QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, November 11, 2008

Tinatamad ako!!!


Tagal ko na ring walang post sa blog ko ah!! Medyo tinatamad kasi ako eh. Sabihin natin naging busy ako, kaya medyo tinatamad akong magsulat. Parang yung mga labahin ko, natambakan na ako, for almost 2 weeks di ako naglaba kaya gabundok na labahan ang natira sa akin, kung hindi ko nakitang wala na akong isusuot ay hindi pa ako maglalaba. Yung aquarium ko medyo kalahati na lang ang tubig although malinis pa sya pero tingin ko kulang na rin yung tubig nya, kaya hayun nilagyan ko uli ng tubig para maging Masaya naman ang mga isda ko. Yung kusina namin, dapat ako maglilinis nun, hayun ini-skip ko nalang, next week na lang tutal malinis pa naman eh.
Marami akong bagay na kinakatamaran, di ko alam parang inaatake na naman ako ng sakit kong katamaran. Ang gusto ko na lang ay matulog, manood ng T.V, kumain ng chitchirya, at maginternet. Kaya nga natatambakan ako ng mga gawain ko. Natatandaan ko nga noon, halos isumpa ako ng mga kapatid ko kasi habang naglilinis sila ng bahay at busing busy, ako nakahiga sa sofa, pakain kain ng piatos at nanonood ng T.V. Kaya puro hambalos ng walis tambo at isang dagunot na pangngutya ang inabot ko sa amin. Hindi ko alam, para kasing nakahulma na ang likod ko sa sofa, at nakadikit na ang mga daliri ko sa chitchirya na kinakain ko. At nakapako na ang mga mata ko sa T.V.


Balik tayo sa kaslukuyan , ganyan ang buhay ko ngayun medyo slow moving ata. Feeling ko tinatamad ako sa buhay, hahahah!! Parang I just go with the flow. Nakakatamad kasing umiiba ng agos eh. Basta medyo parang ayaw kong kumilos sa ngayun, siguro nga dahil sa tinatamad ako. Meron akong mga planong pinagpahinga muna, meron akong gustong gawin na medyo kakalimutan ko muna panandali. Kumbaga magloosen up muna sa buhay! Basta magpapakatamad muna ako!! Kumbaga hihiga muna ako sa sofa ng kasiyahan, kakain muna ng chitchirya ng kalayaan, at manonood muna ako ng T.V ng buhay. Tamad na kung tamad, ayoko ko lang magkasakit na tinatawag na OCD (obsessive compulsive disorder), kumbaga sila yung taong linis ng linis, gawa ng gawa, ayaw ng marumi, yun tipong walang ginawa kundi maglinis ng maglinis at pag may nakitang dumi hayun frustrate na frustatrate. Sila ata yung mga taong masyadong stick sa kanilang ideologies at mga plano sa buhay. Ayaw magkamali at ayaw mabigo, at kung sakaling mabigo sila, hayun depression ang kinababagsakan. Nagiging stiff tuloy sila at mahirap pakibagayan.Karamihan mga nagtatagumpay pero karamihan din nasa Mental Hospital na din Kaya ayaw ko magin OC. Sila na lang


Alam nyo ako naman yung tipo ng tao na pagsinipag ay talagang masipag. Pag sinipag ako gusto ko polido, maayos, kasingit singitan talagang bubusisiin at talagang pag naglinis ako, as in sobrang linis talaga. Isa pa sa katangian ko pag sinisipag ay gusto ko ako lang ang naglilinis para walang istorbo, gusto ko nasa labas lang sila ng bahay at nagpapakasaya, nageenjoy at nagpapakatamad. Ako, linis lang ng linis, at pagkatapos kong maglinis papasukin ko na yung mga kapatid ko at magugulat sila kasi lahat ng sulok ng bahay namin bagong ayos, malinis at sobrang gandang pagmasdan. Surprised ika nga! Kaya madalas ang biro ng kapatid ko “O sige iwanan natin si Drake, maglilinis yan ng sobra” na may halong pang-uuto. Pero madalas di ako nagpapaapekto, yung pagiging masipag ko paminsan minsan lang yan!Hahaha!! Tutal marami naman kami, kaya marami silang magtutulong tulong. Basta ako hihiga sa sofa, kakain ng chitchirya at manonood ng T.V


Ganun ako, may plano at direksyon ang buhay ko. Pero pag sinipag talaga ako, gagawin ko ang lahat maabot lamang ang mga plano ko sa buhay. Hindi ako titigil, gagawa at gagawa ako ng paraan. Mahirapan man ako pipilitin ko pa rin maabot yun sa pamamagitan ng sipag ko at hindi ako umaasa sa ibang tao. Kikilos ako ayon sa sarili kong desisyon at diskarte sa buhay na di umaasa sa desisyon at kagustuhan ng iba. Kaya nga nung nag-abroad ako, ginawa ko ang lahat makapangibang bayan lang, hirap na hirap na rin kasi kami eh. Kaya pinilit ko talagang mag-abroad na hindi ko pinapaalam sa mga kapatid at magulang ko. Kaya halos mapudpod ang sapatos ko kakalakad para tipid sa pamasahe, magkanda gustom gutom ako kasi kulang ang pera ko, at magkanda utang utang ako sa credit card pangmedical at processing ng papel, kinaya ko at tiniis. Hindi ko pinaalam sa mga kapatid ko at magulang ko kasi gusto ko silang masuprised at di na mag-alala. Kaya hayun nasuprised nga!!Umiiyak pa nga nanay ko!!Hahaha!! Kaya nga din ngayun, pinilit kong mag-enjoy at maging masaya sila. Basta ako muna ang bahala sa kanila. Ika nga ako muna ang maglilinis. Tutal Masaya naman ako habang naglilinis eh.


Pero sa ngayon hihiga muna ako sa sofa, kakain ng chitchirya at manonood ng T.V,magpapakasaya muna, loosen up, galaw galaw para di mastroke.Mag-iisip isip muna ako ang susunod kong plano , tinatamad muna ako sa mga worries and anxieties ko sa buhay, saka ikokondisyon ko ang aking sarili para sa muling pagsisipag ko. Basta gugulatin ko na lang sila.SUPRISE!! Naks!! Pero ngayun talagang tinatamad ako.


Sige salamat sa time,

1 comment:

Jepoy said...

Guess who's commenting here... :-D

At nakita ko rin ang picture mo ha! :-D

word verification: Sufoth