Teka di ka ba minsan naiinis na kung ano anong chain letters ang pumapasok sa email mo, pati ang Bulletin Board sa friendster hindi pinatawad. Minsan nakakainis talaga na excited mo pa man din buksan yung email tapos makita kita mo chain letter lang naman. Nung minsan may pinadala yung malapit na kaibigan kong babae sa akin, ang nakagay” I’ve been wanting to tell you this, I love you…” eh di kumakabog kabog na yung puso ko, aba pagbukas ko chain letter pala, nanginginig pa man din yung kamay ko habang inoopen ko yun. Tapos makita-kita ko may menu pa ng mga title na kailangan mong pamilian kung ano ang magiging subject mo!!BWISSEEEET!!Ano ba ito Jolibee na may value meal na pamimilian. Minsan naman kung di mo raw pinansin yung chain letter na yun mamatay ang mga mahal mo sa buhay. Grabeeee!! Nakakabuwang naman yun, ano ba ito DEATH THREAT?? Eh di pa naging Masaya sa pagsusumpa sa iyo , sabi pa mamalasin ka raw ng buong isang taon, pati pamilya mo pinagbantaan pa ang buhay!!! Kaya paano ka naman di mabwibwisit dun, tinakot ka na nga, inaabala pa ang oras mo kababasa ng mga hinayupak na mga chain letters na yun. Nung minsan naman lolokohin ka pa, ang nakalagay sa subject “ TRABAHO SA NEW ZEALAND”, eh galing yung email na yun sa boss ko, akala ko pa man din eh may maganda syang balita, yun pala chain letter lang din pala. Masaya pa man din ako kasi makakalis na ako sa bwisit na kumpanya na yun, yun pala “EPAL” letter lang. Nahalata tuloy yung boss ko na naniniwala sa mga kagaguhan ng ibang tao (saka nahuli ko syang walang ginagawa).
Eh madalas sa mga text din uso yan, sasabihin promo ng Globe, ipadala sa sampung Globe subscribers after mong maipadala, bibigyan ka raw ng autoload na 1,000 pesos mula sa Globe. Eh uto uto lang at tanga ang kakagat dyan eh. Pero minsan sinubukan ko (subok lang eh, oo sige na uto uto ako!!) so hayun pinadalhan ko yung 10 kaibigan ko na Globe subscriber tapos intay ako ng intay sa load ko aba walang dumating. eh, maalaala ko, eh SMART pala ang sim ko!!Tanga!!! Kaya kahit totoo yun wala akong makukuhang load!!Whahaaaa!! Pero mula nun di na ako nagpauto sa mga chain letters o text messages na yan.
Kaya payo ko lang, wag kayong papauto sa mga chain letters na kumakalat sa internet o cellphone. Maluwag ang turnilyo ang sino mang magfoforward ng mga chain letters na yun. At tanga lang ang naniniwala sa mga nakalagay sa pagbabanta dun. p
P.S
Pagkabasa ng letter na ito ay ipadala sa pito mong kaibigan sa loob ng pitong araw at ipost mo sa subject ang: Isang Napakagandang Kwento, kung hindi mo susundin ito, pitong taon kang mamalasin kaya wag balewalain ang babalang ito!!
Thanks,
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
No comments:
Post a Comment