QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, July 18, 2010

KABABUYAN MO DRAKE!!!

C.R, kubeta, taehan, palikuran, toilet, washroom at kasilyas. Iba iba man ng katawagan pero iisa lang din ang gamit nyan! Ano pa kundi imbakan ng TAE at sama ng loob natin!

Syempre yan din ag pinakapaboritong parte ng bahay namin kaya naman medyo nagulat ako sa mga kubeta dito sa Saudi. Sa totoo lang nahihirapan akong tumae dito. Kasi nga kailangan mong mag-squat at pumorma na parang palakang tatalon. Eh kaya ngawit na ngawit ako pag tatae sa ganyang kubeta. Minsan di ko na talaga alam kung paano puporma sa pagtae dahil pakiramdam ko mabubuwal ako o di kaya maudlot ang paglabas ng tae . Minsan naman nagkadapawis pawis na ako , hindi dahil hirap akong tumae kundi hirap akong humanap ng posisyon.


**** Ganito ang kalimitang kubeta dito sa Saudi


**** Minsan naman ganito, yung tipong kahit puwet mo mahihiya at magseselan!Sabay sabing Ewww so kadiri naman the toilet! (Ta-ma! Nagsasalitang pwet!) :


Medyo nung bata ako madalas akong tumatae sa sanga ng punong mangga . (baket di mo rin ginawa yun ha? Arte?!?). Ang tissue paper very accessible kasi isang pitas lang sa dahon ng mangga may pamandepot o pamunas ka na. Presko at mahangin pa! (See, san ka pa?)


Pero wala kayo sa pinsan kong si Rhea, nasa puwet palang yung tae kinakain na ng aso (fiesta??), Pagkatapos dinidilaan pa yung puwet nya. Libreng hugas ika nga!

Iyon nga lang ng lumaki-laki na ako, medyo nakasanayan mo na rin gamitin ang ordinaryong kubeta ngayon. Yung tipong uupo ka sa trono sabay buklat ng dyaryo at inom ng kape ( talagang may kape pa?). Kaya naman medyo nahihirapan talaga ako ngayon ,tuwing gagamitin ko ang kubeta sa Saudi .

Kaya naman madalas na lang akong tumatambay sa CR sa opisina namin. Dahil dalawang puwet lang ang pwedeng gumamit nun, ako lang at ang boss ko.Nakandado yun palagi at nasa akin ang susi.


Masarap dun kasi de aircon yun.Tapos laging may tissue ,paper towel, handwash, at may hand sanitizer pa sa gilid .Kaya kahit katatapos mo lang tumae puwede ka na uling kumain ng chizcurls at didila-dilaan mo pa yung dumikit na mugmog sa kamay mo .


Saka isa pa sa maganda dyan sa CR na yan may hose sa gilid na itatapat mo lang sa puwet! Di mo nakailangang kapa-kapain ang tae at salatin kung may buo buong mais.

Teka heto ang piktyur para makita nyo.

****Pwede mong halikan ang inodoro sa sobrang linis.


***** Presko at maginhawa dito



Ano sa tingin nyo?Pang hotel ang CR noh, kaya nga sa susunod magdadala na ako ng kumot at unan dyan. Dyan na ako titira!! (makapagdala nga ng folding bed bukas!)


Ano naman ang mapupulot na aral dito?Eh di ko alam? Meron ba? Siguro masasabi ko lang ay sa TAE walang mahirap o mayaman,walang panget o maganda , lahat ay pantay pantay dahil pare pareho lang ding MABABAHO ang tae natin. At kahit ano pa ang ipasok mo sa bibig mo, tae lang din ang kalalabasan nito. Kaya walang pwedeng magmalinis dahil pare-pareho lang ding mabaho ang nilalabas natin sa ating mga puwet.


Kaya kung medyo nadedepress ka kung bakit ganito sila o mas angat sila sa iyo. Wag malungkot at isipin mo na lang din na...............“MABAHO DIN ANG TAE NYAN:! Kaya Kwits lang!

At kung may magmalinis sa iyo, sigawan mo at sabihing " TAE MO NGA MAY MAIS PA!!!" Kaya titigil na yun!


O yan muna mga kautak nagupdate lang ko!


Ingat


33 comments:

PABLONG PABLING said...

yuck. pare kadiri. kakainis yung mais na sinabi mo.

yung sa mga chinese na taehan ang pinaka ayoko.... pano butas lang tas basta eww

khantotantra said...

Ang hirap ng unang design na kubeta, pahirapan. parang unless jebs na jebs ka na, dun palang mo maiisipang gumamit ng cr.

DRAKE said...

Nice Paps base ka! Hindi ko alam yung chinese na CR. Pero base sa sinabi mo mukhang nakakadiri nga!hahah!

Salamat paps sa laging pagbisita!Ingat palgi!

@Khantotantra

Akala ko di ka na uli babalik sa kwarto ko eh! Maraming salamat sa muling pagdalaw!

Ingat ka din!

poldinggeding said...

hahaha.. parang alam ko yung chinese na taehan na sinasabi ni paps hahaha...

ta-ma! kahit dito sa Abu dhabi ganyan kalimitan ang cr.. Design ata ng mga arabo yan eh..

Ok lang kahit ganyan yung CR basta super linis at bawal gumamit ang ibang lahi..

Renz said...

kadiri yung unang type ng cr na pinakita mo yung may lumot lumot pa yung sahig! eww.. haha :)) hirap naman tumae sa ganoong posisyon.

Natawa ako sa moral :))

Bitoy said...

ganyan din kalimitan ang toilet d2 sa UAE. buti nlng sa flat namin eh normal yung bowl. pag inabutan ako sa ibang bahay na talagang lalabas na ang pupu at wlang ibang CR eh no choice na ko, talo-talo na. hirap lang ako pag part na ng iihi. need ko pa i-guide si dayunyor para lang ma-shoot sa bowl. ahihi!

impernes may nahukay ka ding aral sa maka-TAE mong post!

ps: nga pala ako din si Donato na taga Dubai

pamatayhomesick said...

mangilan ngilan nalang din dito(kuwait) pards ng cr ay ganyan, pero sa mga bagong struktura, standard na ang design.. mahirap kasi sa kanila na dumumi, kasi lagi silang naka suot ng tradisyunal dress.kaya flat ang toilet...

DRAKE said...

@polding

Oo design ng arabo yan kasi ganyan sila kung tumae bubukaka na lang nahihirapan itaas ang tob nila!

Ganyan din ang taehan sa may probinsya namin!hahhaa!

Ingat parekoy!

@Renz

Medyo mahihiya ang pwet mo pag nakita nya yan! At tyak kahit taeng tae ka, medyo di maatim mong sumayad kahit ang tae mo sa sahig!hahhaa!Ingat

@Bitoy

Hoy bitoy aka Donato, kilala kita baka kako ikaw at si Polding ay iisa (alam mo yun parang si superman) pero ngayon nagpag-alaman ko na na kayo pala ay magkaibang nilalang (si Polding tao, ikaw hindi gaano!Joke lang!hahah)

Mag blog ka na kasi para naman hindi kita napagkakamalan kung sino sino!ingat parekoy!

@Pamatay Homesick

Parekoy masyado kitang nammimiss! Bibihira ka ng dumalaw sa akin! Hehhe joke lang!

Yup medyo ganyan talaga ang kubeta ng mga arabo,medyo kailangan ililis lang ang tob nila!heheh

ingat parekoy!

Oliver said...

Ngaun pa lang ako nakakita ng ganyang kubeta. Pano pag may violent diarrhea ka? edi kalat kalat na? hahaha.

I am Xprosaic said...

Mali ka! yung tae ko mabango... ginagawa pa ngang pabango eh... ck eternity... ahahahhahaha... usapang kadiri naman! ahahhahahahha

The Gasoline Dude said...

Meron ding ganyang kubeta dito sa Singapore. Hindi ko ata kayang umebak sa ganun, maninibago pwet ko. LOL. Kaya baka hindi ako pwede sa Saudi.

goyo said...

hahaha..pambata pala ang mga kubeta sa saudi. Tatanong ko nga sa erpat ko yung tungkol dyan.hehe..
Ang tagal ko pa namang tumae, kakatakot tumae dyan, isang maling tapak mo lang, parang lalamunin ka na ng lupa.hehe.

mommy ek said...

nako meron ding ganyang toilet dito sa japan. actually, puro ganyan nga din e! ang galing ah! jan din pala meron nun! kala ko dito lang e!

Bitoy said...

ows palusot kpa, di mo nman tlga ko kilala.hehe. wla akong time mag blog.masyadong hectic ang sched ko. madami pa kc kaming sinu-shoot na project.alam mo naman kming mga taartis. hehehe!

karen anne said...

nakakadiri naman yung dinidilaan pa ng aso yung pwet. fiesta nga. haha. kadiri.. natuwa ako sa moral. hahaah

darklady said...

ang sarap tumambay sa ganyang cr.hehehe..


nabasa ko na nga ba ito dati?hehehe


ingat kuya drake!!!!

NoBenta said...

paksyet ang mga taehan dito sa disyerto. akala ko sa china lang uso ang squat type, dito rin pala. ang masama, wala rin gaanong CR dito sa saudi! ilang beses na akong muntikang matae sa mga public places (check mo KUWENTO KO DITO)

kadiri naman 'yung kinakain kaagad ng aso. ayoko na sanang maalala yung ganyan na nangyari sa akin kaso nasa entry mo!

DRAKE said...

@Oliver

Ganun na nga, parang bulkan sasabig at bahala na ang masabugan!heheh!

Ingat parekoy

@I am Xprosiac

Ganun yung tae mo mabango, kaya pala yung pabango mo naman amoy tae!LOLS! Joke lang!

Ingat

@Gasoline Dude

Meron din palang ganyan sa Singapore. Hayaan mo gasudude papagawa tayo ng sarili nating kubeta, alam mo na choosy ang mga pwet natin!hahah!Ingat pre

DRAKE said...

@Oliver

Ganun na nga, parang bulkan sasabig at bahala na ang masabugan!heheh!

