QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, August 22, 2009

Justine



Hindi ba kailan lang ay pinag-usapan natin yung tungkol kay Lady Gaga dahil isa pala syang TIKI-TIKI, kahapon lang ay nagulat ako bakit heto sya.

Dito sa GMA-Pinoy TV first time pinalabas ang Survivor-Philippines, kaya nga medyo excited akong panoorin ito. Yung una kasing Survivor ay hindi napalabas dito, pero napanood ko sa internet. Sikat na sikat nga si ENDAY dun eh (Patani) pero ngayon parang wala na syang EKSPOYSHUR. Kaya inaabangan ko itong Survivor Philippines-Palau, syempre gusto kong makita kung ano ang mga kapuwitang bumabalot sa palabas na ito.

Syempre para sa aming mga manyak este mga lalaki ang inaabangan namin dun ay ang mga naggagandahan at nagseseksihang mga ebababs. Lalo pa’t beach ang location ng Survivor kaya lalabas ang mga swimsuit nila habang nakakipagpatayan manalo lang ng 3 milyon (aba pwede!) kaya tyak may kung anong sisilip dun na di dapat sumilip (manyak na manyak)

May isang ebababs dun ang talaga namang naka-agaw ng aking atensyon, sa seksi at ganda nya talaga namang mahuhumaling ka sa kanya. Kamukha nya si Heart Evanghelista na may pagka Rica Paralejo. Kaya nung makita ko talaga eh pinapantasya ko na sya, at mula kuto hanggang kuyuko nya sa paa ay talagang katakam takam. (nice ginawang ulam ah)

Pero ano itong natuklasan ko na talaga namang nagpatindig ng aking balahibo, ang aking pinapantasya ay isa palang............... dating lalaki. HUWWWWWWWAAATTT! Tama ka sa iyong nabasa dahil isa syang retokada, ang kanyang kwan ay bunga lang ng syensya. Kumbaga pinatabas na parang damo ang kanyang YOU KNOW at saka biniyak ito na parang buko para maging YOU KNOW ng babae. Sya ay pinanganak na may lawit. Kung ang lawit ko ay tanda ng aking kakisigan (naks, meganun), eh para sa kanya eh keychain lang pala yun.

Medyo nanlumo ako sa natuklasan ko kasi parang ang gara sa pakiramdam. Kumbaga parang bumili ka ng sapatos na akala mo original yun pala eh peke pala yun. Ganyan ang aking nararamdaman ngayon, hehehhe! Pero sa totoo lang hindi mo talaga mahahalata dahil mukha talaga syang babae, boses babae at katawang babae. Meron kasing mga bading na kahit na anong retoke ang gawin sa katawan nila ay matigas pa rin ang kanilang pagmumukha...in short mukha silang kargador. Pero sya talagang walang kabakas-bakas ng pagiging kargador.

Natatandaan ko noon ng minsan nagyaya ang girlfriend ko sa Klownz-Quezon Ave, nagpunta kami dun at umupo sa may unahan. Hindi ako natakot kung lait-laitin ako ng mga hosts basta umupo kami malapit sa stage medyo game naman ako eh (game akong pasabugin ang mga thyroid glands nila,hhhehe joke lang) . At nagulat na lang ako ng makita ko yung isang hosts dun, kasi mas maganda at makinis pa sa girlfriend ko. Ubod ng puti at seksi, at talagang babaeng babae ang dating. Pero halos magshutdown ang utak ko ng hindi nya maproseso kung babae o lalaki ang nakikita ko, kasi sa ganda at seksi nyang yun eh ang kinakanta nya ay “SEX BOMB” na mas malalim pa sa boses ni Tom Jones. Talagang hindi kinaya ng 512MB kong utak dahil hindi tugma ang nakikita sa naririnig ko. (Kailangan kong iupgrade ang utak ko..gagawin kong 2GB)

Kaya talagang iba na talaga ang panahon ngayon, hindi mo talaga alam kung sino ang totoong babae at sino ang hindi. Kung sino ang magbibigay sa iyo ng anak at kung sino ang joke joke lang o magsasabi sa iyo ng YARI KA!

Tandaan natin na sa buhay natin, hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay sapat na. Hindi ibig sabihin ng maganda sa ating paningin ay totoo at tunay na ito. Kung minsan nadadaya tayo ng ating mga mata, at napapangunahan na tayo ng ating mga nakikita. Sa huli matutuklasan natin na kaya pala meron tayong iba pang mga senses ay para mas lalo natin malaman ang katotohanan. Hindi lang mata dapat na ating ginagamit kundi dapat lahat ng ating mga senses ay gamitin para alamin ang katotohanan. Tandaan na ang nakikita ng ating mga mata ay pabalat laman at hindi ibig sabihin na kung maganda ang pabalat ay maganda ang nilalaman din nito. Alamin ang mga bagay sa ibat ibang perspektibo at hindi mula sa ating mga mata lang.

Sa akin hindi ko huhusgahan si Justine Ferrer kasi buhay nya yun, at wala naman akong kinalaman sa kanya. Katawan nya yun at malaya syang gawin kung ano ang gusto nyang alisin o biyakin sa katawan nya.

Pero meron lang akong katanungan na kanina pa nagswiswimming sa malabnaw kong utak.....

Ano kaya ang tunay nyang pangalan....Justiano kaya, Justino ahhhh...... baka naman BADONG???

Yun lang at salamat sa pagbasa

25 comments:

kox said...

hahaha.. justine. XD

♥superjaid♥ said...

shucks!di nga?mukha talaga siyang babae..san mo na balitaan yan kuya drake?dapat talaga kilatising mabuti para di majoke joke joke..Ü buti na lang ung secret ko na lalaki ako dati, di pa nabubunyag, *wink*

Dhianz said...

haha.. panalo kah tlgah magkuwento.. salamat uletz sa libreng tawang walang tunog.. hanga tlgah akohs sau magkuwento.. walang halong biro.. so yeah... ayos sa hiritz.. kakatuwa mga hiritz.. etoh natawa akoh ditoh "Talagang hindi kinaya ng 512MB kong utak dahil hindi tugma ang nakikita sa naririnig ko. (Kailangan kong iupgrade ang utak ko..gagawin kong 2GB)
" haha... 'la lang... meron akoh kcng kilala na ganyan... so pretty kaso pag nagsalitah.. 'un... alam moh nah ang tunay nyang katauhan.. takte.. ngaun ata mas maganda ang mga binababae... tsk... i guess yeah marami na tlgang mga case na ganya kaya mag-ingatz kayo mga guyz... wehe... panalo lagi entry moh.. *apir* tayo dyan.. ingatz.. Godbless! -di

Dhianz said...

"Talagang hindi kinaya ng 512MB kong utak dahil hindi tugma ang nakikita sa naririnig ko. (Kailangan kong iupgrade ang utak ko..gagawin kong 2GB)" ---> actually nde lang akoh natawa dyan 'cause it reminded meeh of someone kc yang linyang yan itself.. 'ung hiritz.. aliw... ayos.. la lang.. todo explain eh noh.. pero nde koh pa ren na-explain.. haha.. ingatz... =)

p.s. feelin' koh tlgah tali-talino moh.. 'la lang... akoh naman feeling moh bait bait koh.. har har... =)

Yanie's Ka-blags!!! said...

DRAKE... Isa lang ibig sabihin niya 'dre... MAY PAG-ASA KA PA... wwahahahaha!!!

DRAKE said...

@Kox

Hehehhe

@Superjaid

Sabi na nga ba eh!Joke lang!

@Dhianz

Salamat naman kung ganun,kakatuwa ka naman! Teka sino naman naalala mo sa 512MB na utak!hehhehe hulaan ko boypren mo ba?hahahha!Hindi kaya ako yun!Weeeee! Salamat kung matalino ang tingin mo sa akin!(insert ---pulang pisngi---here)

@ Yanie


Hoy puro ka comment palibhasa petiks ka dahil ramadan! Tsk Tsk Tsk! Hheheheh!! Sabay tayo uwi Yanie, libre mo ako sa Italiannis!

Yanie's Ka-blags!!! said...

Hahaha, san yang Italiannis na yan, na-igno naman ako...

Sige ilibre kita dun walang problema, basta libre moko ng pamasahe (DXB-MNL-DXB - jas to be klir)

Petiks ka din ngayon, dyeta nga sa kape, kaka bwisit heheh!

A-Z-E-L said...

KO-YAAAAAA!

dumaan din ako.. inadd kita...

napanood ko yan.. alam namin na may bading nga daw sa cast-aways.. pero akala namin si Charles.. putek at si Justine pala!

hahahahaha!

DRAKE said...

@Yannie

May tinatawag na KAKAPALAN NG MUKHA!!hahahha

@AZEL

Shokran Jazilannnnn!!!

Jee said...

napanood ko din yan!!! walastik na yan si justine!! isa pala syang shokla! lolz!

alam ko din na may bakla nga sa mga castaways pero OMG! ndi ko talaga akalain na si justine un kase ang ganda niya e tsaka ang boses nya ha...girl na girl...ayun! hehehe...

Dhianz said...

haha.. makigulo lagn.. 'la lagn.. parang all connected lagn lahat nang bloggers noh.. teka.. nasundan koh yapak moh kay sis Jee...

"Pero sa taong nagmamahalan wala dapat maging hadlang kahit pa ang distansya " ---> *apir*.. oo nga.. haha... 'la lagn...

hahah... boylet koh na may 512 MB... baka kaw 'un... kc mga exes koh eh... mga ano bah lower than MB? K? haha.. nde koh alam.. sensya nemen... lolz.. nawala na akoh sa sinasabi koh.. so 'un nah 'un...

ingatz kuya drake! (sabi moh maki-kuya eh... ) Godbless! -di

DRAKE said...

@Jee

Medyo sa gandang nyang a talagang mapepeke ka!Pero wala na sya eh, evicted na!

@Dhianz

Baka nga ikaw yun! Teka irerestart ko lang yung memory ko!Hehhe, ikaw nga ata yun eh! Salamat sa pagkokomento mo ha!Kakatuwa ka talaga!hehhee

Yanie's Ka-blags!!! said...

Dina kailangang I-CAPS LOCK dre!!!

Namana ko lang naman sayo yan eh! hahaha!!!

Hari ng sablay said...

anak ng! lalaki ba yun dati? teka sino ba justine na yan?minsan ko palang napanuod ang survivor na yan nakita ko nga yung mga seksing nakaswimsuit,diko kasi mtyepuhan eh,mapanuod nga sa internet.

The Scud said...

nabiktima ka ba ni justine? buti naman ako hindi. haha...

DRAKE said...

@Yannie,

Nililiwanag ko lang hehehe!!

@ HNS

Oo pre hanapin mo, gulat din ng ako eh

@Scud

Hindi ka ba nadaya nyan!ako nadaya talaga hehehe

Jepoy said...

Hindi ko na Papanood ang survivor dahil may pasok ako ng gabi, hindi ko naman sya ma i-stream kasi dial up lang ang internet ko sabahay-Inshort hindi ako maka relate.

Pwede narin yan si Justine wag lang kiss sa lips lolz

Everlito (ever) Villacruz said...

natawa ako sa comment ni superjaid.:).ha ha ha!

DRAKE said...

@Jepoy

Bakit may ganun!hahhaha

@Evelito
hehhe ako rin nga eh

Klet Makulet said...

Baka yung sinasabi mong kumanta ng sex bomb ay yung guest dati ni Sharon Cuneta sa show nya. Kamukha nya si Gretchen Barretto. :P

baka talagang justine ferrer nga. Di ba name naman talaga ng lalake yun.

Kablogie said...

Ah ang ibig sabihin pala nito Drake, hindi lahat ng may Suso eh may matres =)

Aba napepeke na rin pala tayo ng mga badinger Z..

Ang pinagtataka ko lang naman sa mga badinger Z eh wala silang matres para dumarami sila hahaha

gillboard said...

di ako nanunuod ng Survivor, nagulat ako ng mabalitaan kong may dating lalake pala dun.

Everlito (ever) Villacruz said...

pards,i always try to add you in my list kaya ang may error na nangyayari..eniwey try ko ulit...

yung header mo ok na ok, ang ganda ng uod...:)

DRAKE said...

@Klet

Baka lang naman Badong ang pangalan nya!hehhehe

@Kablogie

may kinalaman ang ulan dyan!hahah!

@Everlito

Hehehe, ganyan din ang uod ko inuuod

hector_olympus said...

nagulat din ako nung mapanood ko yung episode na sinabi ngang lalaki pala siya.

iba talaga ang nagagawa ng siyensiya