Teka, sa pagpapatuloy ng kwentong bakasyon ko……….
Minsan talaga maiisip mo talagang napakahirap ng buhay sa atin, ang gasolina napakamahal daig pa ang presyo ng ginto, ang bigas nagtataas na rin, makikita mo parang box office sa may NFA sa amin. Pero ika nga kahit na mahirap ang tao sa atin, makikita mo na ,nasa modelo pa ang cellphone nila. Eh nung umuwi ako ang dala ko ay simpleng cellphone lang, aba napahiya ako sa nagtitinda ng turon sa amin akalain mo naka N70 pa, daig pa ako. Tapos halos lahat ng tao mga parang may kitikiti sa daliri, text ng text. Kung ang gasolina pag tumaas ng singkwenta sentabos naknakan ang galit ng mga pilipino, pero makikita mo namang halos minu-minuto kung magtext, eh kung susumahin mo nakakasingkwenta pesos sila kakatext sa loob ng kalahating araw (aba isang litro na ng gasolina) yun ah. Ika ngakahit hindi na kumain basta makapagtext lang.
Sabi sa survey masasayahin ang mga pinoy, at talagang namang nakikita sa atin yun eh. Nung nakaraang lingo, may nangyaring lindol sa China na kung saan ay kumitil ng 70,000 katao, kaya halos ang makikita mo sa mga T.V station ay ang mga pamilyang nagungulila at nagdadalamhati. Ibahin mo ang pinoy kahit anong sakuna aba nakikita mong kay sasaya pa. Pag nandyan na ang lente ng camera, mga puro nakangiti, nagsisiksikan sa likod ng reporter para makita daw sa T.V, minsan nga nagpepeace sign pa yan, o di kaya lalagyan ng sungay yung reporter.
Sa atin usong usong ang Pinoy Big Brother, ika nga ang”BAHAY NI KUYA”. Palibhasa uso kaya makikita mo sa mga pangalan ng mga establisimento. May makikita kang “ Burgeran ni Kuya”,” Karienderya ni Kuya”, “Sari Sari Store ni Kuya”, naku halos lahat mga tindahan dun sa atin laging may kadugtong “______ ni KUYA”, pati yung nagtitinda ng panty sa Divisoria ang nakalagay…………. ………….KUYA’s RTW ( kala nyo “ PANTY NI KUYA” noh, whahhaa bawal yun di pwede sa DTI”) marami pa kasing mga tinidindang damit dun yun eh.
Nung minsan nagpunta ako sa Greenhills para bumili ako ng battery ng videocam ko, nagulat ako pagpasok ko akala ko nasa China ako, kasi halos puro kamukha ni KIM CHU. Aba, aakalaing mong mga manikin, nung minsan hinawakan ko yung isang manikin sa isang tindahan sa loob ng mall nay un, aba biglang gumalaw, TSEKWA pala, totoong tao pala. Mukha kasing isang galong CHIN CHAN SU ang nilagay sa katawan nila eh. Sooner or later magkakaroon na ng Chinese Invasion sa atin kasi puro instik na lang ang nakikita ko. BAka nga kamo maging teritoryo na ng China a ng pilipinas.
Dahil nga walang sinehan sa Saudi, kaya halos araw araw akong nanood ng sine, kahit mag-isa lang ako susulitin ko na ang mga araw para makapanood man lang ng mga bagong pelikula ngayun. Ultimo pambata hindi ko pinatawad, pati yung mga walang kawenta kwentang mga pelikula. At hindi lang basta sa isang mall, kundi sa lahat ng mall sa Metro Manila. Minsan naisip ko nga mukhang nagsayang lang ako ng pera kasi nga halos buong araw lang ako natutulog sa loob ng sinehan o di kaya mas pinapanood ko pa yung magkasintahan na katabi ko na gumagawa ata ng sex video. (, joke lang yun!!! Wholesome naman silang lahat).
Minsan nadadaan ako sa Bocaue kasi galing ako sa SM Marilao nun, ako ay takang taka kasi kahit hindi pasko ang magkakatabing bahay dun ay may Christmas Light. Kumukutikutitap!! Bumubusibusilak!!! Tapos yung mga babae mga nakahilera, na hindi mo alam kung nakatambay o may iniintay. Nung tinitingnan ko nga yun, kala mong tumitingin ka ng isda sa palengke!!! Syempre alam mo na yung binebenta dun!! Buti na lang nasa panginoon na ako!!Nga pala nung lingo na yun, naraid yung Bocaue kasi nga Prostitution Den daw yun!! Naimbestigador pa nga eh!! Buti talaga nasa panginoon na ako!!
Kinasal ang Ate ko last April 19 bale isinabay na sa ika-30th birthday nya, at least bago man sya umabot sa 30 years old may asawa na sya. Syempre abay ako ( kailangan kasi ng gwapong abay eh, eh ako lang yung medyo gwapo dun whahahha, joke lang, ako lang pala ang medyo available dun). So, hayun masayang Masaya sya sa simbahan, yun nga lang halos kami kami lang din ang nasa loob ng simbahan at sumasaksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Halos walang gaanong ibang tao!! Yun pala nasa reception na palang lahat!!! Nag-iintay na lang sa ikakasal!! Pero naisip ko, di ba mas mahalaga yung exchange of vows ng ikakasal kesa sa pagkain. Bakit parang mas marami pa yung umatend sa reception kaysa sa mismong kasal!!Ummmmmmm…… Sabagay nung mga panahon na yun medyo iniisip ko rin kung ano ang kakainin ko sa reception!!Pero all in all successful ang kasal ng ate ko!!
Nung umuwi din ako para sa bakasyon aba sinulit ko na talaga, kaya ang ginawa ko ay talagang nagpasarap ng konti, nagpamasahe ako, as in full body massage. Ang sarap grabe, sobrang presko sa katawan!!UUUUHHHH!!. Naisip ko nga nun, napakasarap nga palang maging mayaman. Buti nga kamo kahit isang araw man lang naranasan ko ang maging mayaman. Yun nga lang talagang may expiration yun (parang gamot) pag dating ko sa bahay syempre dami kailangang pagkagastusan kaya dapat di nagsasayang ng pera.
Ilang araw bago muli akong bumalik sa Saudi, nag-arrange ako ng swimming!! Syempre para naman magkasama sama kaming mga magkakapamilya. Saka isa pa, kasi lahat ng tita at tito ko na nasa abroad ay nagpapaswimming bago sila umalis. Dati nung di pa ako nag-aabroad akala ko yung swimming na yun ay para huling treat sa amin ng mga tito at tita ko. Kaya noon ang inaabangan ko lang ay yung pagdating ng mga tito at tita ko (kasi may pasulubong kami) at yung pag-alis nila (kasi tyak may outing). Ngayun naisip ko, isa pala itong magandang pagkakataon para magkasama sama, mag-usap, magsaya at mag-iwan ng napakagandang alalala. Nice!!! Teka kwento ko lang!! Nung minsang nag-outing kami sa beach ng Pangasinan, nagswiswimming yung mga pinsan ko sa beach ng may nakita silang parang sinigwelas (prutas yun) na lumulutang sa tubig. So, dinakma naman ng pinsan ko, akala nya prutas, yun pala tae ng tao yun!!Yuck!!Whahhaha!!! Ang nakakadiri pa ay nakainom ako ng tubig na malapit dun sa lumulutang nay un, kaya halos masuka suka ako.!! KAya babala sa mga nagbebeach dyan, mag-ingat sa mga bagay na lumulutang.
Nung paalis na ako, para akong pusang di maihi, kasi talagang di mawari yung pakiramdam. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko nun eh. Syempre nalulungkot ka kasi aalis na naman ako at iiwan ko ang mga pamilya ko sa pilipinas. Babalik na naman ako sa bansang halos bawal lahat. Eh naalala ko nga nung una kong umalis papauntang Saudi. Kasi sabi ng mga tao sa amin bawal daw tumingin sa babae dun, ikukulong daw. So hayun nga, nasa eroplano pa lang ako din a ako tumitingin sa mga babae dun. Kahit yung mga flight stewardess di ko tintingnan. Minsan nga tinatanong ako ng flight stewardness nakatingin ako sa labas ng eroplano. Iniisip ko nun baka hulihin ako!! Kaya ang nangyari nagkaroon pa ako ng stiff neck. !!Okay!! Balik uli tayo kanina, basta ang bigat sa pakiramdam na aalis na uli sa bansang pilipinas. Sabihin man natin mahirap ang buhay sa atin, masarap pa rin naman sa pilipinas!!! Talagang Masaya sa atin, yung mga simpleng bagay ay talagang maapreciate mo!! Sa unang araw ko dito, malungkot talaga ako kasi paggising ko mag-isa na lang ulit ako. Wala na ang ingay ng tao sa labas. Huni lang ng aircon ang naririnig ko. Naisip ko para akong nanaginip lang ng pagkahaba haba, at ngayun nagising na muli ako sa realidad ng buhay. Pakiramdam ko napakaigsi lang ng panahon, mabilis ang oras, at masyadong matulin ang pag-ikot ng mundo. Mag-iintay muli ako ng sampung bwan para sa susunod kong bakasyon. Sana darating ang isang araw na di na ako aalis pa ng Pilipinas!!! Masarap naman talaga sa atin eh, yun nga lang mahirap talaga ang buhay!! Sa ngayun tiis tiis muna, tutal may bitbit naman akong mga karanasan na muli muli kong babalikan!! Siguro solb na ako dun!!! Hanggang sa susunod na bakasyon na lang uli!!!Sige mga kabagang!!
No comments:
Post a Comment