Ingat parekoy

@I am Xprosiac

Ganun yung tae mo mabango, kaya pala yung pabango mo naman amoy tae!LOLS! Joke lang!

Ingat

@Gasoline Dude

Meron din palang ganyan sa Singapore. Hayaan mo gasudude papagawa tayo ng sarili nating kubeta, alam mo na choosy ang mga pwet natin!hahah!Ingat pre

DRAKE said...

@goyo

Tama ka parang pambata nga ang kubeta dito. Kumbaga sa atin nung bata pa tayo, di ba hinahayaan lang tayo ng magulang nating tumae sa bakuran natin! Aso??hahahha

Sa saudi rin pla erpat mo!Ingat

@Mommy ek

Hindi ba dyan sa Japan puro high tech ang mga CR dyan, bakit may ganyan din sa JapanNagulat akodun ah!heheh!Ingat Mommy ek

DRAKE said...

@Bitoy

Okay payn sorry na! Masyado kang artistahin para magtampo! Ikaw na!Hahaha! Busy daw oh, eh puro ka nga facebook lang!hahaha!
Ingat

@karen Anne

See, kayo lang eh! Hindi lahat ng shit (tae) eh walanng kwenta! Yung iba meron din naman!hahahha!Ingat Karen!

@Darklady

Sinabi mo pa, kaya nga magdadala na ako ng folding bed bukas eh! dyan ako magsi-siesta!Ingat

@No Benta

akalain mo yun may ganyan ka ring post!hehehe!

teka di ko pa nababasa yungentry mo eh, pero wag mong sabihin ikaw din nasa puwet mo pa lang yung tae kinakain na ng aso?Hahhaha! Ayos!Ingat

Lord CM said...

langya!kung ganyan ang kubeta tapos buris ang tae mo edi nagkalat na sa sahig! kasi butas lang eh at di mashoot ung tae mong lumabas ng pasabog!buris! lolzz

kikilabotz said...

ampupu..kakatapos ko lang kumain..hahaha.. uhm naransan ko nung umuwi ako sa probinsya ng mama ko.. butas lng yung inidoro..haha... mas masarap tumae sa malinis na lugar para may madumihan. bwahahaha

kikilabotz said...

ampupu..kakatapos ko lang kumain..hahaha.. uhm naransan ko nung umuwi ako sa probinsya ng mama ko.. butas lng yung inidoro..haha... mas masarap tumae sa malinis na lugar para may madumihan. bwahahaha

Jag said...

Ay sori pero mabango ang tae ko swear hahahaha! As in? nagkakape ka pa habang jumijebs? Ewwnesss!!!

Hindi Nalalayo ang designs ng mga kubeta jan sa Saudi sa mga kubeta ng mga Japanese hehehe...ang kaibahan lang ay may handle ang sa Japanese doon sila humuhugot ng lakas para mailabas ang sama ng loob hehehe...LOL...

glentot said...

Nakakdiri ka talaga puta ka pero mas nandiri ako sa pinsan mong babae ahihihi BESTIALITY!

Bidet ang tawag dun sa hose...

Kosa said...

at natawa ako ng very very nice kahit medyo napa-yuck ako sa pinsan mo..lols

bakit nga ba ang aso, kumakain ng tae?

tanung lang..lols

ladyinadvance said...

hahaha natawa ako...now lang ulet ako nakatawa ng bongga at salamat sa blog mo =)))

nwey kadiri nga mga ganyang cr parang feeling mo pag tumae ka ei matatalsikan ka ng tubig kac ciempre mahuhulog ang tae mo parang *plok* at depende pa sa laki ng tae mo kaya nga minsan masarap magpigil.. =))))

salbehe said...

Napakasakim nyo naman ng boss mo at nakakandado pa ang napakagandang cr na yan.

roanne said...

ang squat type watercloset (inodoro) ang pinakaunang naimbentong imbakan ng pupu at wiwi. mas preferred to ng ilang bansa esp sa public toilet kasi hindi mo ilalapat ung pwet mo sa inodoro.

ang nakakainis lang (esp sa womens toilet), flush type na nga (katulad ng sa pinas na pwede ka ng umupo) ginagawa pa nilang squat type na makikita mo pa ung bakas nung sapatos sa labi ng inodoro.

buti pa nga sa boys may urinal, di katulad samin na magsuffer ka wag idikit ung balat mo inodoro dahil sa dumi

it's soooo yucccckkkyyy, im gonna die! LOL!

KESO said...

medyo napapangiwi ako habang bnbsa ko to, adik ka kuya drake! hahahaha! ang babuy babuy! pero tawa ako ng tawa. haha.

ARDiBOi said...

Kababuyan na naman ito.. hahahaha! Agree ako - Pantay-pantay tayong lahat.. parehas lang tayong may MABAHONG TAE!

masang30 said...

may tama ka!!!! kaya wag mag-malinis! ! ! pare-pareho lng tayo,,,tumatae mabaho,,,miski nka gucci or armani o kung anik-anik n mamahaling pabango labas muh,,mabaho pa rin wahhhhhhhhhhhh..