Bago pa lang ako noon sa mundo ng blog, at halos ang bumabasa lang ng blog ko ay mga lamok at langaw . Wala pa akong mga PWENS noon, dahil nga medyo suplado ako (artista eh, pakealam nyo ba). Habang ako ay kumakandirit dirit sa mundo ng blog, napadpad ako sa blog ni Jepoy. Medyo natuwa ako sa mga hirit ni PONKAN (tawag ko kay Jepoy) dahil nga kakaiba at talaga namang nakakagaan ng pakiramdam (yung tipong pagkatapos mong umutot, ang sarap sa feeling). Tapos sobra akong tawa ng tawa noon (na kita ang gums) sa mga pinopost nya,minsan nga binatukan ako ng kasama ko dahil mukha daw akong tanga (sya naman mukhang bayabas). Eh kasi nga sobra akong naaaliw sa mga hirit ng “Nagsasalitang Ponkan” na si Jepoy.
Akala ko nga isa ng batikang blogger itong si Jepoy dahil nga ang daming nyang FANS, tapos ang dami nyang followerseseseseses (see watusi, madami talaga), kaya nga nahiya akong magcomment sa kanya kasi nga sino ba naman ako para pansinin ng isang sikat na blogger. Kaya nilakasan ko ang loob ko, lumunok ng laway at presto nagcomment ako. At natuwa ako sa kanya dahil hindi nya ako pinahiya.
Tawa ako ng tawa sa post nyang BAKIT KUMAKATI ANG SINGIT KO. Tapos nasingit pa ang blog ko dun. Sobrang lumundag ang aking esophagus sa sobrang tuwa ko sa kanya.
.Kaya sino ba namang reader ang talagang hindi mamimiss ang isang blogger na katulad ni Jepoy?
Si Glentot naman, nakita ko sya sa bakuran ni Paps (Pablong Pabling). Medyo natuwa ako sa mga hirit nyang comment kay Paps. Kaya naman sinubukan kong puntahan ang blogsite nya. Medyo umpisa akala ko isang HOODLUM si Glentot, kasi nga puro mura ang nababasa ko sa kanya. Tapos akala ko rin isa syang RAPIST kasi nga puro bastos rin ang nababasa ko sa blog site nya. Tapos tawa ako ng tawa sa nickname ng kaibigan nyang si………………. KHIKHI (sino ba namang hindi matatawa dyan). Para akong kinikiliti sa kuwan…. sa kilikili pag nababasa ko ang nickname ni……KHIKHI (inulet pa talaga). Kaya naman binasa ko talaga ang buong blogsite ni Glentot, at tawa ako ng tawa talaga sa mga nababasa ko sa kanya. Tapos alam mong isa syang special child… sori gifted pala dahil nga alam mong matalinong lamang lupa itong si Glentot. Magling pang magdrowing (Okay ikaw na ang batang promil!!)
Pero nalaman ko na sa likod ng isang maangas at bastos na Glentot, ay ang isang mabait at mapagmahal na tao. Medyo nung nabasa ko ang kwento nyang KATRINA, nalaman ko na may puso talaga si Glentot (kahit hindi sya saging). At alam ko na isang mabuti at mabait na kaibigan talaga itong si Glentot. (Totoo yun walang halong stir)
Noong nagkita kaming tatlo sa MOA (ang peyborit place ni Jepoy), nag-click kaming tatlo agad. Dahil siguro pare-parehong may tagas ang mga bumbunan namin kaya naman swak agad kami sa isat-isa. Dahil pasko noon, nagpalitan pa kami ng regalo sa isat-sa. Yung dalawa niregaluhan ko ng keychain na galing Saudi ( na alam mong kakalawangin after 5 days) tapos pabango kay Jepoy at bag kay Glentot (request nila yun). Ako naman brief ang hiningi ko sa kanila para pag suot ko yun maalala ko sila (pero totoo kasi nyan, kulang kasi ang dala kong brief nung umuwi ako sa Pinas). Tapos T-Shirt din na 3 stars and a sun ni Francis M.
Kain dito, nood ng sine doon ang ginawa namin noong nag-EB kami. Tapos inom ng kape sa istarbaks, kwentuhan at gaguhan. Halos lahat na ata napag-usapan namin, kaya naman napakasaya ng nangyaring EB na yun. Tapos nung bumalik ako sa Saudi, sobra akong na-tats nung nagbigay ng HOPIAng ENG BEE TEN si Jepoy. At wag ka limang box ng Hopia yun (mayaman) tapos si Glentot naman binigyan nya ako ng book ni Bob Ong. Ako naman binigyan ko sila ng………TENK YOU at MALUTONG NA KISS!!
Wala akong masabi sa kabaitan ng dalawang nilalang na yan. Kaya nga naging kaibigan ko na sila dito sa mundo ng blogosphere. At hanggang sa ngayon naggaguhan pa kami. Pero sabi nga nila ang lahat ng bagay ay may katapusan.
Nakakalungkot na parehong magsasara ang dalawa sa mga paboritong kong mga blogs sa mundong ito. Dahil na rin siguro sa mga hindi naasahang pagkakataon, nagpagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang blog. Malungkot pero wala tayong magagawa kasi desisyon nila yun.
Pero ang bawat katapusan ay umpisa ng panibagong pagsisimula. Marahil natapos man ang blog nila, baka naman may magbukas ng magandang simula para sa kanila. Siguro dapat na lang nating gawin ay igalang kung ano man ang desisyon nila at maghangad na lang tayo ng mabuti sa kanila.
Salamat sa mga tawa binigay nyo sa akin at sa iba pang reader. Salamat sa libre mo Jepoy at Glentot. Salamat sa mga masasayang post na sinusulat nyo. Salamat sa magagandang comment na binibigay nyo sa akin. Salamat sa pambuburaot nyo sa akin. Salamat sa brief na bigay nyo sa akin. Salamat sa Tshirt, Hopia, at book na bigay nyo sa akin. At salamat sa pagkakaibigan na meron tayong tatlo.
Mamiss ko ang mga tawang idinulot sa akin ng blog nila, mamiss ko sila bilang blogger. At namimiss ko sila bilang aking mga kaibigan. Kung natapos man ang blog nila, sana hindi matapos ang pagkakaibigan na meron kaming tatlo.
Ayokong magpapaalam sa inyo dahil alam kong magkikita kita pa tayo hindi man sa blog baka sa ibang pagkataon, lugar at panahon. Siguro ang pwede kong sabihin ay SEE YOU LATER. At kung sakalaing maisipan nyong bumalik, tyak marami ang matutuwa at marami ang masisiyahan muli. Pero sa ngayon mabuting intindihin na lang namin ang mga dahilan nyo.
Kaya para sa inyo JEPOY at GLENTOT ang masasabi ko sa inyo ay…………………… UTOT NYO BLUE joke lang .......................Mamimiss ko talaga kayo ng sobra!!!! (sana bumalik kayo agad!!)
Ingat at maraming salamat.