QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, April 14, 2010

Ma'am Manalastas aka Ma'am Powkie

Dati nung highschool ako, mayroon akong peyborit titser noon at sya ay si...... Ma’am Manalastas. Si Ma’am Manalastas ay ang aming Filipino Teacher .Kamukha nya si Pokwang at si Ai-Ai delas Alas COMBINED (kawawang nilalang) . So isipin nyo na lang ang pagmumukha ni Ma’am Manalastas?? Mukhang syang BABA na tinubuan ng mukha. Mahaba ang baba ni Ma’am na pwedeng pangalso sa truck at pambiyak ng niyog. Bawal din syang yumuko dahil baka masaksak nya ng sarili nya dahil sa sobrang talas ng BABA nya. Pero dahil feeling nya maganda sya at kamukha nya si Claudine Baretto, masyado syang mataray. Madalas din syang magpashower ng laway sa pagmumukha ng mga kaklase ko, at madalas din may namumuong bula ng laway sa gilid ng bibig kaya lagi syang may dalang panyo para punasan iyon. (Yakness)


Habang nagdidiscuss si Ma’am Powkie ( gamitan natin ng alyas baka mabasa nya itong blog ko eh), napunta ang discussion namin tungkol sa “Pang-uri”. Heto ang senaryo.

Ma’am Powkie: Class, ang pang-uri ay ang paglalarawan sa pangalan at panghalip. Tulad ng sentence na ito…..”Ako ay magandang babae”.

Class: Hahahhahaah (biglang tumawa ang klase kahit hindi naman nagjojoke si Ma’am)

Ma’am Powkie: MGA LETCHE KAYO!!!! (galit na!) Anong nakakatawa?? (tumitig na ng masama)

Biglang tumahimik ang buong klase. Kaya pinagpatuloy nya ang kanyang pagturo.

Ma’am Powkie:Okay Drake! Magbigay ka nga ng isang pangungusap na may pang-uri.

Ako: (nabigla ako) Ma’am ano po…. Uhmmmmm “ Kayo po ay ubod ng ganda , at kamukha nyo po si Zorayda Sanchez!!!Hahahaha”. (ako lang ang tumawa).

Akala ko matatawa ang mga kaklase ko pero mga siraulo sila hindi man lang nakisama

Dahil sa sinabi ko na yan, biglang nagliparan ang notebook, eraser, libro patungo sa aking pagmumukha.Parang torong galit na galit si Ma’am Powkie. At dahil sa pangyayaring yan suspindido ako ng isang linggo at mula din noon hindi na nya ako binentahan ng yema sa klase.

Noon ko lang napagtanto, na masama na ngayon ang pagsasabi ng totoo.

So akala ko hindi na kami magtatagpong muli ni Ma’am Powkie. Pero nagkamali ako dahil muling nagkrus ang aming landas (wow parang teleserye lang ah). Sya ulit ang aming titser sa Filipino. This time, medyo mabait na sya dahil siguro sa ipit nyang kulay pink, sa sapatos nyang pink, damit nyang pink, panyo nyang kulay pink at BABA nyang kulay pink.

So heto na uli, ang topic namin ay tungkol sa Homonyms.

Ma’am Powkie: Mayroon tayong mga salitang iisa ang baybay at iisa din ang tunog pero magkaiba ng kahulugan. Tulad nito sala (sin) at sala (living room). Ikaw Andrea magbigay ka ng example.

Andrea (kaklase kong mukhang vicks): Baga (lungs) at baga (ember)

Ma’am Powkie: Magaling (palakpakan ang buong klase) o ikaw naman Tonio magbigay ka ng isa pang halimbawa.

Tonio (kaklase kong adik): Supot (plastic ) at Supot’ (di pa tule)

Tawanan ang buong klase pati si Ma’am Powkie tumatawa din habang may mamuo muong laway sa gilid ng bibig at kita din ang bulok na bagang nya malapit sa kanyang wisdom tooth.. Dahil masaya ang mood ng klase, gusto ko ring magjoke (aba di pwedeng si Tonio lang ang sikat). Kaya talagang pabibo ako at sobrang nagtaas ako ng kamay. Kaya nung tinatawag ako ni Ma’am Powkie nagjoke ako.

