
__________________________________
Oo Jologs ako! Baket?? Anong problema?
Aaminin ko na JOLOGS ako, medyo maraming mga bagay na nagpapatunay ng aking pagkajologs at ang mga sumusunod ay tatlo lang sa palatandaan ng aking KAJOLOGSAN:
BIHIS ALA HIPHOP
Nung third year high school ako noon, usong usong ang mga HipHop get up na tinatawag. Yung litaw ang brief (kita ang garter na mala-bacon) at baggy pants (yung tipong hanggang tuhod ang pundya). Tapos ang T-Shirt ko noon ay extra large ang size kaya mukha talaga akong ewan nun. At dahil sa aking hanggang tuhod na pundya nagmumukha akong MAY TAE sa pantalon na naghihintay na bumagsak sa lupa (nice parang papaya lang) Basta mukha akong nakakasukang tingnan. Ganun ang hitsura ko.
So isipin nyo na lang na kamukha ko si Andre E, habang suot suot ko yan. Madalas akong nilalayuan ng mga kaklase ko dahil mukha daw akong ...........mabahong tingnan(sensya naman!). At kahit nangingitim na ang garter ng brief ko,wala akong pakealam…USO EH! !LOLS!
Medyo hilig ko rin magsuot ng technicolor na damit, kaya mukha rin akong NAGLALAKAD NA BANDERITAS. Pero 'wag ka proud na proud ako sa suot ko na yan, basta feeling ko KEGWAPO GWAPO ko!
(UPDATE: Nagbagong bihis na ang mga hiphop ngayon, madalas silang nakasuot ng extra large na TSHRT at skinny jeans. Kaya mistula silang mga TRUMPO at ICE BUKO dahil sa porma nilang yun! Pero ika nga trip nila yun kaya walang basagan ng trip)
WOWOWEE
So kakayanin nyo ba to? Oo naging Studio Audience ako ng Wowowee (sorry naman dun,hahaha). Alam nyo ang Saudi , nakaka-jologs talaga (isa akong living proof nyan)
Dahil syempre kailangan mo ng pampatanggal homesick , kaya nakakatuwa lang na sasalubong sa iyo mula sa opisina ay ang mga babaeng litaw-litaw na ang mga kaluluwa. Kahit nabwibiwisit ako sa pagmumukha ni Wille,at pinipilit nyang kumanta kahit parang busina ng trak ang boses nya, eh tinitiis ko yun makita ko lang sila Luningning, Mariposa at Milagring (wala na sila sa Wowowee, kalungkot naman!) habang nagsasayaw sila sa LIVE BEERHOUSE ON TV ang Wowowee
Kaya nung nabigyan ako ng tsansa na makapunta sa Studio nila, hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Syempre sinama ko na rin ang tyahin at nanay ko (nice kalevel ko ang mga matatanda) dahil mga dakilang fans sila ni Willie. Ako naman todo sayaw ng BOOM TARAT TARAT noon, pero hindi naman ako napili bilang BIGATEN, dahil mas inuna ni OWEN ang mga Balikbayan galing STATES (Siraulong yun). Kaya nalungkot naman ako dun kasi hindi ako makakabati sa TV, pero natuwa naman ako kasi may souvenir photo ako kasama si………BENTONG.
Teka siguro kwento ko na lang yung karanasan ko na yan next time. Medyo marami akong maikukuwento dyan at ipopost ko rin ang picture namin ni Bentong kaya abangan......
JAPANESE RESTO
Hindi ako mahilig sa mamahaling resto,para sa akin pare-pareho lang yang pagkain.Sa huli mabubusog ka rin naman at itatae mo rin yan sa kubeta (at kahit gaano pa kasarap at kabango ang pagkain mo, ilalabas mo rin itong mabaho at kulay brown! ).
So hayun na nga, nung minsang kumain ako sa isang susyal na Japanese restaurant dito sa Saudi,masyado akong naexcite. Dahil syempre Japanese Restaurant yun, naka chopstick sila. At dahil pakiramdam ko kay dali-daling gamitin ang mga dyaskhaeng patpat nayan , nagmagaling ako (pasikat lang ba). Pero bwisit na chopstick yan akala ko madali lang, yun pala ke hirap hirap. Hindi man lang umabot sa bibig ko ang mga pagkain kasi nahuhulog sya sa sahig. Kaya nagmukha akong timawa sa mga oras na yun!
Dahil sa inis, hindi na ako nakapagpigil pa, tinusok ko na lang ng chopstick yung fresh tuna na parang fishball. At dahil mukhang masarap kinain kong bigla yung tuna. Pero punyemas na yan, hindi pala masarap yung fresh tuna na yun. Lasang luga (uyyy nakakain na sya ng luga!) kaya sinuka ko lang iyon sa plato ko (parang pusang sumuka lang kung saan). Di ko napansin nakatingin na pala sa akin ang mga kasamahan ko , kaya patay-malisya ako at nagsabing “SIGE KAIN LANG KAYO” habang kumakatay pa ang laway ko sa plato (yakiiii). At dahil dyan nawalan sila ng gana at binayaran na nila ang bill namin. Okay payn, hindi nakakagana ang suka! Napatunayan ko na yun!
Marami pa akong kajologsan sa buhay kaya ang magsasabi ko lang ay isa akong Certified JJ o JUMPING JOLOGS!Hahahha!
Lahat naman tayo may kanya-kanyang kajologsan. Pero kung minsan nahuhusgahan at nalalait natin sila dahil kasi nakakatawa sila. Nakakatawa ang mga kajologsan at kabaduyan nila sa buhay.
Ako, madalas na akong pagtawanan ng ibang tao dahil sa aking pagiging jologs ,pero okay lang yun sa akin, dahil GANUN NA AKO EH! Wala na akong magagawa dyan. At hangga’t wala naman akong ginagawang masama at hindi ako nakaapak ng ibang tao, patuloy ko pa ring aaminin sa sarili ko na JOLOGS ako. JOLOGS AKO , at JOLOGS AKO!!! Tandaan sana natin na "HINDI MASAMA ANG MAGING JOLOGS".
Isipin rin natin na nasa bansa tayo na mas marami ang mahihirap kaysa sa mayayaman. At marami ang MASA kaysa sa ELITISTA. Kaya marami rin ang mga JOLOGS kaysa sa mga PASOSYAL. Pero mas pipiliin ko pang maging Jologs dahil TOTOONG TAO ako kaysa sa isang PASOSYAL na nagtatago lang sa kasingungalingan . Sa huli kahit balutin mo ng ginto ang isang JOLOGS lalabas at lalabas din ang pagkajologs nya. Kaya kung katawa-tawa ang isang CERTIFIED JOLOGS kagaya ko, mas hindi hamak nakatawa -tawa ang mga JOLOGS na nagpapanggap na hindi sila JOLOGS! At hindi lang sila mas katawa-tawa mas kaawa-awa pa sila.
Kaya ang tanging masasabi ko lang ay "MABUHAY ANG MGA JOLOGS! "
Ingat