QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, November 11, 2008

Ayaw ko ng bangungutin pa!


Akoy nanaginip , Panaginip na hindi ko mawari kung isa ba itong napakagandang panaginip o isang bangungot na kailangang kalimutan. Sari saring emosyon ang bumalot sa panginip na yaon. Di ko alam kung dapat na ba akong gumising o ipagpatuloy pa ang panaginip nay un. Sa aking pagpikit noon, isang napakagandang senaryo ang bumungad, kaligayahan na hindi ko maipaliwanag. Para akong lumilipad sa ere, napakagaan ng pakiramdam, napakasarap na pangyayari. Hangang isang araw, ang kaligayahan ay biglang napawi, lungkot ang unti unting pumainlanlang sa kanina’y napakasayang panaginip!! Sakit, pait, at lungkot ang nangingibabaw, gusto kong magising noong mga oras nay un, subalit kahit isang liwanag ay walang sumiwang sa talukap ng aking mga mata!!! Pakiwari ko’y unti unti akong nauupos at nawawalan ng lakas!!! Ang tangi kong nagawa y tumakas sa bangungot na yun at magpakalayo layo sa halimaw na gusto akong kainin sa kalungkutan!! Inaliw ko ang aking sarili, pilit na kinakalimutan ang pangyayari, gusto kong mawala panandalian, gusto ko munang magising para mawala ang sakit at pait. Kung sanay kaya kong kontrolin ang panaganip na yun, disin sanay puro kaligayahan at kasiyahan lang ang gagawin ko!! Pero bakit kahit yung kaligayahan ko di ko alam kung paano ko kokontrolin? Tangi kong nagawa ay labanan ang bangungot na yun at nagpaka abala ako sa maraming bagay, pilit na iwinawaksi ang lungkot at pangungulila, subalit bakit may mga sandali na pilit na isinisiksik ito sa aking kaisipan “ TIGILAN MO NA AKO PARANG AWA MO NA …………….” Isang napalakas na sigaw ang tangi kong ginawa


Sa ngayun di ko alam kung tapos na yung bangungot nay un, maraming beses na ginagambala ako, nangangakong isang magandang panaginip ang kanyang ibibigay, pero ayaw ko ng magbakasali, 2 beses ng naulit ang bangungot na yun, baka sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ako magising pa!!! Bagamat sya ang nagbigay sa akin ng pinakamaligayang panaginip nun pero sya rin ang nagbigay ng pinakamalungkot na bangungot ngayon. Ngayun nagbabalat kayong syang anghel at nangangakong magdadala muli sa akin sa langit, pero natatakot ako na pag muli akong sumama sa anghel na yaon, ay magpait sya ng anyo at maging isa halimaw na kakainin sa akin ng buo at iiwanan akong walang buhay at gutay gutay.


Buti na lang at nagising na ako. Muli na akong bumalik sa realidad ng buhay.Subalit sa paggising ko na yun nag-iwan sa kin ito ng Takot na muling pumikit. Takot ,na baka bangungutin akong muli!!Marahil, Iintayin ko na lang ang ang gabi na handa na akong pumikit at panaginip.Basta hindi muna ako matutulog sa ngayun,. Sa pagsara ng talukap ng aking mga mata sa gabing aking pinaghandaan naway isa napakasayang panaginipan ang aking maranasan na aabot hanggang sa huli . Hindi na itong isang bangungot na pagdadala muli sa akin sa dilim ng karimlan. Basta iintayin ko na lang ang gabi na yun….. Iiintayin ko ang magandang panaginip na yaon…….at Iintayin ko na lang ang anghel na magdadala sa akin muli sa langit ng kaligayahan………

No comments: