QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, November 11, 2008

Kwentong Bakasyon (Part 1)


Napakasarap talagang magbakasyon sa atin, tuloy mgay mga panahong naalala ko yung mga gimik ko saka yung pagliliwaliw. Nga pala kwento ko lang sa iyo yung nangyari sa bakasyon ko!!
Eh di hayun na nga lumapag na sa Ninoy International Airport ang eroplano namin, paglabas ko sa airport syepre hinahanap ko yung pamilya ko. Aba!! wala akong nakitang sumusundo sa akin, sige hanap hanap, pero wala pa rin akong makita. Kaya ginawa ko pinuntahan ko na lang sa waiting area ng mga sumusundo. At pagdating ko dun, nagkagulatan pa kami.Uy, nandyan na pala si Drake sabi ng tatay ko, at parang dun lang ako napansin ng mga kapatid. Kaya pala di nila ako napansin, ay nakatitig pala yung mga kapatid ko sa isang mag-asawang Filipina at Amerikano. Sabi nila napakagwapo daw nung Amerikano tapos ang napangasawa ay mukhang Maid!! Tawa raw sila ng tawa, pero naisip ko rin nga ,Bat nga ba mahilig ang Amerikano sa mga ganoon mukha????

Nagtataka rin talaga ako, kunsabagay halos puro magaganda ang mga tao dun sa Amerika, ni hindi ko nga maisip ano kaya ang depenisyon sa kanila ng panget. Kasi dito sa Pilipinas, isang tingin mo pa lang sa tao aba malalaman mo na eh!!! Sa atin kasing mga Pilipino, ang depenisyon ng Kagandahan ng isang tao ay kailangang maputi, matangos ang ilong, sexy, naglalakihan ang kung ano ano (alam nyo na yun) basta yung tipong mukhang tiga U.K o kaya U.S. Eh kung wala kang mga katangian nito malamang sinasabihan ka ng PANGIT!!!!!! Sa akin naman syempre ang mahalaga ay yung ugali ng isang tao, kahit gaano man syang kaganda eh kung masama ang ugali nya eh………pwede na ring pagtyagaan!! Joke lang , syempre ika nga mahalaga sa akin ang ugali.NICE

Balik tayo dun sa Amerikano saka sa Pinay, ewan ko rin ba sa ating mga kababayan nating Pinay, halos magkandapuyat puyat kakainternet, magkandadugo dugo ang ilong kakaingles ay talagang tinitiis para lang makapag-asawa ng porenger. Para sa iba nating kakababayan pagnakapag-asawa sila ng amerikano pakiramdam nila aahon na sila sa hirap. Ika nga, para na ring tumama sa lotto, jackpot!!! Ang mga kanong ito ang pasaporte nila sa magandang buhay. KAwawang Amerikano hindi nila lang alam na para na rin nyang pinakasalan ang buong angkan ng asawa nya!!! Pero sa kabilang banda naman parang nakajackpot na rin yung Amerikano, ika nga “ May asawa na sya, may katulong pa sya”, !!!Joke lang!! Maasikaso kasi tayong mga Pilipino, ika nga pagsinabing housewife eh talagang housewife talaga, malambing na maasikaso pa. At higit sa lahat magaganda ang magiging anak nila. Sigurado yun!!

Teka back into may vacation, so pagdating ko sa bahay medyo feeling at home na ulit.Ang sarap ng pakiramdam at last dito na ulit ako sa pinas!!!

Kinabukasan akala ko may gulo sa labas kasi ang ingay yun pala eh sari saring mga chismisan ang marininig mo sa may kanto namin, eh kasi ang tapat ng bahay namin palengke tapos kwentuhan ng kung sino sinong buhay ng may buhay ang marirnig, mo!!! Ito ang alarm clock ko nung nagbabakasyon ako. Iba nga lang ang tunog.

Syempre una kong ginawa pagdating ko sa pinas.Pagpunta sa SM (may bagong mall pala sa atin yung Trinoma).Ako talaga ay nagtataka, sabi nila naghihirap daw ang Pilipinas pero makikita mo punong puno ang mall, at halos di ka na makaraan sa dami na tao.Sabi nila nagpapalamig lang daw yun, pero syempre gagastos din sila sa pagkain. Aba sa haba ng nilakad nila kakawindow shopping (na pagsinuma mo ay para ka na ring naglalakad muna Balintawak hanggang Edsa) tingnan ko lang kung di sila gutumin.

Alam mo ba ang mga style sa pagwiwindow shopping. Syempre papapsok yan sa mga boutique boutique, sukat-sukat, tingin tingin, mamaya maya aalis na yan maglilintanya pa “ Di naman Maganda eh”. Kunwari pa sila, eh ang totoo nyan wala lang talaga silang pera, kawawa naman yung mga sales lady kakatiklop ng mga damit, malas malasan pa makikita mo mamasa masa pa yung kilikili tapos may amoy pa.

Heto pa syempre magkakasama ang magkakaibigan, tapos tanungan na kung san kakain. Iba magbabangit pa sa mga mamahaling restaurant tulad ng Max’s, pizza hut , Kamayan retaurant at kung ano ano pa perokamulat mulatan mo magkikita rin kayo sa Jollibee, ika nga sa haba haba man ng prusisyon sa Jolibee din ang tuloy.

Sa atin, takang taka talaga ako. Alam ko naman na matatalino ang mga Pilipino at karamihan sa atin ay marunong bumasa at sumulat. Ewan ko ba pero naiisip ko lang, pag may nakalagay na “BAWAL UMIHI DITO” eh dun pa kay panghe panghe. PAg nakalagay na “BAWAL MAGSAKAY AT MAGBABA DITO” aba dun talaga hihinto ang mga bus at jeep. At pag may nakalagay na “BAWAL SUMAKAY DITO” Dun maraming nagaabang ng sasakyan at maraming tao.Ibang klase talaga tayong mga pinoy!! ASTIGGG!!!

Aba sangdamakmak na babala ang nakapaskil dyan minsan mababasa mo “ WALANG TAWIRAN, NAKAKAMATAY”, tapos makikitang mong parang mga sisiw na tumatakbo sa gitna ng kalsada at nagpapatintero. Bakit hindi na lang ganito ang ilagay nila baka mas mabisa pa “TUMAWID KA, HINDI KA MAMATAY” . Baka epektibo pa nga iyun. Minsan ganito naman ang nakapaskil “Aso ka ba?Aso lang ang pwedeng umihi dito”!!! aso lang daw ang may liesensyang umihi dun.

Onli inda pilipins paggagamit ka ng kubeta kailangan mong magbayad. Minsan mababasa mo sa mga CR ( Ihi= piso, tae=dos) eh minsan naman ( ehe=peso, tai=dus) nice men!!! Ibang klase talaga tayong mga Pilipino. Isa pa yung lagi kong hinahanap pag uuwi ako ay ang masasarap nating mga street foods na may tag line na “Mura na, madumi pa”whahahah, o di ka ya “ Masarap na, may sakit ka pa”!!!Di ba pagkagamit natin ng plastic cup o kay nung stick natin para sa fishball, makikita mo pinupulot din nung tindero. Minsan nga naglagay ako ng tanda sa cup, akalain mong yung cup na yun ang ginamit ko kinabukasan!!Yan ang tinatawag na recycle.
Alam nyo dito sa Saudi walang simbahan kaya sa totoo lang miss na miss ko ang pagsisimba.Hayun lingo lingo nagsisimba ako. Aba talagang hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon ng simbahan. Aba, ginawang peryahan ang simbahan, makita mo naglisaw lisaw ang mga bata, tapos syempre ngawaan ng ngawaan yun, wala ka ng naiintindihan kundi atungal ng mga mata na yun!!!Tapos makikita mo ang mga ilong ng mga batang yun parang may mga plastic balloon sa ilong dahil sa sipon, nice!! MInsan naman ginagawang tagpuan ng mga magkasintahan ang simbahan!! Makikita mong nakayapos ng nakayapos ang magkasintahan, daig pa ang Luneta sa dami ng magsing irog na di mo alam kung nakikinig sa misa o naglalambingan dun. Yung iba naman gingawang sinehan ang misa. Yun tipong kung sang parte mo naabutan dun ka ring parte aalis sa susunod na misa.Kamusta naman yun!!

