QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, October 6, 2009

Usapang Trabaho

Usapang trabaho ito at dahil usapang trabaho, narito ang listahan ko na gusto ko sanang kuhaning course noong ako’y nagtapos na ng hayskul. At heto yun.

1.Dentista



Pangarap ko talagang maging dentista dahil takot ako sa dentista. At kung sakaling magiging dentisa ako malamang ako na lang ang bubunot ng aking ngipin.Isa pa gusto ko ring kutkutin ang ngipin ng may ngipin. Sa akin kasi ang ngipin ay mahalaga kaya medyo OFF ako sa mga taong may pustiso na nilalagyan pa ng retainer. Okay na sana kung pustiso lang dahil hindi naman talagang maiiwasang masira ang ngipin natin. Pero kung lalagyan mo pa ng retainer?Bakit?Para san yun?Para ba maretain ang pustiso mo! Isa pa, malaki talaga ang kita dyan dahil maraming Pilipinong may bulok na ngipin, dahil likas sa atin ang pagkakaroon ng SWEET TOOTH o minatamis na ngipin!heheheh


2. Chef ( F ang dulo hindi T ha! Baka Shet mabigkas mo)


Gustong gusto ko ang uniporme nila, para bang kahit hindi masarap ang niluluto mo eh , mukha pa rin akong masarap este mukha pa rin masarap yung niluluto ko. Ito rin ang tawag sa sosyal na kusinero/kusinera – CHEF . Aminadong bopol ako sa pagluluto dahil dito na lang ako natuto sa abroad maglinis ng isda at maghiwa ng karne. Kaya naman gusto kong mag-aral nyan. Malay mo magkaroon ako ng karinderya in the future (hu knows runny nose) Saka isa pa, gusto kong magluto ng gulay na hindi lasang gulay. Dahil allergic ako sa mga gulay.

3. Nurse





Maraming nagsasabi na bagay daw sa akin ang uniporme ng nurse. Dahil mabango daw akong tingnan kapag nakaputi akong damit. Hindi ko alam kung bakit nila nasabi yun siguro, gusto nila lang sabihin sa akin na mukha akong mabaho kapag ibang kulay ng damit ang suot ko!hehehe. Isa pa dahil ito ang Pambansang “course” ng Pilipinas (kadedeklara lang ni Gloria kahapon). At imposible sa bawat Pilipino na walang kamag-anak na nurse, nais kong maki-in din. Bukod sa malaki ang kita nito sa abroad ,eh dito pa ibinuhos ng Dyos ang mga nagseseksihan at naggagagandahang mga kolehiyala. Hulala!!


4. Psychologist/psychiatrist


Dahil mahilig akong kumilatis ng tao at dahil may tagas din ang aking utak nais ko talagang maging espesyalista sa utak. Masarap kasi pag-aralan ang ugali at kautakan ng tao. Saka gusto ko rin talagang alamin o tuklasin ang karakter ng bawat tao (para utuin). Dahil alam ko malaki ang epekto ng utak nya sa kanyang buhay at sa kanyang kapaligiran. Kaya nga madalas lang akong nagmamasid at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga taong nagdadaan sa akin harapan sabay kanta ng” Ushigi shigi makantawi uha!Shigi Shigi!” (Dahil kampon ako ni Puma Ley-ar)


5. Piloto.




Gusto ko talagang maging piloto kahit noong bata pa. Kaya naman nung nakatapos na ako ng hayskul eh nag one –on- one kami ng nanay ko


Ako: Nay, may gusto po akong kuhaning kurso pag nag-college na ako

Nay: Aba ano naman yun anak!

Ako: Gusto ko pong maging Piloto (na may halong pagmamayabang)

Nanay (binatukan ako): Bakit mayaman ka ba? Magtitser ka na lang!

Okay hindi na ako nakipagkulitan pa sa nanay ko ,marahil ayaw lang nyang magkaroon sya ng anak na “pilotong kyut”. At dahil ayaw ko ring magtitser dahil baka palamunin ko lang sila ng binilot na eraser at may mugmog ng chalk sa ibabaw. Napagdesisyon ko na lang mag-Engineering .


Alam kong mahina ako sa Math dahil madalas akong utakan ng mga dyipi driver dahil mali ang kwenta ko sa sukli nila. Kaya naman humanap ako ng pinakamadaling Engineering , kaya heto bumagsak ako sa Computer Engineering. Dahil walang Board Exam at mukhang magagamit ko ang kahiligan ko noon sa Solitaire at Minesweeper . Ito ang kinuha kong course. Awa naman ng Panginoon natapos ko ang course ko ng limang taon lang (at 7 bagsak).

Ngayon, hindi ko nagamit ang napag-aralan ko dahil nandito ako sa opisina at hindi sa I.T department. Ubod sa layo ng natapos kong course sa aking trabaho ngayon, at halos may sapot na ng gagamba ang aking mga brain cells. Pero ang mahalaga naman eh okay naman ang kita dito. Kaya pwede na!

Sa totoo lang hindi naman talaga ako “career-driven” na tao, yung tipong kinakarir ang career nila, mas “business-minded” akong tao kaya malamang magtatayo na lang ako ng business sa atin sa Pilipinas pagkatapos kong mag-ipon dito sa abroad. Nag-iisip ako ng negosyong malaki ang kita. Kaya napag-isipan kong magtayo ng pabrika ng…………shabu. Hahahha!joke lang. Basta isang business na pwede sumoporta sa pang-araw araw na buhay ko. (subukan ko kayang magsaka na lang…….....................magsaka ng marijuana!hahaha)


Alam nyo, dalawa lang talaga ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho. Ito ay para kumita at ikalawa ay para sa ating mga pansariling kaligayan. Dito lang talaga umiikot yan. Ngayon kung anong trabaho man ang tahakin mo o maging businessman ka pa , tyak dito rin lang iikot sa dalawang ito ang lahat. Kaya kung sakali wala dyan sa dalawa yan ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho, aba tanungin mo ang sarili mo? Tao ba ako? Baka robot na ako?hehehe

Kaya tanungin mo ang sarili mo , bakit ba ako nagtatrabaho? Baka kasi hindi ka na tao, robot ka na pala hindi mo pa alam! (Naks interactive na ang blog ko! Wag showbiz ang sagot, lalo nat di ka naman artista!hehehe).

Ngayon kung sinagot mo ang tanong ko at wala ka namang trabaho malamang......... adik ka sa facebook at hindi ito isang quiz sa Facebook!okay

Yun lamang po at maraming salamat

23 comments:

Reagan D said...

aay, kala ko pa naman fb quiz. hehe.
nung nabasa ko ang librong "rich dad, poor dad" (o poor dad rich dad?), marami akong natutunan.

na wala sa pinagaralan o sa trabaho ang susi ng tagumpay. kundi nasa ating sarili at sa ating diskarte sa buhay.

(di ko alam kung makikita sa libro yun, pero parang ganun)hehe

glentot said...

Nung bata ako never ko naisip na magiging Farmer ako... kasi wala pa naman Farmville nun... Hihihiii

DRAKE said...

@MAnik

At dahil una kang nagcomment sa akin, may regalo ka sa akin! Ano yun? eh di add kita sa blogroll ko!hahhaha! Oo pre parang alam ko yan poor dad rich dad! Meron nyang barkada ko eh!

Ang susi ng tagumpay ay wala kung kanino, kung ano, kung kailan o kung saan, itoy nasa atin lang!Matuto lang tayong diskubrihin sa atingsarili

@Glentot

Wala akong farmville pero meron kaming farm!nakuwento ko na yun eh!heheh

DRAKE said...
This comment has been removed by the author.
Jepoy said...

'Sinabi ko sa sarili ko ayaw kong maging mag sasaka to the highest level. Pero ngayon kahit maging mag sasaka na at taga suga ng baka sa Canada papatusin ko na.

Na aliw ako sa sulating ito, nakaka alis ng stress sa trabaho!

Yien Yanz said...

DRAKE, unang una seryoso ang comment ko na to, kaya please wag mokong ookrayin... (*insert giggle here*)
hanggang ngayon gusto ko pa rin maging lawyer... dimo ba napapansin na magaling akong mag-rason? sikretong to da maxx yan kaya wag mong ipagkakalat!

DRAKE said...

@Jepoy

Pwede, mukhang provincial nominee ang inaaplyan mo ah! Medyo may kilala ako na ganyan ang trabaho. Malaki ang sweldo pero malaki din ang gastos. Halos 40T lang ang natitira sa kanya. Okay ba yun sa iyo??

@Yanie

Ganun talagang lawyer pala ang gusto mo. Oo halata namang magaling kang magrason at magdahilan... yun nga lang wala lahat sa hulog!hahahha

Subuka mo yanie malay mo maging Miriam Defesor ka someday!hahah! Pwede, may future!hehehhe

Francesca said...

haahaha nabatukan ka pala ng nanay mo ksi gusto mo piloto.
Mahal nga yun, lol

titser, mura lang, pero stress abutin mo sa mga mkulit na bata

..........................FP said...