Ma’am Powkie: Okay Drake magbigay ka rin ng Halimbawa

Ako: Ma’am ano po!hehehe!! BABA (down) at BABA!!!! (chin) …..(sabay turo sa baba ni Ma’am Powkie at tawa ng WHAHAHHAAHA)

Tumawa ang buong klase ng ubod ng lulutong.Dumadagundong ang tawa ng mga baluga. Syempre feeling sikat ako kasi nakakatawa kaya ang joke ko. At habang proud na proud ako sa aking joke bigla akong natakot dahil nakita kong nagliliyab sa galit si Ma’am Powkie. Pulang pula ang mukha nya sa galit, at mukhang tutusin na nya ako ng BABA nya ..........kaya nsobra akong natakot sa kanya (sorry naman!!)

At ika nga “history repeats itself” dahil biglang lumipad ang mga chalk, teksbook, ballpen at eraser na parang may mga magnet at sariling buhay dahil saktong sakto sa pagmumukha ko. At malamang kung kayang buhatin ni Ma’am Powkie ang blackboard baka hinampas nya sa akin yun . At dahil dyan hindi sya nagturo ng isang buwan sa klase namin. At lahat kami muntik ng bumagsak dahil sa inyong lingkod (ahem)!!SIKAT!! (**please insert feeling pogi pose here***)

Kaya mula noon ayaw ko ng magjoke. Ayaw ko ng magjoke lalo nat hindi naman ako CLOWN.

At ang moral lesson ng kwento ko na ito ay:

1. Huwag mong gagawing pang-uri si Zorayda Sanachez ( sumalangit nawa)

2. Huwag mong gagawing halimbawa ang BABA (down) at BABA (chin) kapag kamukha ng titser mo si Pokwang at Ai Ai delas Alas COMBINED.

Salamat po!

34 comments:

an_indecent_mind said...

huwaw!! attractive pala yang pagmumuka mo brod??

attractive sa lahat ng mga bagay na lumilipad, syento porsyentong dadapo lahat sa muka mo!! hahahaha!!

kikilabotz said...

naawa naman ako bigla sa titser m..


naranasan ko ring kutyain dahil sa aking pagmumuka kaya nakakarelate ako..


joke. ahahaha. pagpatuloy mo lang repapips

phrench said...

hindi naman masama magsabi ng totoo... pero may tamang paraan, tamang timing at tamang words.. hehehe.. natawa ako dun ah.. i lab ur post.. hahaha... more blog bro..

Ollie said...

Patay na pala si Zorayda Sanchez (ang ninang silveria ni petrang kabayo) - RIP - Di ko alam. I wasn't there. Are you there? There you go.

vonfire said...

ahahahahaa!...im sure di ka makakalimutan ni mam powkie!...ewan ko lang kung anong gagawin nya sa u drake pag nabasa tong post mo na to! lol!

roanne said...

kung ako ang titser mo naibato ko sayo ang blackboard! baka na-itapon na rin kita sa bintana! SUTIL na bata! pinaglihi ka siguro sa kitikiti.. parang sobrang kulit... yang mga ganyang bata ang sarap kurutin ng pagkanipis-nipis sa singit.

ang puti mo siguro nung bata... puro chalk kasi mukha mo eh! hehe

KESO said...

haha. pasaway na bata. naawa ako dun sa titser mo haha

glentot said...

Nakakainsulto naman para kina Zorayda, Ai Ai at Pokwang... yang titser mo panget na ang anyo panget pa ang ugali at mabuti na lang asintado sya bwahahaha.

Ikaw na ang perfect!!!

Sana mapangasawa mo kagaya nya.

darklady said...

Hindi kinaya ng powers ko ang ginawa mo kay Ma'am.hehehe. Panigurado kapag nagkita kayo ulit kayo nun matatandaan ka pa.

Bakit kaya karamihan ng mahihilig mag joke sa teacher e puro lalake,noh?hehehe..

Napatawa na naman ako ni Kuya Drake! ^_^

karen anne said...

sana ay mabasa ito ng titser mo. joke. ang sutil mo po... hehe

mr.nightcrawler said...

grabe parekoy! maganda naman titser mo ah.. bagay nga kayo eh. hehe. peace :P nangugulit lang :P

Chyng said...

Hahaha, maloka kang bata!
Buti di ka sinampal ng bonggang bongga.

Gusto ko din mag-isip ng word na pareho but ibang meaning.. Hhmm..

basa - wet
basa - read

tuyo - dry
tuyo - fish

nawili ako. haha

Chingoy said...

consciousness...
sensitivity...
understanding...

magpapakaprofound ako. o ha?

I am Xprosaic said...

@Glentot: Ahahahahahhahahahah hindi naglevitate ako niyan! jowk! nyahahahahahahha

@Lawstude: Sensya na adik lang... jijijijijijiji

Stone-Cold Angel said...

Sana buhay pa ang titser mong si Mam Powkie kasi me taning na talaga buhay niya eh...

pag bigla siyang bumahing... patay!

joke lang! nice post! =)

DRAKE said...

@an indecent mind

Base ka pare ang galing ah!Halatang petiks petiks lang sa trabaho.

Tama ka attractive talaga ang mukha ko, kyut kumbaga.Kaya mapatao, hayop, at bagay (kung gusto mo pati na rin pangyayari) ay naiinlab sa akin!hahah

@Kikilabotz

HANGYABANG! Cge Kikilabotz ikaw na ang gwapo! pag nagkita tayo susugatan ko ang mukha mo, para mabawasan ang pogi sa mundo! At sa akin mapunta lahat ng bebot mo!hahaha

@prench

Buti naman at napacomment ka dito sa kwarto ko, maraming salamat sa pagdalaw! Sana dalawa ka pa ng madalas para masaya!heheh!ingat

DRAKE said...

@Ayie

Ano ka ayie, ang bait bait ko kayang estudyante! Hayaan mo pag nagkaanak ko sisiguraduhin kong mabait syang bata, pero palaban sa titser!hahaha!Ingat

@Ollie

Nasa Earth ka pa ba Ollie, eh kung ako ngang nasa Saudi nabalitaan ko na yan!Ikaw pang nasa pinas hindi mo nabalitaan yan! Hehhehe! See napakainformative ng entry ko na ito!LOLS

@Vonfire

Hindi naman siguro nagbabasa yun ng blog ko. Dahil nga hindi naman nya ako kilala, na ako ito! Saka isa pa hindi lang naman sya ang may mahabang baba sa Pilipinas!hehh!ingat

DRAKE said...

@B2

Inuulit ko napakabait ko kaya ng bata. Mala anghel ang aking pagmumukha. wala kang prueba B2 na makulit ako saka sutil! See wala talaga! Mabait ako, pwamis!LOLS

Teka wag mo naman akong kurutin sa singit, very sensitive yun!Pingot na lang okay na sa akin yun!hehe

@KESO

Siguro kung naging titser mo si Ma'am Powkie malamang hindi ka maawa dun! Maniwala ka! Ubod ng taray at sungit nun

@Glentot

Oo tama ka, tumpak at KOREKEK! Ganun na nga ang mukha nya, pati ba naman ugali nya ganun din!
So sinsumpa mo na ako dwende ka! Na sana mging ganun ang asawa ko, kung ganun lang mapapangasawa ko, magiging matandang binata na lang ako!LOLS! Tae ka dwende ka!

DRAKE said...

@Dark Lady

Hindi naman lahat ng lalaki medyo maloko sa titser. may mga babae din namang maloko sa titser, yun nga lang tago yun sa kanila.Hehhee!Saka bati na kami ni Ma'am Powkie, mabait na sya (parang daga lang).Ingat palage

@Karen Ann

Hindi malalalamn ito ni Ma'am Manalastas dahil nga binigyan ko nga sya ng code name, Ma'am Powkie. So di nya yun malalaman.

@Nigthcrawler

HANGYABANG! Sige ikaw na ang kyut Pare, ikaw na ang artista!Ikaw na ang anak ng Dyos!hehehe

DRAKE said...

@Chyng

Galing ah, parang gameshow lang!Salamat sa pagbista sa aking kawarto! Kita ko ang pix mo ang gaganda!Galeng naman!Ingat

@Chingoy

Alang kwenta ang comment mo! Halatang hindi pinag-isipan! Tsk tsk tsk!

@I am xprosiac

Hoyyyyyy!! nasa maling comment box ka! Adik ka Xprosiac!!!!

@Stone-cold Age

Oo nga, delikado yun masasaksak nya ang sarili nya!hahahha! ayos ah!Natawa ako dun ah!ingat

definella said...

may titser plang ganun ang ugali't mukha?

w0w! buti wala nyan samen,
kundi araw araw ak0ng maduduwal
j0ke! =)



para sa author: *headb0w*

Klet Makulet said...

panalo talaga mga kwento mo kuya drake. Naalala ko tuloy mga memorable teachers ko wehehehehe

PABLONG PABLING said...

loko ka. hahaha tawa ako ng tawa sa post na to. galing pre

No Benta said...

parekoy, muntik na akong mabulunan sa kinakain ko habang binabasa ito aa kakatawaaaaaah!

For that, bibigyan kita ng grade na 90!

phrench said...

@drake: ok bro... dadalaw ako parati.. lol

Jaja said...

Hi Mr. Drake,

The Kablogs Journal via my Gmail account has sent an email to your email address drake_kula@yahoo.com
regarding a possible article contribution to the online magazine dated April 10, 2010. We'd like to get your feedback on it if you have the time.

Thank you very much and have a good day in the desert. :)

Janelle aka Sundrenched of the Pink Tarha.

DocBoy said...

Wish ko lang mag krus uli ang landas nyo ni mis powkie heheh. Para may mabasa pa ako na blog about her. hehehe

DRAKE said...

Definella

Ows magaganda lahat ng titser nyo dyan! Sayang hindi ako nag-aral dyan! Pero okay na ngayon si Ma'am Powkie, kasi nadidiligan na sya! LOLS (Halaman??)

@Klet

Sino bang titser mo yan, bakit hindi mo rin ikwento para may mabasa din kami!hhehehe! ingat lagi

@Paps

talaga tawa ka ng tawa na kita ang gilagid?weh??? Salamat naman at naaliw ka!ingat pre

DRAKE said...

@No benta

Huuu di naman ako nagpapatawa ah! ayaw ko na ngang magjoke eh!Naks gumaganun! Basta ngayon good (looking) boy na ako!

Ingat

@Prench

Salamat po ingat parati!

@Jaja

Sige po gagawa po ako para may maicontribute ako sa kblogs journal. Salamat sa opportunity

@Docboy

Hahha wag na pre maayos na ang buhay namin pare-pareho!hahah Ingat lagi!

ladyinadvance said...

grabe nmn drake ur so mean,, as n buti nlang hndi tau nagka klace kac malamang nilait mo na din ako... :-(

uhmmm pero ganun ba tlga itsura nya?wahahhahahahahahaha

ammpp namiss ko blog mo..now lang ako nakadalaw kac sobrang bisi d2...huhuhuhu....hugs sau drake... :D

ahmer said...

Kung ako naging estudyante nyan ng titser mo mawawala katarayan nyan' hehe basta lahat ng na tag as terror titser ko eh ang bait bait saken' hehe

Noel said...

Totoong siya ba ang nasa larawang iyon? Nakakatawang mga pangyayari.

Ang masasabi ko lang di talaga tayo dapat nagsasabi ng kasinungalingan at laging katotohanan pero grabe naman kasi yung ginawa mo hehe. Magkaiba naman ang panglalait sa katotohanan.

Pero naaalala ko yung isang teacher namin (di ko matandaan name niya), siya talaga kahawig ni Zoraida at ubod din ng sungit at istrikto. Kaya madalas din siyang malait at kasama rin ako sa mga nanglait sa kanya noon - guilty!

Kasi naman ang lesson doon, kung mukha na nga silang ewan at ubod pa ng sungit ay talagang magiging paksa sila ng nakakatawang kwentuhang tulad nito. Dapat smiling fez lagi kasi lalo silang papangit pag laging naka-simangot.

Salamat sa nakakatuwa mo na namang kwento.

Everlito (ever) Villacruz said...

mahaba din ang baba ko...pero maraming gamit ang mahaba ang baba. pwede to gamitin pag nagtutpi ng kumot. iipitin ng baba para pantay ang tpi ng mahabang kumot. bow!

Mac Callister said...

haha kawawa naman yun teacher mo inapi mo!

buti nga nabato ka ng chalk,books at kung ano ano pa LOL!