Nga pala bininyagan yung una kong pamangkin (anak ng diko ko) last May 4, 2008 syempre ninong ako, (Aba, dapat lang). Ang pangalan ng pamangkin ko ay Hyacinta Fiona, nice tunog mayaman. MAraming kasamang sanggol ang bininyagan noong araw na yun maawawa ka naman sa mga pangalan ng mga bata dun, aba kay hihirap at kay hahaba isulat. Pihadong mahihirapan yung bata pag nag grade one. Yung pari sumusuko sa haba ng pangalan ng isang bata “Joanna Catharine Michelle”. Bat hindi na lang maigsi yung tipong hindi tipikal, bat hindi na lang “BOY” o kaya “NENE” .Ako nga yung panagalan ko, pangalang di pinag-isipan, ewan ko bas a nanay ko.Minsan naman pangalan ng mga character sa T.V nandun katulad ni Gian Carlo ng Palos, Lyka ng Lobo at Marimar ng Marimar. Mahilig tayo kung ano ang usong palabas ngayun at iyun ang ipapangalan natin sa mga walang kamuwang muwang na sanggol .Bat di na lang ang pangalan ng bata ay “Maligno”.Tutal sikat na palabas ngayun yun sa T.V, o kaya ang Betty la Fea mukhang maganda rin yun, nice, good suggestion!!!

Sa atin naman mahilig ang tao sa Koreanovela, nagulat nga ako eh na dalawang version ng iisang koreanobela ang meron sa atin ,ang palabas sa Channel 2 ay Hanna Kimi D’ Original-Tawainese Version (nice parang buko pie lang ah) sa channel 7 naman aba Hanna Kimi Japanese Version rin (siguro ito yung fake, whahah). Sa atin sikat na sikat si Dyesebel, na kung makikita mo pag lumalangoy sa ilalim ng dagat parang inaasinang bulate, kislot ng kislot. At pag nasa set sila, na ang disenyo ay nasa ilalim ng dagat, makikita mo si Dyesel parang tinutulak ng kariton pag lumalangoy. Teka may pantapat dyan ang Channel 2 “Ang Marina- Director’s Cut”, na kung papanoorin mo talaga ay wala namang nabago sa mga eksena, yung title lang ang nabago. Kaya ang sikat ngayun sa T.V ay mga sirena, dati mga super heroes katulad ni Darna at Krystalla, sa susunod kaya ano naman, kasi meron ng naging taong ahas (kamandag), naging taong lobo (Lobo) bat di nila subukan ang taong butiki o kaya taong langaw mukhang okay naman yun ah.
Naku sa atin usong uso ang cellphone at mp3 players, halos lahat ata ng tao meron nito. Pagsasakay ako ng bus halos 90% ng tao sa bus mga naka MP3 player pati yung nagtitinda sa loob ng bus meron!!. Yung nagtitinda naman ng fishball sosyal at nakacellphone din may camera pa at mukhang nakaunlimited load pa.Kasi text ng text eh. Daig ako ah!!!!At kung gaano karami ang may cellphone ganun ding karami ang mandurukot at magnanakaw. Minsan nga naiisip ko gagawa ako ng cellphone na may bomba, yung tipong pag naagaw sa akin yung cellphone ko, bigla ko na lang papasabugin para maputulan ng mga kamay yung mga hinayupak na yan!!Sadista????!Joke lang po.Biro lang po yun Lord!!!!

Ganyan ang buhay sa atin minsan talagang nakakatawa at minsan nakakainis, pero kung susumahin pa rin wala pa ring makakatapat ang pilipinas!!! Kahit ano pang sabihin ng iba, uuwi pa rin ako sa pilipinas at dyan ako ipapagpapatuloy ang aking buhay.

Teka first part pa lang yan ng kwento ko, marami pa akong ikukuwento sa inyo!!! Palagay ko sa susunod na chapter uli!!!

TO BE CONTINUED………………………………………………………………………………

No comments: