QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, November 11, 2008

Kwentong Disyerto

PANOORIN NYO MUNA ITO BAGO NYO BASAHIN ANG SINULAT KO!!

Well, uumpisahan ko yung istorya ko sa Airport na, yung tipong tapos na ang lahat ng papel ko papuntang Saudi. KAsi kung sisimulan ko yung kwento ko sa pag-aapply pa lang eh malamang puro mga sistemang bulok ng bansang Pilipinas ang maikuwento ko.


Okay, makalipas ang 9 na oras na byahe sa wakas nakarating na rin ako sa Kaharian ng Saudi Arabia. Natatakot ako kasi ito ang bansang ayaw na ayaw kong puntahan at pagtrababuhan. Kasi halos lahat bawal. So pagdating ko dun sa airport ng Saudi natakot ako sa mga hitsura ng mga Arabo dun, puro mga kamukha ni Bin Laiden eh. Sabi ko sa sarili ko “THIS IS IT…………………. (ito na ang simula ko sa pakikibaka sa ibang bansa at maging isang tunay na OFW)


Sabi ng mga tao sa amin, mag-ingat daw sa mga Arabo kasi kahit daw lalaki ay ginagahasa. Kaya takot na takot ako, nung minsang naglalakad kami ng kaibigan ko bigla ba namang may kotseng bumibusina ng kay lakas lakas sabi ng mga kumag na Saudi “FILIPINI FILIPINI!! KAM PULOS INTA?? (MAgkano raw kaming Pilipino, Teka at ginawa pa kaming paninda, mukha ba kaming mga canned goods!!) Sa takot ko nagtatakbo ako sa malapit na tinadahan, at halos mamutla ako sa kaba!!Halos di ako makalabas ng bahay ng isang lingo. Pero dapat pala ay wag kang matakot kasi mga duwag yang mga Arabo. Kaya habang nagtatagal ay nasanay na rin kami. Eh may isang kwento nga dito, ginahasa yung isang Pinoy ng isang kasamahan nyang Arabo sa Kumpanya. Dinala sya sa disyerto at doon sya pinagsamatalahan, umuwing lulugo lugo ang pinoy at tulala. Mabuti na lang at nakilala nya yung gumahasa sa kanya at kanya itong inihabla sa Saudi Police. Makalipas ang ilang buwan, napagdesisyunan ng Hukuman ng Saudi na GUILTY ang Arabong nanggahasa sa kanya, at kailangang nyang magbayad ng danyos perwisyo sa kaawa awa nating Pinoy. Binigyan sya ng 50,000 riyals, na kung icoconvert sa peso ay maabot ng kalahating milyon (aba pwede na). Kaya nagdesisyon na lang syang umuwi sa Pilipinas at magbusiness daw, kaso iba talaga tayong mga Pilipino, nakuha pang gumawa ng Joke, sabi raw ng kasamahan nyang Pinoy, bumili na lang daw sya ng dyip at ilagay daw sa harap ng dyip “KATAS NG PUWET”, (imbes na katas ng Saudi)!!hahahah!! Grabe talaga tayong mga pinoy mapait na pangyayari ginagawa pa nating katatawanan.


Nung pumunta ako sa Saudi, nagdala ako ng mga produkto natin, yung piatos, chippy, tinapa, tuyo, Argentina corned beef, at kung ano ano pa! Kaya halos mag-over baggage ako kasi sa dami ng mga pinadala kong produktong Pilipinas. Yung handcarry ko punong puno ng Mani, butong pakwan saka pulboron. Nung pumunta ako sa palengke dito sa Saudi nabwisit lang ako, kasi lahat ng dinala ko ay available na available sa bawat sulok ng tindahan dito sa Saudi at BUY ONE TAKE ONE pa, ultimo “BOY BAWANG”meron. Inis na inis ako kasi magkandamatay matay ako kabibit ng mga pagkain na yun, iyon pala meron din sa Saudi.


Nung unang dating ko naman sa trabaho medyo okay naman, ibat ibang lahi, ibat ibang kulay at ibat ibang AMOY. Dyos miyo ang mga ibang lahi dito pati ang mga Arabo, akala mong walang mga ilong. Kasi ang lalakas ng mga PUTOK.. teka masyadong mild ang description…ang lalakas ng mga ANGHIT, mild pa rin eh, ang lalakas ng ANGHIT TO THE HIGHEST LEVEL. Ganito, imaginin nyo yung damit na may anghit na sinuot ng isang taong may putok na mahilig sa sibuyas at sili, imaginin nyo na lang, ganun ganun ang amoy, as in kumakapit sa damit at nanunuot sa ilong na parang vicks. Biniro ko nga yung isang Arabo eh sabi. “ I think you are rich, do you own a bakery?”. Sabi ng Arabo “No, we don’t own a bakery, why?”. Sabi ko “Nothing, coz you just smells like bread”. Sabay sabi sa akin “Thank you”. Di nya lang alam eh ibig sabihin nun ay tinapay na PUTOK. Kung minsan naman kay babaho ng mga hiniga, nung minsang kinausap ko sila, akala mong nasa dumpsite ka ng Payatas sa baho at antot. Eh tumatalsik pa yung laway. Dyos ko po!! Gusto ko sanang tanungin “Kumakain ka ba ng tae?”. KAya ang ginawa ko biniro ko uli “Did you ate fruit this morning?”, sabi nya” No, why?”. Coz you smell like durian fruit, its very popular in the Philippines, it tastes good”. Sabi nya “ Thank you my friend (sabay handshake sa akin) WHhahahah!! Napakasama ko talaga!! Pero sa totoo lang ang saya pala ng pinag-uusapan nyo ng harap harapan yung tao, kahit na masasakit yung sabihin mo sa kanya, ngiti ngitian mo lang, pasasalamatan ka pa nila (palibhasa di nila naiintindihan ang wika natin). Sa atin kasi sa Pilipinas minsan ang mga simpleng pag-uusap ay bibigyan ng kulay. Mga paranoid, sabihan mo ng pangit –galit, sabihan mo ng maganda –galit din, wala ka na lang sabihin, aba galit din. Sensitive kasi tayong mga Pilipino eh


Pero yung ibang lahi din naman ginagawa nila yun sa amin din. Nagsasalita sila ng ibang languwahe sa harap ko. Kesa mainis din, eh ngiti na lang ako ng ngiti!! Eh gantihan na lang!!!
Kung minsan naman makikita mo yung mga ibang lahi sa umaga, mukhang mga naalimpungatan lang, kasi may mga bakas pa ng kumot sa pisngi o di kaya may puti puti pa sa may bibig (tulo laway). Tumayo lang sa kama at dumeretso na sa opisina. Teka wag nyong sabihing HARSH ako, kasi yung boss kong babae, nagpatawag ng isang malaking meeting ng mga cleaner (mga ibang lahi lang) . Akala ko isang napakahalagang announcement ang sasabihin nya yun pala ito lang “Guys (pagalit), You have to observe proper hygiene, before coming to the office take a bath and always put deodorant (nanggigil)”. Sige nga sino ngayun ang harsh, eh iyun nga simple lang pero rock, grabe ang dating. ASTIG KA MA’AM!!!Malamng di na nakaya ng boss ko ang aroma ng mga ibang lahi na ito. Kaya naiisip ko talagang malilinis tayong mga Pilipino sa ating mga sarili. Gusto natin maayos ang sarili natin kung haharap sa ibang tao , Kaso mga malilinis lang tayo sa katawan tapos ang bansa naman natin ay punong puno ng basura. Kahit saan ka magpunta gabundok basura at isang batlyon langaw ang sasalubong sa iyo. Kaya minsan iisipin mo dapat pati sa bansa natin malinis din tayo.


Sabi ng tyuhin ko nung nasa Pilipinas pa ako “ BAwal tumingin sa babae dun”. Syempre takot na takot na naman ang loko. Nasa airport pa lang ako hindi na ako tumitingin sa babae. Sa eroplano nga, nabwisit na sa akin yung flight stewardess sabi nya “ Sir Cofee or Juice” sabi ko “YOU”….este sabi ko “coffee please” sabay tingin sa bintana ng eroplano. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi maganda yung flight stewardess di ko man lang natitigan (“Hay!!! kahinaan ko pa man din ang mga magagandang babae tapos bawal dito sa Saudi”). So pagdating ko sa Airport ng Saudi. Na culture shock ako, kasi ang mga babae dito ay puro mga nakaitim mula ulo hanggang sa kaliliitan ng hinliit ng paa (napakaliit naman yun) at mata lang ang kita, yung tipong mata lang ang nakasiwang. Naimagine nyo ba ang hitsura nila??Teka kilala nyo si Casper the Friendly Ghost, okay ganun na ganun ang itsura ng mga babae dito gawin nyo lang itim si Casper. Ano naimagine nyo na ba? Kung hindi pa, okay ganito nakakita na ba kayo ng isang Ninja na naka toga (graduation gown). Ganun ganun!! Eh naisip ko Halos wala ka na ngang makita sa mga babae dito kasi puro nakaitim tapos bawal pang titigan sa mata. Eh kung nga sa Pilipinas yung ibang mga babae sa atin halos mata na lang ang tinatakpan tapos ang buong katawan ay nabuyang buyang sa masang Pilipino. Halos wala ng mga saplot. Yung tipong ang damit lang ay shades. Whahhha. Naalala ko tuloy yung sabi ng kasamahan kong Indiano, na nanonood ng “WOWOWEE” (tama kayo, nanonood sya sa TFC dito). “Why all the dancers in Wowowee wearing only panty?” di ko alam kung ano isasagot ko sabi ko lang “ Coz its hot in the Philippines”. Syempre di ko sabihin na kaya ganun sila kasi panghatak ng mga manonood, saka ng commercials din. Kumbaga for the sake of rating ika nga!! Kahit na sabihing pantanghali palabas pa yan sa atin sa Pilipinas at maraming bata ang nanonood eh basta mataas ang rating at maraming commercial. Kaya nga pati yung anim taong anak ng kakilala ko, aba nakamini-skirt at sumsayaw ng “IGILING GILING” na mala Luningning (batang lalaki po ito)!!!


Dito bawal ang alak, pero kahit na sabihin mong bawal ang alak dito ay may gumagawa at may mabibili kang alak dito. At hulaan nyo kung anong lahi ang gumagawa nito……um..May tama ka!!! Yup, tama ang iniisip mo syempre ang mga matatalino nating mga kababayan. Na kahit alam mong bawal ay pilit pa ring sumusuway. Ika nga sa ating mga Pilipino lahat ng bawal ay masarap, mas gusto natin ang mga bawal, ika nga may THRILL daw. Nung minsang sinubukan kong uminom ng “SADIKE” (tawag sa alak dito), bumaligtad lang ang sikmura ko, kasi 100% proof pala yun, daig pa ang rubbing alcohol na 70% proof lang (alam ko 40% lang ang allowed for alcoholic drink eh). Eh ang sabi sabi dito ay nakakabulag daw yun kasi nga sa lakas ng alcohol, pero ang mga pinoy dito kahit na mabulag at bawal sa Saudi ay talagang iinom at iinom ng homemade alak dito. Sabi rin ng iba galing daw yung alak na yun sa baterya ng kotse. Kaya maiisip mo ibang klase talaga tayong mga pinoy napakaresourceful, kahit ano pinapatulan, kaya dyan ako bilib sa ating mga Pilipino. SIKAT!!


