagtatanong kung patas ba ang Dyos?Kung tuusin pala tayo pala ang hindi patas sa Dyos! Madalas tayong tumitingin kung ano ang kulang sa atin, kung ano ang wala tayo at nakakalimutan natin ang mga bagay na ibinigay sa atin ng Panginoon. Nakukuha pa nating umaangal kaysa sa magpasalamat. Marahil kung hindi man tayo naging kasing palad ng ibang tao sa mundo ito at hindi man tayo nabibiyaan ng kayamanan, kasikatan at pagkakaroon ng magandang mukha, binibiyaan naman tayo ng Dyos sa ibang mga bagay na mas higit pa sa mga nakikita ng mata at nabibili ng pera. Nabubulagan kasi tayo ng paghahangad at inggit natin, at nawawalang bahala na natin ang biyayang binigay ng Panginoon . Hindi na natin nakikita ang magagandang bagay na pinagkaloob sa atin ng Dyos. Kung sakaling man na mas higit sila sa bagay namateryal hindi naman ibig sabihin nun ay lamang na sila kaysa sa atin. Na mas mabuting tao na sila kaysa sa atin, o mas totoong tao na sila kaysa sa atin. Hindi sa material na bagay nasusukat ang pagkatao ng isang tao.

Kaya patas ang Dyos, at dapat naging gawin ay makuntento kung ano ang meron tayo para makita natin ang pagiging patas Nya. Nasa atin ang sagot wala sa Dyos, matuto lang tayong pahalagahan ang bawat biyayang pinagkaloob Nya, tyak mas lalo mararamdaman ang pagiging pantay na pagtingin ng Panginoon.

See Watusi, hayan sabi ko sa inyo may moral lesson ang kwento ko! Masyado kasi kayong nag-eepal dyan. Akala nyo puro lang ako kalokohan!

Kaya sa mga naging kaibigan ko dito sa blogosphere maraming maraming salamat sa inyo. Habang nakikita ko kayo lalo kong naiisip na peyr talaga sa akin si Lord (sa inyo hindi!hahaha Joke lang) Basta salamat sa panahon nyo sa pagbasa at pagdalaw sa aking munting kwarto
MGA HULOG TALAGA KAYO NG LANGIT…………………………………..KASI BAWAL KAYO DOON!hahahah!
Ingat

23 comments:

My Yellow Bells said...

oh yeah..... ang haba ng kwento mo drake but i still read it. it was worth my time. tama ka, as the gospel yesterday says... sell all your belonging and give to the poor and follow me says jesus, but sometime even the people who have the least cannot compromise with him...thats how hard it is.

DRAKE said...

@Yellow Bell

Welcome sa aking munting tahanan!Nakakatuwa naman ang sinabi mo, grabe!

At dahil ikaw ang unang nagcoment may regalo ka sa akin........ picture ko!hehhe Joke lang! Salamat

Anonymous said...

ang kyut ng pusa. astig! hahaha... peyr xax kuya, minsan akala lang naten hindi, kse marami taung ine-expect. ayun. hehehe..

lars (not my real name) said...

kesa maglukmok, divert your attention and time to things na magbibigay ng kasiyahan at tagumpay sa buhay mo.

Kablogie said...

Balance of nature tawag dun Drake haahah..teka pusa ko yan ah! Wag mo gawin siopao soli mo na yan! Grrr!!!

Superjaid said...

agree ako kay sis kox..nageexpect lang kasi tayo masyado kay tayo nakakaramsam ng mga ganung damdamin..

Yien Yanz said...

Di ako makapaniwalang binasa ko hanggang dulo itong post mo na to. At lalong di ako makapaniwalang pina-iyak mo ako.... sa kakatawa at sa frustration na sana nadito ka lang sa tabi para matiris kita na parang surot... sorry dami kasi surot sa bahay namin. hahahaha!

Grabe, ang lakas talaga ng tama mo, pati si jisas dinadamay mo sa delusions mo na kyut ka, blasphemy na yan hahaaha!

masyado namang unpeyr ang post mo na ito para sa aming mga sosyal! haaayss! hahaha!

DRAKE said...

@kox

Yung pusa lang ang kyut?Paano naman ako?

@andrei

Naku okay naman na ako kasi nga I always count my blessings! Kaya sabi ko nga fair talaga si Papa Jesas

DRAKE said...

@Kablogie

OO nga kaya nga nandito ako , kyut ako. At para lumatang ang kakyutan ko kailangan lumikha si Papa Jesas ng hindi kyut. Kaya nilikha ka nya!hahaha

@ Superjaid

oo nga jaid inexpect ko kasi na gagawin akong gwapo ni Papa Jesas at ipapanganak nya ako sa mag-asawang mayaman!hahah

DRAKE said...

@Yanie

Ibig bang sabihin ng sinabi mong inasa mo hanggang dulo, yung ibang sinusulat ko, hindi mo binasa ng buo! Esh Shada pasaway ka!

At isa pa, sabi ni Lord. masyado na raw maraming nalikhang magagandang bagay si Lord, kaya medyo lilikha naman sya ng hindi kagandahan kaya hayun nilikha ka nya! Pagkatapos nyang gawin din si Kablogie.hahahha

Jepoy said...

Anu nanaman kalokohan to Drake!!!! :-D Basta wag mong isipin unpeyr si

princejuno said...

likes this post!...
katuwa...[^^,]

ang pinaka katanungan dito...
"masaya ka ba?... kung ano ka?... anong meron ka?...
masaya kaya sila, kung ano sila?..
anong meron sila?"

DRAKE said...

@Jepoy

Bakit kulang ang comment mo?Adik ka ba?

@PrinceJuno

Tama ka iyon dapat din ang tanong! Nadale mo bro! Isang kampay sa iyo!heheh

Chyng said...

Pag meron tayong misfortune, we ask Him "Bakit sakin nangyare to? Ano ba nagawa kong masama?"

Pero pag meron tayong blessing, tinatanong din ba natin "Ano ang nagawa kong mabuti para i-bless ako ng ganito?"

;D

gillboard said...

isipin mo na lang di lahat kami may flat screen na gaya mo...

DRAKE said...

@Chyng

Welcome sa aking kwarto. Ang ganda naman ng sinabi mo, tulad mo at ng beach na nasa avatar mo. Salamat sa pagdalaw

@Gillboard

Hhahahaha! oo nga no! Teka hindi flatscreen yun LCD yun!hahaha Joke lang!

Ingat

Klet Makulet said...

Wow inspired si kuya drake ah. Magaling! Magaling! Magaling! :P

Galing mo kuya. Tama ka. Sa halip na pansinin ang negative...bilangin na lang natin yung blessing natin.

mr.nightcrawler said...

i think fair naman... hindi lang tayo marunong maghintay.
nga pla parekoy... siguro sabay tayo ginawa ni papa jesus kxe parehas tayong cute at mahangin. haha. back to blogging :P

DRAKE said...

@Klet

Hindi naman ako inspired hehe! Sumakit kasi ang tyan ko dahil sa saging kaya hayun napakapagsulat ako!hahah (ano koneksyon??)

@Nightcrawler

Siguro nga iisa lang tayo ng molde na pinaggawan ni Papa Jesas! Medyo sa akin nahilaw lang ng konti!hehehe

Anonymous said...

there would always be someone prettier, cuter, richer, wiser etc. if you compare yourself to other people. ganon naman e. pero for me, hindi siya reflection ng pagiging unfair ni God. Sabi nga sa Before Sunset,"... everyone is made of such beautiful, specific details." Tayo lang naman ang nag-iisip na we matter less because there are things we may not have. as you said, we forget what we've been given in the first place.

may flat screen ka? *inggit*

hahaha.

Francesca said...

PEYR SI JESAS, pero mas pabor siya to those nag invest ng time para s Kanya.
Ang blogging, if theres No guts no glory...

FAFREED said...

Interesting and amazing how your post is! It Is Useful and helpful for me That I like it very much, and I am looking forward to Hearing from your next.. BA final year time table 2019

palak said...

Rajasthan University BA Final Year Time Table 2020
RU BA Final Year Time Table 2020
Rajasthan University BA 3rd Year Time Table 2020
Uniraj BA 3rd Exam Date Sheet 2020
Uniraj BA 3rd / Final Year Time Table 2020
Uniraj final yearTime Table 2020
Uniraj BA Part 3rd Year Time Table 2020
Uniraj Time Table 2020
Rajasthan University Time Table 2020