Ako rin nasa ibang industry now na different from my college course. Business? Ayus 'yan. Be in charge, it's the best route to take eventually. Tama rin si Reigun, diskarte lang. -- moreducation.weebly.com

pamatayhomesick said...

talaga naman pards oo.. he he he... ok parin yun pards ang pangarap ay matutupad naman, kung sa ibang bagay magkakaron yun ng katupara. teka di ko maintindihan yung sinasabi ko...

yung sa trabaho naman gusto ko naman maging bumbero nun...mula kasi ng nasunog yung bahay namin, gusto ko ako ang magliligtas ng mga kabahayan...para kasing super hero "fireman" o di ba!

DRAKE said...

@Ate France

Yung kapatid ko po titser kaya hayun namuti ang dugo sa galit sa maga bata!hehehe

@FP

Di kita maadd bro, bakit kaya?Teka ikaw ba si mukmapi.blogspot.com, hehhehe

@Everlito

Oo nalito ako sa sinabi mo bro!hahahha! Aha gusto mo pa lang maging bumbero, dahil ba madalas kang maglaro ng apoy??hahaha Pwede bro!

Klet Makulet said...

Gusto ko din maging chef.

Mabango ka nga ba? Paamoy nga?! wehehehe

Dati gusto ko mag-nurse kaso siniraan ako ng loob ng nanay ko kahit noon gusto nya doktor tpost nurse tapos nung kukunin ko na ay ayaw na. Palibhasa walang pera.

Bago ka maging psychologist o psychiatrist dapat ikaw mismo ay baliw din. Kasi mas kilala ng baliw ang kapwa baliw harharhar

Lastly, (parang blog ko to ah ang haba ng comment) Ang basa ko sa PILOTO ay PIOLO What the EF am I thinking? si fafa fi?!!! wehehhehe Antok na ko. Zzzz

The Gasoline Dude™ said...

Psychology ang kinuha ko nung college kasi plano ko sana mag-Medicine. Eh kaso hindi kaya ng budget nina Inay at Itay nuon. Hehe.

Gusto kong trabaho eh 'yung nakahiga lang ako sa kama pero kumikita. Pero ayokong maging callboy ha. LOL

Arvin U. de la Peña said...

may aso ba na nanghuhugas sa kusina o tumutulong ng gawaing kusina..nice post..

DRAKE said...

@Klet

May nakapagsabi na ba sa iyong kamukha ko si Piolo? ...... sa akin wala pa eh!hahahha!

Teka sabay tayong mag-aral ng culinary art para masaya!hehehe

@Gasoline Dude

Oo nga psychology nga pala ang course mo. Kaso karamihan daw sa kumuha nyan may tagas daw ang utak. At ngayon lang ako naniniwala!LOL! Joke lang gasdude

@Arvin

Salamat sa pagdalaw! Teka parang kilala kita!hahaha! Balik ka uli!Ingat

Jerick said...

kung pwede lang bumalik sa nakaraan, di na sana pol sci ang kinuha kong course.

Kablogie said...

Dati gusto ko mag artista bilang career yun tipong kontra-bida ang role ko tapos meron akong gagahasain na artista hahahaha

ch!e said...

agricultural engineering ang tinapos ko. di ko rin napapakinabangan ang course ko maliban lng cguro sa farmville.
pwede b taung magsosyo sa pagsasaka ng marijuana? hahaha

DRAKE said...

@Jeric

Gusto mmo bang mag-lawyer bro?

@Kablogie

Oo nga bro hitsura mo palang mukha ka na talagang katropa nila max alvarado at bomber moran!hahaha Mukha kang goons bro!hahah

@Chie

meron na akong lupa bro kailangan ko na lang ng buto ng marijuana meron ka ba?Dali sosyo na tayo!

saul krisna said...

natawa ako sa post mo ah... hahahaha adik ka talaga.... hang ganda ng post mo... kaka aliw

iya_khin said...

haay naku buti nalang nakilala ko kayo lagi nyo akong napapatawa sa kabila ng aking pagdadalamhati..charoot!

i like yung nursing ha! natawa ako talaga dun! so dapat lagi ka ng mag-wawhite para lagi kang gud smell! ehehe!
mag- AXE ka nalang wen eber mag iiba ka ng kulay na suot! yan ha tip for u!

DRAKE said...

@Saul

Welcome sa aking kwarto!Sana mag-enjoy ka! Salamat sa pagbasa!

@Iya

Ganun ba mukha ba kaming clown???Hahhaha Joke lang salamat at mabenta sa iyo ang patawang kong kalbo!

Ingat

Anonymous said...

ay ako, nung bata ako, ang gusto ko lang, magtinda sa sari-sari store. hahahaha.

at tulad mo, ngayon, ang habol ko lang sa trabaho ko, makaipon at lalayas na ako! :)