Dito buti kamo may TFC (The Filipino Channel) saka GMA Pinoy T.V dito at least kahit papaano nawawala ang homesick mo.Yung tipong di ka malalayo sa Pilipinas,kasi mga Pilipinong palabas ang meron dito eh iniisip ko nga nung nasa Pilipinas naman ako ang napapnood ko naman ay Koreanobela, Chinovela, Japanobela, Mexiconobela eh bansa natin yun tapos ang lumalabas sa T.V natin,ay mga CHEKWANG mga mukhang manikin, mga Koreanong mga payatot, mga Hapon na sakang at parang hiniwa ang mata , at mga Mexicanang kay gaganda.oh la la la!! Eh halos wala na ngang Pilipinong palabas sa atin eh, buti sa Saudi meron kahit puro replay okay lang kasi mga kababayan ko naman ang nakikita ko. Kahit puro mukha ni Pokwang at Alan K ang makikita mo at least mga kapwa mo Pilipino ang umaaliw sa iyo at hindi mga dayuhan na nauuna o nahuhuli ang salita kesa sa buka ng bibig. (dahil sa dubbing)


Dito mura ang gasolina, mura ang kuryente at mura ang tinapay. Sa atin naman mura ang ……????? Put@#&* ..wala akong maisip. Mapapamura ka na lang sa taas ng kuryente at gasolina sa atin. Mura ang aabutin mo sa mga galit na Pilipinong naghihirap. Miski yung pandesal sa atin nagmukha na lang holen sa liit, o kaya malaki man ang pandaseal sa atin halos puro hangin na lang ang nakain mo dahil sa pampaalsa, kakabagan ka pa. Dito medyo marami rami ang maabot ng pera mo. Saka ang pagkain dito mararami ang serving. Sa isang restaurant dito pag umorder ka ng pagkain ang ibibigay sa iyo ay isang buong manok at isang palangganang kanin. Ganun karami!!! Kaya nga pilit kong inuubos yung kanin kasi nga ang dami nagugutom sa Pilipinas kaya dapat di ako nagsasayang. Kaya kahit makandasuka suka na ako kakain ay pilit ko pa ring inuubos. Pero naiisip ko nga kung maubos ko ba yun, mabubusog ba yung mga tao sa Pilipinas. Parang hindi naman kaya bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko.


Alam nyo marami pa akong ikukuwento sa inyo tungkol sa buhay ko sa Saudi. Sa dalawang taon ko dito marami pa yan baka nga makabuo pa ako ng isang libro tungkol dito eh. Siguro kung may time na lang ulit. Pero ang masasabi ko, sabihin natin mahigpit at maraming bawal sa Saudi, sasabihin ko pa rin na dahil sa mga experiences ko dito sa Saudi nagbago ako bilang isang tao. Natuto akong tumayo sa sariling paa, umasa sa sarili at maging independent. Mas nakilala kong mabuti ang sarili ko at lalo ko pang napahalagahan ang mga tao sa buhay ko. Sabi nga nila kung kelan ka nalalayo sa pamilya mo saka ka naman napapalapit sa kanilang mga puso. Nun mo lang kasi marerealize ang lahat eh, malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o tao pag nawala iyon sa iyo. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makaipon kasi panagarap ko balang araw magkakasama sama din kaming magkakapamilya at kahit kailan ay di ko na iiwan ang minamahal kong bayang Pilipinas. Sa ngayon, magpupunyagi muna ako at magsisikap dito sa bansa ng mga Arabo, ang bansang aking iniwasan noon, ngayon ay nagbigay sa aking ng isang malaking oportunidad. Basta tutuparin ko ang pangarap ko, mahirap man at malungkot kakayanin ko ito sa tulong ng Dyos. I



yon lang po at maraming Salamat!!

3 comments:

Kablogie said...

Hahaha boy bawang, chippy, pulburon halos ng lahat ng pagkain ng pinoy meron din dito mejo mahal nga lang..buset talaga!

Yien Yanz said...

ganun ba kadulas ang mga daan jan sa KSA? ang sira ulo talaga ng mga arabo, kaya pala nahahawa ka na! heheh

imcool said...

It only shows kung gaano ka kabasura... ganda ng pakikitungo ng mga kaharap mo pero nilalait mo lang pala